Bumalik ako sa opisina namin na matamlay ang naka-ukit sa buong mukha ko. Bumuntong-hininga muna ako bago ko pinihit ang doorknob ng pinto ng opisina at saka pumasok na.
Pagpasok ko ay bumungad agad sa akin si Natalia na naka-upo sa kan'yang swivel chair at nakatingin pa sa akin, halatang gusto agad marinig ang kung anuman ang naganap sa akin. Pilit akong ngumiti sa kan'ya nang mapansin niyang iba ang aura ng mukha ko kaya napakunot ang noo niya sabay tayo at nilapitan ako.
"Oh? Ano'ng nangyari sa 'yo, Stella? Bakit namumula ang mga mata mo? Umiiyak ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin nang makalapit na siya.
Napabuntong-hininga ako ng isang beses at saka ay tiningnan ko siya sa kan'yang mga mata. "Ayos lang ako, uuwi na tayo?" Pag-iiba ko ng topic.
"Hindi, hindi tayo uuwi hangga't hindi mo isusumbong sa akin ang nangyari. Nag-away ba kayo ng boss mo? Inaway ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong niya ulit at sunod-sunod na iling naman ang sagot ko sa bawat tanong niya kaya mas lalong kumunot ang noo niya.
"Ha? Eh, ano nga?" Pagka-klaro niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya napayuko na lang ako sa aking ulo habang pilit niyang hinahabol ang tingin ko.
"Magsalita ka, Stella," pamimilit niya kaya napakagat na lang ako sa aking ibabang labi para pigilan ang paghikbi ko pero hindi ko magawa dahil unti-unti ay nagpapaunahan na naman ang aking mga luha sa paglabas sa aking mga mata.
Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin ko na lang siya at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya at doon na lang ako umiyak. Ramdam ko sa katawan niya ang pagkagulat sa ginawa ko kaya paunti-unti at dahan-dahan ang pagtapik at paghagod ng palad niya sa aking likod.
"Ilabas mo lang 'yang nararamdaman mo, Stella, nandito lang ako, hm?" Pagpapagaan niya sa loob ko kaya tumango-tango ako habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa balikat niya.
"Hush, Stella. Pagkatapos mong umiyak, ilabas mo lang 'yan, ha? Gusto mo inom tayo? Libre ko," anyaya niya sa akin kaya dahan-dahan akong kumalas sa yakapan naming dalawa at saka ay tiningnan ko siya.
Sinakop ng dalawang palad niya ang magkabila kong pisngi at gamit ang magkabila niyang hintuturo ay pinahid niya ang mga luha kong lumalabas pa rin mula sa aking mga mata. Pinahid niya rin ang namamasang parte ng aking pisngi.
"Tara?" Anyaya niya ulit at tumango ako.
"P-P'wedeng sa apartment ko na lang? Ayaw ko muna sa bar ngayon, masyadong maingay, gusto ko na muna ng katahimikan, p'wede?" Request ko at ngumiti lang siya sabay tango.
"Oo naman, basta sabihan mo lang ako sa kung anuman iyang saloobin mo, ha? H'wag mong kimkimin 'yan, hm?" Kondisyon niya at tumango lang din ulit ako.
|༺☬༻|
"Ano?!" Gulat na saad ni Natalia habang nakakunot ang noo niya at galit na nakatingin sa akin. 'Yung kamay niya na nakahawak sa beer na nasa lata ay nagngangalit na at parang maya-maya ay mapipisil na niya ang latang hawak-hawak niya.
"Oo, kaya ayon, wala akong nagawa, hindi na lang ako tumuloy sa pagpasok sa opisina, mukhang nagkakasiyahan naman silang dalawa, eh, kaya hinayaan ko na lang," tugon ko at napayuko at tiningnan ang lata na may lamang beer na hawak-hawak ko.
Nagulat na lang ako nang hinampas ng palad niya ang ibabaw ng lamesa kaya napatingin ako kay Natalia ng diretso. "Kung ako pa siguro ang nakakita sa eksenang 'yun, siguro binato ko silang dalawa ng tablet," nakangusong tugon ni Natalia sabay cross-arm.
"H'wag kanang magalit, parang mas ikaw pa 'yung nasaktan sa nangyari kaysa sa akin, eh," saad ko naman at ininom ang beer pagkatapos.
"Malamang, alam mo namang ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yung nakikita kitang umiiyak lalo na kapag si Sir Wild ang dahilan, at ngayon umiiyak ka dahil nakita mo 'yung bruhang si Victoria na kahalikan ng magaling mong boss," depensa naman niya kaya napabuntong-hininga na lang ako at uminom ulit.
"So, anong plano mo ngayon? Kakausapin mo pa ba siya?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kan'ya at bumuntong-hininga ng isang beses.
"Nakapag-desisyon na ako, Nat, itutuloy ko 'yung sinabi ko kay Sir Wild nung nagka-usap kami," tugon ko at napakagat na lang sa ilalim ng ibaba kong labi.
"What decision, Stella?" Kunot-noong tanong niya at seryoso akong tiningnan.
"Na aalis na ako sa Cyrene, na itutuloy ko na ang pag-alis ko, kasi feel ko kasing ginagamit lang ako ni Sir Wild, ginagamit lang niya ako sa sariling kasiyahan niya, kahit palagi ay masaya akong kasama ko siya, pero iba ang pakikitungo niya sa akin, isang laruan lang ako para sa kan'ya, na kahit kailan ay p'wede niyang paglaruan, kahit kailan ay p'wede niyang pabayaan, kahit kailan ay p'wede niyang wasakin, sirain, at itapon kung ayaw na niya, pero tao ako, Natalia, tao ako na nasasaktan, tao ako na nakakaramdam ng sakit, kasiyahan, at kalungkutan, hindi ako isang laruan na basta-basta niya lang itapon pagkatapos niyang gamitin, kaya hangga't maaga pa at kaya ko pang pigilan ang umuusbong kong nararamdaman para sa kan'ya, mas mainam na aalis na lang ako," paliwanag ko kaya gumuhit sa mukha ni Natalia ang kalungkutan at ang pamumuo ng mga luha niya sa kan'yang mga mata nang marinig niya ang mga katagang lumalabas mula sa aking bibig.
"A-Ah, k-kung 'yan ang gusto mo..." tugon niya at napakagat na lang siya sa ibabang labi niya para lang pigilan ang pag-iyak niya pero napapansin ko na ang pamumula ng kan'yang mga mata, hudyat na papaiyak na siya.
"... s-susuportahan kita, Stella. Ang sa akin lang ay maging masaya ka dahil hindi ko kayang makita kitang nasasaktan, kaibigan kita, pero kahit kaibigan lang kita pero kilala kita, kaya ayaw kong masaktan ka, kaya gusto kong protektahan kita mula sa mga taong nais na manakit sa 'yo, lalo na kay Sir Wild, ayaw kong umiiyak ka dahil sa isang lalaki. Kung buo na ang desisyon mo, sige, gawin mo 'yan, basta nandito lang ako para sa 'yo, hm?" Patuloy niya pa at sapilitang ngumiti sa akin pero ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya sa kan'yang mga luhang lalabas mula sa kan'yang mga mata.
"Salamat, Nat, salamat," tugon ko at ngumiti ng tipid sa kan'ya kaya niyakap ko siya ng mahigpit at ramdam ko ang magagaan niyang palad na humahagod sa aking likod.
Ilang sandali ay kumalas na kaming dalawa mula sa pagkakayakap namin sa isa't-isa at diretso akong tiningnan ni Natalia sa aking mga mata. "So, kailan mo balak umalis?"
"Bukas na sana, hindi ko na kayang makita pa siya, kasi baka magiging marupok na lang ako kung makita ko siya," sagot ko agad at napabuntong-hininga na lang si Natalia at ininom ang natitirang beer sa lata niya at saka ay nilapag iyun sa ibabaw ng lamesa.
|༺☬༻|
Humugot muna ako ng ilang malalalim na hininga bago ko tuluyang kinatok ng tatlong beses ang dark oakwood na pinto ng opisina ni Sir Wild. Ilang sandali pa ay pinihit ko ang doorknob nito at saka ay dahan-dahang tinulak ang pinto at binuksan ito.
Pumasok na ako sa opisina ni Sir Wild habang dala-dala ang brown envelope na ibibigay ko sa kan'ya. Naabutan ko siyang nakatingin sa laptop niya at kunot ang noo habang may ginagawa roon.
"Oh, Stella, bakit ngayon ka lang dumating sa opisina? You're 10 minutes late on giving me my appointment and schedule for today?" Tanong agad ni Sir Wild nang papalapit na ako sa table niya at saka ay binaling niya ang tingin niya mula sa laptop papunta sa akin.
Unang nagtama ang parehong bughaw naming mga mata pero ang kan'yang tingin ay pababa papunta sa dala-dala kong brown envelope. Puno ng pagtataka ang mukha niyang tumingin ulit sa akin, nagtataka kung bakit hindi ko dala ang tablet na palagi kong nilalagyan ng schedule niya.
"W-Where's my schedule?" Takang tanong niya sa akin at matigas ang tingin kong tinitigan ko siya sa mata. Pilit na nilalabanan ang nakakahipnotismo niyang mga mata. Gusto kong iparamdam sa kan'ya na seryoso ako ngayon.
Napababa ang tingin niya mula sa seryoso kong mga mata papunta sa brown envelope na nilapag ko sa table niya. Napalunok siya ng ilang beses at saka ay binalik ulit ang tingin mula sa akin.
"Ikaw naman ang Boss, dapat alam mo kung ano ang schedule mo ngayon, 'di ba, Mr. Fuero?" Seryoso at matigas kong tugon sa tanong niya.
"But you are my secretary, Ms. Levesque, you are the one who is in charge of giving my schedule and appointment every single day," ma-awtoridad niyang tugon sa sinabi ko.