Capítulo Veintitrés punto dos (23.2)

1310 Words
"Ayon, sinabi ko sa kan'ya ang lahat ng nararamdaman ko, kung gaano kabigat ang dala-dala ko araw-araw, kung gaano na ako kapagod na harapin ang mga problemang binibigay ng Hurricane na 'yun, at kung gaano na ako kapagod na alamin kung ano ba talagang mayroon sa amin ni Sir Wild," paliwanag ko at bumuntong-hininga na naman. Naramdaman ko ang malambot at mainit na palad ni Natalia na humaplos sa aking kamay kaya natuon ang atensyon ko sa kamay niya. Magaan ito at masarap sa pakiramdam, kaya tipid akong napangiti sa ginawa niya at saka ay tiningnan ko siya ulit at bakas sa mukha niya ang sinseridad at may naka-ukit pang malapad na ngiti sa kan'yang mapulang labi. "Ayos lang 'yan, Stella, at least ngayon ay naipalabas mo na ang nararamdaman mo, at least gumaan na ang kung anuman ang mabigat d'yan sa puso mo. Pero ano naman ang sinabi ni Sir Wild pagkatapos mong sabihin lahat 'yang nararamdaman mo?" Tanong niya at kumunot ng bahagya ang noo niya at kitang-kita ko sa kan'yang mukha na puno ito ng kyuryusidad at awa. Umiling lang ako bilang tugon at mapait na ngumiti sa kan'ya. "Wala, wala siyang sinabi," tugon ko at nakita ko ang pagbabago sa kan'yang mukha na kaninang kyuryusidad ay napalitan ito ng pagtataka. "Why? Natamaan ba siya sa sinabi mo? O dahil hindi mo lang siya hinayaang sabihin ang side niya?" Kunot-noong tanong niya kaya ipinatong ko rin ang aking palad sa kamay niyang nakahawak sa kabila kong kamay. "Both," tipid na tugon ko kaya napa-atras siya ng bahagya at naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa aking kamay. "Puntahan mo na si Sir Wild, hayaan mo rin siyang magpaliwanag, nailabas mo na ang nararamdaman mo riyan sa puso mo kaya bigyan mo rin ng pagkakataon si Sir Wild na sabihin at sagutin ang nararamdaman mo kagaya ng kung paano ka rin niya binigyan ng pagkakataong ipalabas ang nararamdaman mo. Kailangan niyo lang ng komunikasyon sa ngayon para magka-intindihan kayo, baka kapag hahayaan mo siyang magpaliwanag, baka mahal ka rin pala niya, at hindi pa siya handa sa ngayon na sabihin ang nasa puso niya," pagpapagaan ni Natalia sa loob ko kaya para akong nabigyan ng lakas ng loob sa sinabi niya. Sunod-sunod akong tumango sa kan'ya at malapad na ngumiti. Agad ko siyang dinaluhan ng yakap at naramdaman ko ang magaang paghagod niya sa likod ko kaya para akong nakahinga ng maluwag sa ginagawa niya. "Sige na, ibigay mo na yang report mo kay Sir Wild at kausapin mo na siya para magka-intindihan na kayo," mahinang saad niya at bahagya niya akong tinulak para maghiwalay kami sa yakapan naming dalawa at saka ay hinawi ang buhok kong bahagyang nakatabon sa mukha ko at magiliw niya akong nginitian. "Oo na, oo na, pupuntahan ko na 'yung bebe ko para magkausap na kami," pagpapagaan ko sa loob at saka ay napatawa naman kaming dalawa dahil sa sinabi ko. "Ang kulit mo pa rin talaga kahit kailan, Stella," natatawang saad niya at saka ay tinapik na niya ang balikat ko kaya tumango ulit ako na may tawa pa sa labi at saka ay tumayo na ako at inayos ang mga dadalhin ko sa taas para kay Sir Wild. "Fighting! Dapat nakangiti ka pagbalik dito, ah?" Habilin niya sa akin kaya napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya at saka ay tumango. "Oo na, oo na, aalis na," nakangiting paalam ko sa kan'ya at saka ay niyakap ko na ang mga dadalhin ko. Napabuntong-hininga ako ng malalim bago bumukas ang pinto ng elevator at saka ay lumabas na ako nang gumaan na ang nararamdaman ko. Naglakad pa ako ng iilang hakbang hanggang sa makarating ako sa malaking pintuan na gawa sa dark oakwood at may tag pa na nakadikit dito na Office of the Vice-President. Kumuwala pa ako ng tatlong buntong-hininga at saka ay kakatok na sana sa pinto nang mapansin kong bahagya itong naka-awang. Nagtaka naman akong hinawakan ang doorknob nito at bahagya ko itong binuksan at nakangiti pa akong binuksan ang pinto at bigla na lang napawi ang ngiti ko nang makita ko ang eksenang tumambad sa akin sa loob ng opisina. Parang nadurog ang puso ko ng pinong-pino dahil sa nakikita ko ngayon. Nanginginig at nanghihina ang tuhod ko at nagbabadya na namang tumulo ang luha ko dahil napapansin kong namumuo na naman ang panlalabo sa aking paningin. Kagat-labi akong lumabas ulit ng pinto at mahina itong isinara para hindi ko magambala ang dalawang taong naghahalikan sa couch ng opisina ni Sir Wild. Oo, si Ma'am Victoria at Sir Wild, silang dalawa ang nakita ko. Ang kaninang bigat sa dibdib na unti-unti na sanang nawawala ay nanumbalik na naman ito at mas lalo pang dumoble. Mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko na parang pasan-pasan ko ang buong mundo, kaya dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay napabaluktot ang likuran ng tuhod ko at napa-upo ako sa aking buol. Mahigpit akong napayakap sa dala-dala ko habang pinapagitnaan nito ang aking dibdib at nakabaluktot na tuhod. Napaiyak ako ng tahimik para hindi ako marinig ng kung sino man. Mabuti na lang din at walang taong dumadaan sa hallway kaya walang makakakita sa aking pagtangis dito. Mas lalong kumirot pa ang aking puso nang sumasagi sa aking ala-ala ang nasaksihan ko kani-kanina lang. Kaya napasapo ang mukha ko sa yakap-yakap kong tablet at folder ngayon. "Stand-up, Stella." Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nag-agaw ng atensyon ko at nagpatigil sa pag-iyak ko. Napa-angat ang tingin ko at unang tumambad sa akin ang isang kamay na may hawak-hawak na pulang panyo at may nakatahi pang bulaklak na rosas dito. Mula sa kan'yang kamay ay napa-akyat ang tingin ko papunta sa kan'yang matipunong braso hanggang sa maabot ng mga mata ko ang maaliwalas na kulay kagubatang mga mata niya. Binabalutan ng pag-aalala at pagtataka ang berdeng mga mata niya habang mataman itong nakatingin sa akin. Parang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang mapayapang kakulay ng kagubatang mga mata niya, para akong nakaramdam ng matalik na relasyon sa kalikasan na nagpapagaan sa akin. "Sir Gideon," tawag ko sa kan'ya at saka ay binaluktot din niya ang kan'yang mga tuhod, idinikit niya sa sahig ang kaliwa niyang tuhod habang ang isang tuhod naman ay nanatili lang na nakabaluktot at naka-angat pa ito ng bahagya mula sa sahig. Ipinatong niya sa matigas niyang hita ang matipuno niyang kabilang braso habang ang isang braso naman niya ay naka-angat kung saan hawak-hawak niya ang pulang panyo at magaan niya itong ipinahid sa namamasa kong pisngi. "Hush, stop crying, Stella, sino ang nagpaiyak sa 'yo, hm?" Magaang saad niya sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko at saka ay sunod-sunod na umiling. "Wala po, wala, m-may natanggap lang akong tawag mula sa mama ko," pagsisinungaling ko at napaiwas ako ng tingin sa berdeng mga mata niya. "Ganoon ba? May masamang nangyari ba sa kan'ya?" Interesadong tanong niya. Tumango ako ng dalawang beses habang naka-yuko. "Na-confine lang siya sa hospital," pagsisinungaling ko pa. "Ganoon ba? Ikamusta mo ako sa kan'ya, ah?" Habilin niya at tumango ulit ako sabay angat ng tingin sa kan'ya at naabutan ko siyang papatayo na. Inilahad niya ang kan'yang kabilang kamay sa harap ko at tiningnan ko ito. "Tumayo kana riyan," anyaya niya sa akin kaya malugod kong tinanggap ang mainit niyang palad at mahigpit niya itong hinawakan na nagpagaan naman sa nararamdaman ko at saka ay bahagya niya akong hinatak kaya tumayo na ako at humarap na kay Sir Gideon. "Magiging maayos lang siya, okay?" Pagpapagaan niya sa loob ko sabay tap niya sa ibabaw ng aking ulo. Parang isang bulak ang magaspang niyang palad na dumapo sa ibabaw ng aking ulo. "Maraming salamat po," tugon ko at bahagyang ngumiti sa kan'ya habang siya naman ay ngumiti ng malapad sa akin, pilit na pinapagaan ang bigat na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD