Capítulo Veintiocho punto dos (28.2)

1614 Words
"Tigil-tigilan mo nga ako, Stella, baka maitapon kita sa bintana ng floor na ito, walang sasalo sa 'yo sa baba," kunot-noong saad niya at inirapan ako sabay tingin sa laptop niya. "Okay lang, matagal na rin naman akong na-fall... sa kan'ya," banat ko pa kaya napabaling ulit ang tingin ng kaibigan ko mula sa laptop papunta sa akin at mas lalo pang kumunot ang noo niya. "At saka, sasaluhin naman niya ako, eh, kaya ayos lang na mahulog ako," dugtong ko pa. "Sino ba ang nagturo sa 'yo sa mga hirit mong 'yan, Stella? Ang aga-aga, pinaparindi mo ako, epekto ba 'yan ng walang ayos na tulog buong gabi?" Naiinis na saad niya kaya napakamot na lang ako sa aking batok. "Siguro?" "Ewan ko sa 'yo. Puntahan mo na nga 'yung bruho mong boss para bigyan mo na ng schedule niya ngayong araw," taboy niya at inirapan ako sabay tingin ulit sa laptop niya. "Oo na, oo na, lalayas na ako, solohin mo na lang 'tong opisina dahil susolohin ko rin ang baby loves ko sa taas," saad ko pa at nagmamadaling umalis baka kasi ano pa ang masabi ng babaeng 'yun. |༺☬༻| Kasalukuyan kami ngayon ni Natalia na nasa cafeteria, lunch break namin ngayon, kaming dalawa ang magkasama, as usual. Punuan na rin ang mga tao rito kaya minsan kapag puno na ay ang iba sa labas na sila kumakain, mabuti na lang din talaga at mabilis natapos ang work namin sa umaga at nabigay na namin ang iba't-ibang report tungkol sa bagong produkto ng Cyrene kanina. "Ano na naman kayang ganap ni Hurricane mamayang gabi, 'no?" Biglaang tanong ni Natalia kaya napatigil ako sa pag-inom sa juice na nasa baso at napatingin ng diretso sa kan'ya sabay kunot ng noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko sabay lapag sa baso ng juice na iniinom ko. "March 18 ngayon, 'di ba? Killing day ngayon ng demonyo," pagkaklaro niya kaya napatango-tango naman ako sa sinabi niya sabay tawa ng bahagya. "H'wag mo na ngang isipin 'yung si Hurricane, mas isipin na lang natin ang trabaho natin," tugon ko at napa-iling sabay subo sa pagkain na nasa kutsara ko. "Sabi ko nga, mananahimik na lang ako. Gusto ko sanang may twist mamaya," saad niya at hininaan ang boses sa huling sinabi kaya hindi ko marinig ang sinabi niya sa huling banda. "Ano?" Takang tanong ko at napa-iling lang siya bilang sagot. "Wala, sabi ko gusto ko na lang na kumain," pagka-klaro niya kaya napatango-tango naman ako. Ilang subo lang ang nagawa ko bago sabay-sabay na tumunog ang cellphone ng lahat ng tao rito sa loob ng cafeteria, ganoon din sa akin at kay Natalia kaya nagtataka kaming dalawa nang tignan namin ang notification ng cellphone namin at sabay na napalingon sa paligid dahil sa sabay-sabay na tunog ng mga cellphone. "Ano'ng mayroon?" Takang tanong niya at napatingin ako sa kan'ya sabay angat sa magkabilang balikat ko at ngumuso. Agad nagsinghapan ang mga tao sa paligid nang tignan nila ang phone nila kaya mas lalo kaming na-curious ni Natalia sa kung ano man ang notification na tumunog sa cellphone namin. Dahil sa matinding curiosity, sabay-sabay naming kinuha ang cellphone namin at binuksan ito. Agad kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang viral video. Isang video ng ibang mga tao sa buong mundo na subrang daming mga butlig-butlig sa katawan, ang iba ay nagsusuka ng dugo, ang iba ay parang nababaliw na, ang iba ay unti-unting namamatay. Sabay kaming napa-angat ng tingin ni Natalia at nagkatinginan sa isa't-isa dahil sa huling ipinakita ng video, isang documentary ito kung saan ay isinisi ng isang doctor ang Cy-Collagen na siyang puno't-dulo at pinakadahilan kaya nangyayari ito sa mga tao. Sabi rin daw sa doctor sa America na nag-document na ang Cy-Collagen ang dahilan, after 24 hours mula sa pagtake ng mga tao ay gan'yan ang nangyari sa kanila. Pero bakit kami rito na binigyan ng libreng produkto kahapon at ang iba ay bumili mismo ay wala namang nangyaring masama sa kanila? Pero imposible namang hindi hiyang sa ibang tao ang produkto, may clinical trials kaya ang ginawa ng Cyrene para rito bago sila naglabas sa market, USA FDA, Chinese FDA, Japan FDA, at Philippines FDA approved kaya itong Cy-Collagen, at approved sa iba't-ibang DOH sa mga bansa sa mundo. At saka, iba-iba naman ang side effect ng isang produkto sa ibang tao, 'di ba? Lalo na kapag ang produkto ay hindi hiyang sa balat nila, pero bakit ngayon pare-pareho ang epekto sa iba't-ibang klaseng balat? Ilang saglit pa ay may nagnotify na naman sa phone namin, ang notification na ito ay isang local news updates sa Pilipinas tungkol sa ibang consumers sa bansa na ganoon din ang epekto ng Cy-Collagen, pero may ibang consumers naman na walang negative side effects sa balat nila, instead nakikita nila ang unti-unting pagganda ng balat nila sa loob ng 24 hours. Dahil sa balitang ito ay mas lalo kaming naguluhan, dahil sa statement ng dalawang partido, ang mga naka-inom ng Cy-Collagen na may negative side effects sa kanila at ang mga naka-inom ng Cy-Collagen na may positive side effects. "Bakit ganito? Hindi ko maintindihan," naguguluhang tanong ko kay Natalia at naguguluhan ding siyang tumingin sa akin. "As if alam ko rin ang nangyayari, hindi ko rin naman alam. Look at them, confusions were written on their faces," tugon ni Natalia kaya napatingin din ako sa mga empleyadong naka paligid sa amin, ganoon din ang mga mukha nila, punong-puno ng pagkalito, dahil alam namin sa sarili namin na maganda ang produkto ng Cyrene, at never pa na nag-fail ito. Tatlong dekada na ang Cyrene sa Business Industry, or should I say, magtatatlong dekada na ito ngayong June. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito, masikap at mausisa nilang pinag-aralan ang Cy-Collagen ilang buwan na, at noong nakaraan pa ito pina-alam ni Ma'am Victoria sa amin na may naisip siyang bagong produkto para sa Cyrene Pharmaceuticals. Alam kong nagtataka rin ngayon si Ma'am Victoria tungkol sa balitang ito. Nagtataka at naguguluhan. |༺☬༻| Gabi na nang nagpatawag si Ma'am V ng meeting dahil sa balitang ito, masyado rin kaming na-busy ngayong araw dahil sa nagpo-protestang mga tao sa labas ng building. Napatingin ako sa oras at malapit ng mag-alas 7 ng gabi, alam kong may masamang mangyayari na naman ngayong gabi, oo, masama na ang nangyari sa Cyrene ngayong araw at mas lalo pa itong mapapasama dahil sa mangyayari na naman ngayong gabi. Hindi ba kaya ay mayroong kinalaman si Hurricane sa isyung ito? Siya lang naman ang matinding kalaban ng Cyrene ngayon, at siya lang naman ang may motibo sa gawaing ito. Masyado siyang matalino para rito, masyado siyang maraming alam, masyado niyang kinamumuhian ang kompanya kaya alam kong may pakana siya rito. Iwinaksi ko ang pag-iisip na iyun at baka kahit saan-saan pa lilipad ang isip ko at tatama na naman ito kay Sir Wild, ayaw ko siyang pagdudahan, alam kong hindi siya si Hurricane, ramdam ng puso ko 'yun. Nakinig lang ulit ako kay Ma'am Victoria na pilit na dinedepensahan ang sarili niya sa mga binabatong akusa ng Board sa kan'ya. "Alam naman natin, 'di ba na ilang buwan kong pinag-aralan ang Cy-Collagen, alam niyong Doctorate Degree holder ako sa Medical sa Harvard, alam niyo 'yun. Pati rin ako ay naguguluhan sa nangyari!" Galit na depensa ni Ma'am V sa sarili niya. Wow, kaya pala matalino rin si Ma'am dahil doctorate degree holder pala siya! Tapos sa Harvard pa siya nag-aaral! Ang galing! Sana all nakapag-aral. "Kaya nga, aanhin namin 'yang degree mo kung may masama ka palang balak sa mga tao sa mundo? Tingnan mo, ikaw ang sinisisi ngayon ng mga consumers dahil sa nangyari sa kanila," tugon naman ng isang Board kaya napasapo si Ma'am Victoria sa noo niya, halatang hindi na niya kayang dalhin at buhatin ang stress. Bigla na lang natigil ang pagbabangayan ng ibang Board nang may tumunog na naman sa cellphone naming lahat, maliban sa cellphone ni Ma'am Victoria. Lahat kami ay napatingin sa cellphone namin at kinuha ito mula sa lamesa at binuksan. Napa-angat din ang tingin ni Ma'am Victoria at taka niya kaming tiningnan. Napadako ang tingin ko ulit sa phone ko matapos kong tingnan si Ma'am Victoria at pinlay ang viral video. Agad akong napatakip sa aking bibig at napasinghap naman ang iba nang makita nila ang video at ganoon din ang reaksyon ko. Video ito ni Hurricane habang hawak-hawak niya sa buhok si Lara, hindi namin makita ang mukha ni Hurricane dahil nakatakip lang ito ng puting maskara, nakatalukbong ang ulo niya ng itim na hood at may suot siyang kapa. "Sino ito?" Kunot-noong tanong ni Sir Gideon. "Hurricane..." Pabulong na saad ko kaya napatingin ang mga tao sa akin, hindi ko alam na narinig pala nila 'yun. "Ano? Si Hurricane ito?" Kunot-noong tanong ni Sir Gideon kaya napatingin ako sa kan'ya na ngayon ay nagtataka ring nakatingin sa akin at tumango ako. "Ito 'yung event natin noong March 10, ah?" Patanong na saad ni Natalia kaya nagkatinginan naman ang lahat sa isa't-isa. "Wait," saad naman ni Sir Wild kaya napatigil din kami sa pagtitingin sa isa't-isa at napadako ang tingin namin kay Sir. "Ang damit ni Hurricane sa ilalim, it looks familiar..." Saad ni Sir Wild kaya napatingin ulit kami sa video at ngayon lang din namin napansin ang damit ni Hurricane na fitted dress na kulay violet at hapit na hapit ito sa katawan niya kaya kitang-kita ang hulma ng katawan ni Hurricane. Babae? Babae si Hurricane? Agad lumuwag ang pakiramdam ko nang marealize na babae siya, at ngayon mali ang iniisip ko na si Sir Wild si Hurricane. "V? Hindi ba ito ang damit mo that night?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD