Capítulo Veintiocho punto uno (28.1)

1642 Words
|༺☬༻| "Bonsoir, Votre Majesté! (Good evening, Your Majesty!)" Bati ni Numeros kay Hurricane na kakarating lang ng Sheol. Agad napa-upo si Hurricane sa malapad na sofa na nasa living room nang marating na niya ito. Agad napabuntong-hininga si Hurricane at tumingin sa mga taong nakapaligid sa kan'ya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasamahan niya, si Heliodor na nagce-cellphone, si Heavens na kakapasok lang sa living room kasama si Zircon, si Sphene at Sapphire na nag-lilinis ng mga baril na nasa maliit na lamesa, si Pyrope na may binabasang papeles, si Muzyka na nakahawak ng gitara, si Moonstone na kakapasok lang at may dalang isang bote ng alak, isang bucket ng yelo, at isang baso, si Hellions na tahimik lang sa gilid habang pinagmamasdan din ang iba, si Goldstone na nag-aayos ng iilang pakete ng sh-bu, si Bloodstone na naka-upo katabi ni Heliodor at nakikinood din sa cellphone ng lalaki, si Amethyst naman na katabi rin si Heidi na wala sa mood. Agad ibinigay ni Moonstone ang dala niyang alak, baso, at ice bucket kay Hurricane nang makalapit na siya sa kan'ya. "Grazie (Thanks)," walang ganang saad ni Hurricane nang isa-isa niyang tinanggap ang ibinigay ni Moonstone sa kan'ya. "Non c'è di che, Vostra Maestà! (You're welcome, Your Majesty!)" Maligayang bati naman ni Moonstone. "Vous semblez fatigué, Votre Majesté, comment se passe votre journée? (You seem tired, Your Majesty, how's your day?)" Tanong ni Bloodstone kay Hurricane matapos niyang panoorin ang mga reels na nasa cellphone ni Heliodor na katabi lang niya. Agad napabuntong-hininga si Hurricane sabay lapag sa baso na may lamang alak sa lamesa. "Da, ya prosto ustal ot nedavnego meropriyatiya v Kirene, eto slishkom slozhno dlya otkrytiya Say-Kollagena, (Yeah, I'm just exhausted about the event lately in Cyrene, it's too much to handle for the opening of Cy-Collagen)," tugon ni Hurricane at bumuntong-hininga ulit. Agad tumayo si Heidi mula sa pagkakaupo katabi ni Amethyst at padabog na umalis sa living room kaya takang tiningnan ng lahat si Heidi na umalis. "Ano'ng nangyari sa kan'ya?" Takang tanong ni Hurricane habang pinapanood si Heidi na lumabas sa living room. "Broken hearted siya, Kamahalan, susundan ko lang. Sandali, Heidi! Antayin mo ako, hoy!" Tugon ni Amethyst at saka ay dali-daling tumayo at sinundan si Heidi na lumabas ng living room. Agad napa-iling si Hurricane sa sagot ni Amethyst, "Tsk..." natatawang saad niya. "So, let's move on. Heavens and Hellions," tawag ni Hurricane sa dalawang lalaki kaya natuon ang atensyon ni Hellions kay Hurricane na kanina lang ay pinagmamasdan lang ang bawat isa. "Yes, Your Majesty?" Sabay na tugon ng dalawang lalaki kay Hurricane. "Gusto ko lang malaman, kamusta na 'yung viral video ko sa last event ng Cyrene noong March 10?" Tanong ni Hurricane sa dalawang lalaki habang nilalaro ng kamay niya ang isang mamahaling lighter at sinisindihan niya rin ito at tinatakpan pagkatapos at binubuksan na naman at sisindihan pagkatapos buksan. "Makikita na po sa lahat ng social media platform ang viral video niyo po bukas na bukas, makakasiguro ka pong hindi matatanggal ang video niyo kahit anong take down nila," paniniguradong tugon ni Heavens. "Good job," naka-ismid na sagot ni Hurricane sabay baling ng tingin niya mula sa lighter na sinisindihan niya papunta sa dalawang lalaki na nasa harapan niya nakatayo. Bawat galaw ng kamay niya sa lighter ay nagbibigay ito ng ingay kaya nabaling ang tingin ng dalawang lalaki sa kamay ni Hurricane at binalik ulit ang tingin nila sa kan'ya. "Kontrolado po namin ang lahat ng site, basta sabihan niyo lang po kami kung kailan namin bibitawan ang lahat ng sites sa kamay namin," saad naman ni Hellions kaya tumango si Hurricane bilang sagot sabay sarado niya sa takip ng lighter at nilapag niya ito sa lamesa sabay kuha sa baso niyang may lamang alak at ininom ulit ito. |༺☬༻| Stella's POV Binuksan ko ang pinto at bahagya akong pumasok nang may tumambad sa aking nakabitin na babae sa kisame. Agad nanlaki ang mga mata ko at nanginginig ang mga tuhod kong nakita ang babae roon na wala ng buhay at may rosas na nakabaon sa dibdib nito. Parang napipi ako at hindi ako makapagsalita, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. - "M-May nakabitin, may nakabitin, Nat, nakita ng dalawang mata ko sa malapitan 'yung babae, nakabitin siya sa kisame, at nagdudugo ang dalawang mata niya," naiiyak na saad ko at agad akong niyakap ni Natalia at sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at doon ako napaiyak ng tuluyan. - Pinanood ko siya habang unti-unting bumagsak ang katawan niya sa sahig. Nanatili pa rin ang gulat sa aking mga mata at takot sa aking mukha nang makita ko ang dugo na lumalabas sa kan'yang ulo. Mas lalo lang akong nagulat nang binaril pa ng paulit-ulit ang kan'yang mukha at tinadtad ng bala ang kan'yang mga mata na nakabuka pa kanina pero ngayon ay punong-puno na ito ng bala. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa panaginip ko. Habol-habol ko ang aking hininga habang hinahagod ko ang aking dibdib dahil sa matinding pagkabog ng puso ko sa ilalim. Nararamdaman ko rin ang malalamig na pawis na dumadaloy mula sa aking noo patungo sa aking pisngi. "Ano bang mayroon sa panaginip na 'yun? Iisang panaginip pero dalawa ang ganap, pero may pagkapare-pareho, pero ang kaibahan lang nila ay ang una ay sa biktima ni Hurricane na nakita kong nakabitin sa cr at nagdudugo ang dalawang mata na para bang binaril ito, at ang pangalawa ay ang pagsagip ni Sir Wild sa akin," bulong na saad ko sa aking sarili at pilit na kinukuha ang kahulugan sa dalawang magka-ibang eksena ng panaginip ko. Agad akong napatigil nang marealize ko ang pagkapare-pareho ng dalawang panaginip. "Mata? May dugo? Tama!" Saad ko at pagkatapos ay napakunot ang noo ko. "Teka, teka, kung ang pagkamatay nung babae sa panaginip ko at ang pagkamatay din nung lalaki sa parehong panaginip ay may pagkapareho, na pareho silang binaril sa mata..." Agad akong napa-iling sa sinabi ko. "Hindi, hindi, binabawi ko na, magka-ibang tao sila, Stella, baka may pagkakataon lang talaga na bumabaril si Sir Wild sa mata at ganoon din si Hurricane, pero hindi, hindi ko dapat isipin 'yun na iisang tao lang sila. Pinapaniwalaan ko si Sir Wild, siya ang papaniwalaan ko, hindi itong iniisip ko, m-magka-ibang tao sila, iba ang kanilang katauhan..." Iling na kumbinsi ko sa aking sarili. Baka iisang tao lang talaga sila? Ayaw mo lang maniwala dahil binubulag ka ng puso mo. Alam mo namang tuso ang puso, 'di ba, Stella? Basta talaga mahal mo ang isang tao, 'no, nagiging color blind kana? Agad akong napasabunot sa aking buhok dahil sa iniisip ko. "Bwesit! AH! Kainis! Ayaw ko ngang maniwala, 'di ba?! Ayaw talaga ako tantanan nitong isip ko! Gusto kong buo ang tiwala ko sa kan'ya dahil mahal ko siya! Kasi kung mahal mo ang isang tao dapat buo ang tiwala mo sa kan'ya! Hindi 'yung nahahati ang tiwala ko dahil gustong maniwala ng puso ko sa kan'ya pero pilit naman itong binabara at binabaliktad ng isip ko!" Pagsisigaw ko kaya napasapo na lang ako sa aking noo dahil sa inis. "Patulugin mo naman ako, sige na, pagod na pagod ang katawan ko at masakit pa rin ito, gusto ko munang magpahinga!" Naiinis na saad ko sabay higa sa higaan at nagtalukbong ng kumot at ilang segundo lang ay iwinaksi ko rin ito pababa at nilabas ko mula sa kumot ang kalahati ng aking katawan at napatingin ako sa kisame. What if siya si Hurricane? "Argh! Nanaman?! Ayaw ko ngang maniwala, eh!" Naiinis na saad ko dahil sa 'what if' na pumasok sa isip ko at nagtalukbong ulit ng kumot. |༺☬༻| "Good morning!" Masayang bungad ni Natalia sa akin nang pumasok na ako sa opisina. "Morning..." walang ganang tugon ko kaya napatingin si Natalia sa akin habang papalapit na ako sa aking office table at umupo na rito. "Oh? Anong nangyari sa umaga mo? Nagmumukha kang panda, ah, para kang binugbog ng masamang espiritu, nagkaka-black eye kana," kunot-noong saad ni Natalia at natawa pagkatapos kaya sinimangutan ko siya ng tingin at inirapan pagkatapos sabay upo sa aking upuan. "Hindi ako nakatulog ng maayos," walang ganang tugon ko at napadukdok ang ulo ko sa lamesa. "Ha? Bakit naman? Ano ba ang ginawa mo kagabi?" Tanong ni Natalia habang nanatili pa ring nakalapat ang noo ko sa ibabaw ng lamesa. "Ang ingay kasi ng isip ko, ayaw ako patulugin ng maayos," tugon ko sa kan'ya. "Maingay? May split personality ka ba? May kausap ka bang mga alter mo sa utak? Maingay ba sila?" Sunod-sunod na tanong ni Natalia kaya napa-upo ako ng maayos sabay tingin sa kan'ya na punong-puno ng pagtataka ang mukha. "Anong split personality? Anong alter? Anong sila?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. "Split personality ba, 'yung marami kang katauhan, iba-iba ang ugali ng bawat katauhan mo, tapos ang tawag ng mga katauhan na 'yan ay alters," paliwanag niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "Baliw, wala akong split personality, hindi ako baliw, 'no. Ano lang, baliw sa kan'ya, oo," pilyang saad ko sabay ngisi kay Natalia kaya binatukan niya ako. "Aray!" Daing ko habang hipo-hipo ang batok ko. "Baliw ka na nga talaga, so siya nga ang iniisip mo kagabi kaya hindi ka makatulog ng maayos?" Natatawang tanong ni Natalia at napa-iling pagkatapos. "Oo, siya ang laman ng isip ko buong magdamag," nakangising tugon ko sabay taas-baba ng magkabilang kilay ko ng tatlong beses. "Ano ba ang pinakain ni Sir Wild sa 'yo at nagayuma ka niya?" Natatawang tanong niya pa. "Hotdog na may cheese sa ilalim," natatawang tugon ko kaya napa-angat ang magkabilang gilid ng ibabaw na parte ng labi ni Natalia at tiningnan niya ako na may punong-puno ng disgusto. "Baliw na nga talaga itong kaibigan ko," pabulong na saad niya, sakto lang para marinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD