"No, hindi na ngayon, hindi na ako ang sekretarya mo, Mr. Fuero, not anymore. Ito?" Saad ko sabay taas sa brown envelope na dala-dala ko at napabaling ang tingin niya papunta sa brown envelope na itinaas ko.
"Ito po ang resignation letter ko, Mr. Fuero, 'di ba matagal niyo na po akong gustong paalisin sa trabahong ito dahil sa ugali kong hindi pasok sa standard ng isang sekretarya? Dahil lalampa-lampa ako at minsan ay nakakabwesit? So, ito, pagbibigyan ko na po ang gusto ninyong umalis ako dahil ako na po ang kusang aalis," matigas kong saad at saka ay umayos ng tayo pagkatapos kong sabihin iyun.
"Pero may kontrata tayo, Stella, you can't resign right now, hindi pa expire ang kontrata mo, p'wede kitang ipakulong kung gagawin mo 'yan," pananakot niya sa akin kaya napatawa na lang ako ng mahina.
"Ipapakulong? What if baliktarin ko kaya ang sitwasyon at sasabihin ko sa korte na kinuha mo ako bilang sekretarya kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at hindi dapat pasok sa standard ng Cyrene ang naabot ko at hindi ako qualified sa trabahong ito dahil kinuha mo lang ako para lang gawing s-x slave mo, at p'wede kitang kasuhan ng s-xual harassment kung ganoon, so quits tayo, makukulong ka, makukulong din ako," kondisyon ko at padabog siyang tumayo.
"Why are you doing this, Stella?!" Galit na saad niya habang tinuturo ako.
"Hm... Ayaw ko lang kasing masaktan pa ulit at aasa sa mga mixed signals mo, Sir, kaya mas mainam na aalis na lang ako rito, 'di ba napag-usapan na natin ito?" Kunot-noong saad ko at matalim ang tingin niya sa akin.
"I resign, Sir, pasensya na, at salamat na lang sa tulong na ibinigay mo sa akin sa loob ng isang buwan. Nakakapagod na kasi, Sir, pagod na ako sa 'yo," diretsahang saad ko at saka ay tinalikuran ko na siya at iniwan ko sa lamesa niya ang brown envelope na dala-dala ko.
"Wait, Stella—" hindi ko na narinig ang kasunod niyang sasabihin nang sinarado ko na ang pinto ng opisina niya sabay labas sa opisina niya.
Nang makalabas na ako ay unti-unting namamanhid at nanghihina ang tuhod ko kaya dahan-dahan ang pagbagsak ng tuhod ko sa sahig. Kasabay nu'n ay ang paghawak ko ng mahigpit sa aking dibdib dahil sumisikip na naman ito. Naramdaman ko na rin ang sabay-sabay na pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Ang sakit, ang sakit sakit," mahinang saad ko at mahinang pinukpok ang dibdib ko gamit ang nakakuyom kong kamay. Mahina akong napahagulgol at saka ay pinahid ko kaagad ang mga luha kong kanina pa lumalabas.
Para lang naman 'to sa 'yo, Stella, kung ayaw mong masaktan, mas mainam pang aalis ka na lang dito, mas ikabubuti sa 'yo ang desisyon mo.
Napatango-tango na lang ako sa iniisip ko at saka ay tumayo na mula sa pagkakaluhod ko mula sa sahig. Mabilis akong nakarating sa opisina namin ni Natalia at naabutan ko pa ang kaibigan ko roon na umiiyak habang nakatingin sa karton na pinaglagyan ko ng mga gamit ko sa pag-alis ko.
"Nat..." Mahina kong tawag sa kan'ya kaya napabaling ang tingin niya mula sa karton papunta sa akin at saka ay dali-dali siyang lumapit sa akin at niyapos niya agad ako ng yakap.
"Aalis kana talaga? Sure na ba?" Pagka-klaro niya at tumango-tango ako habang yakap-yakap ko siya.
"Oo, buong-buo na, para sa sariling kapakanan ko lang naman ito, Nat, iniisip ko ang mas ikabubuti sa isip at puso ko. May naipon naman ako riyan mula sa sweldo ko last month at sa daily allowance ko kaya p'wede akong makapagsimula ulit o 'di kaya ay uuwi na lang ako sa Bukidnon para sa nanay ko," saad ko sabay kalas ng yakap namin sa isa't-isa at pinahid ko ang mga luhang lumalabas sa kan'yang mga mata.
"Tahan na, magkikita pa naman tayo, eh, p'wede mo naman akong bisitahin sa apartment ko o 'di kaya ay pupuntahan kita sa condo mo hangga't nandito pa ako sa Manila," pagpapagaan ko sa loob niya at pilit siyang ngumiti at tumango-tango.
"Sige na, kailangan ko nang umalis," saad ko kaya lumayo siya ng kaunti sa akin at umalis naman ako sa harapan niya at lumapit sa karton na may lamang mga gamit ko at kinuha ito.
"Mag-ingat ka, Stella," nakangiting paalam niya sa akin sabay kaway bago ako tuluyang lumabas sa opisina.
Paglabas ko sa opisina ay inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Mamimiss ko ang lugar na 'to kahit trauma lang ang ibinigay nito sa akin, nakakamiss kasi isipin ang masasayang mga araw ko rito habang mahal na mahal ko ang trabaho ko pero ngayon, hanggang ala-ala na lang 'yun lahat. Wala na rin akong planong bumalik pa rito dahil hindi ko na kaya ang mga nangyayari rito.
"Stella," tawag sa akin ng isang pamilyar na malalim na boses ng isang lalaki. Naagaw agad ang atensyon ko mula sa paglibot ng tingin ko sa paligid papunta sa lalaking nakatayo malapit lang sa akin.
"S-Sir Wild," mahinang saad ko.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, magulo ang kan'yang buhok na para bang sinabunutan ito at saka ay naka-loose ang neck tie niya habang nakabukas ang unang dalawang butones sa ibabaw ng long sleeve niya. Dali-dali siyang lumapit sa akin at ako naman ay umatras sa ginawa niya.
"D'yan ka lang, h'wag kang lumapit," pagpipigil ko sa kan'ya pero parang hindi niya ako narinig.
"Tigil—" hindi na natapos ang sasabihin ko nang sinakop niya agad ang labi ko gamit ang sa kan'ya.
Unti-unti ay naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi, hindi dahil sa luha ko, kung hindi dahil sa luhang lumalabas mula sa lalaking kahalikan ko ngayon. Agad-agad ko siyang itinulak gamit ang karton na dala-dala ko kaya naputol ang halikan naming dalawa.
"Sabing tumigil kana, eh! Hindi mo ako madadala sa gan'yan, Mr. Fuero! Sawa na ako sa gan'yan! Tapos na ako sa pamamaraan mong gan'yan, graduate na ako sa mga tactica mong gan'yan, Mr. Fuero!" Singhal ko agad sa kan'ya at saka ay tinalikuran ko na siya at umalis na pero napatigil na lang ako sa paglalakad ko nang maramdaman ko ang mainit na presensya na sumakop sa akin mula sa likod ko.
"Please, stay, please don't leave me again, Stella, please, don't leave me like what you did before," naiiyak niyang sabi habang nakayakap sa akin mula sa likod ko. Kumunot naman ang noo ko, hindi dahil hindi ko maintindihan ang english niya pero hindi ko maintindihan ang sinabi niyang don't leave me again.
"Ha? Teka, bitawan mo nga ako! Aalis na ako!" Matigas kong saad pero hindi niya pa rin ako binibitawan sa pagkakayakap niya sa akin mula sa likod ko.
"Please, stay, don't leave me again, I'm sorry for what I did, please stay, please," pagmamakaawa niya kasabay ng pagsubsob ng kan'yang mukha sa balikat ko at umiyak ng tuluyan doon.
"Buo na po ang desisyon ko, Mr. Fuero, kaya please, hayaan niyo na po akong umalis, please," saad ko kasabay ng pagbasag ng boses ko dahil sa paghikbi ko.
Naramdaman ko ang pagkalas ng yakap niya kasabay ng paglipat niya sa harapan ko at lumuhod doon at hinawakan ang binti ko. Biglang sumikip at sumakit ang dibdib ko sa ginawa niya.
"Sir, please, tumayo na po kayo, pinagtitinginan na po tayo ng mga empleyado niyo rito, please," humihikbing saad ko kaya yumukod ako at pinantayan ko siya.
Nilapag ko ang karton na dala ko sa sahig at hinawakan ko ang kabila niyang pisngi gamit ang isa kong palad at pinahid ang mga luha niyang tumutulo. Mapait akong ngumiti sa kan'ya habang pinagmasdan ang bughaw niyang mga mata na nalulunod sa malalim na karagatan na puno ng sakit at kalungkutan.
"I'm sorry, Sir, pero buo na po ang desisyon ko, marami pa naman pong mas magaling pa kaysa sa akin, mas masarap pa kaysa sa akin, at higit sa lahat, mas matalino pa kaysa sa akin. Ang importante lang sa akin ngayon, Sir, ay ang kalusugan ko, kung selfish ka po, selfish din po ako pagdating sa sariling kapakanan ko at sa ikabubuti ng aking puso at isip," saad ko sabay kuha sa karton at tumayo na at saka ay umalis na sa harapan niya at iniwan ko siya roon na nakaluhod pa rin sa sahig.
Sa bawat hakbang na iginagawad ko papunta sa elevator ay parang binabasag ang puso ko, subrang sakit sa puso, mahal ko siya, eh, pero kailangan ko ring mahalin ang sarili ko, mas mahigit pa sa pagmamahal ko sa kan'ya, mas importante ang sarili ko dahil ito lang ang mayroon ako, iiwanan man ako ng buong mundo, itatakwil man ako ng mga tao, pero alam ko sa bandang huli, ang sarili ko lang ang tangi kong kasama.