CHAPTER 1.1

1346 Words
AIKEE BUSTAMANTE. LALO NAMAN NAG-INIT SI AIKEE nang marinig kung umungol ang dalaga dahil sa halikan namin dalawa. Akala ko ay papalag pa siya ngunit tumugon na rin naman. Mukhang nadala na rin sa halik ko kaya hindi na pumiglas pa. Namiss ko si Patty at mga ungol nito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko para sa dalaga. Para bang hinahanap-hanap ko ang init niya. Simula ng may mangyare samin ng dalaga ay hindi kona siya nakalimutan. Sa dalawang linggong hindi ko nasilayan ang maganda nitong mukha ay para akong temang na inaa-abangan siya kung pupunta ba ito sa bahay. Dito na nga ako natutulog sa bahay para makita ko lang siya. Ngunit hindi naman pumupunta sa bahay si Patty. Marahil ay nahihiya na ito sakin dahil sa nangyare samin kaya hindi na siya napunta sa bahay. Palagi ko rin siya napapanaginipan ang maganda nitong mukha habang ina-angkin ko ang dalaga. Hindi na siya nawaglit sa aking isipan kahit isang beses lang na may nangyare samin. Palagi ko parin naaalala ang mukha niya kapag ina-angkin ko siya. Kapagkuwan ay mas lalo ko pa siyang diniinan sa pader habang hinahalikan ito ng mapusok at mariin. Napaungol naman sa ginawa ko si Patty habang nakapikit ang mga mata. Tila nasasarapan sa mga halik ko kaya mas pinag-igihan ko pa para lalo siyang masarapan. Napayakap pa nga ang mga braso ni Patty sa leeg ko na patuloy lang sa paglaban sa halik ko. Tila wala na itong pakialam sa paligid dahil mas lalo pang pinag-diinan ang halik namin dalawa. Nag-iinit na si Aikee, alam ko iyon. Dahil naglulumikot na ang mga kamay ko sa katawan ng dalaga. Kapag hindi pa ako tumigil ay baka ma-angkin ko muli ang dalaga dito sa bahay. At baka maabutan pa kami ni mama sa gano'ng sitwasyon. Ngunit ayaw ng katawan kung tumigil at patuloy lang sa ginagawa. Lalo ko pang pinailalim ang halikan namin ng dumaing muli si Patty. At naramdaman kung naninigas na ang nasa pagitan ng hita ko. Bubuhatin kona sana si Patty para dalhin sa hapag-kainan at ma-angkin muli nang marinig kung tumunog ang doorbell sa labas ng bahay. Naramdaman kung natigilan si Patty at biglang bumitaw sakin saka mabilis na lumayo na para bang may sakit ako. Napamura naman si Aikee sa isip sa subrang gigil. f**k! sino ba 'yun? Masama ang mukha ko dahil sa labis na bitin. Napabuntong hininga pa ako para pakalmahin ang sarili dahil baka makasapak ako ng tao kung sinoman ang nagdo-doorbell sa labas. Dahil sa kanya ay nabitin ako ngayun. Nilingon ko pa si Patty sa kabilang gilid habang hindi makatingin sakin. Tila hiyang hiya ito dahil sa nangyare habang yakap-yakap ang sarili. Namumula pa ang pisngi na kinangiti ko naman. Beautifull. Lumabas na ako ng kusina matapos kung matitigan ang dalaga at pumunta na sa may gate. Hindi ko alam kung sinomang peste na nagdo-doorbell ngayun. Baka masakal ko siya kapag nakita ko ito. Kaya naman ay huminga muna ako ng ilang beses bago binuksan ang gate. Masama parin ang mukha ni Aikee nang pagbuksan ko ng gate ang panauhin. Nagulat ako ng si mama lang pala ang nagdo-doorbell. Nagtaka ako dahil ang bilis naman niyang dumating. Samantalang sa palengke pa ito galing at medyo malayo pa iyon samin. " Bakit masama ang mukha mo Aikee?" Puna sakin ni mama ng mapansin ang mukha ko. Natigilan naman ako kaya nagsinungaling ako. Alangan naman sabihin kung nabitin ako dahil sa kanya. Baka mabatukan pa ako ng wala sa oras. " Wala, ma. badtrip lang po." Binuksan ko ng malaki ang pintuan ng gate para makapasok si mama habang bitbit ang mga pinamili. Kinuha ko naman ang mga pinamili ni mama para hindi ito mahirapan. " Oh, nandito ka pala, Patty." Masayang sambit ng ina sa dalaga saka lumapit dito. Sumunod pala siya sakin palabas hindi ko napansin. Nang mai-sara kona ang gate nilingon ko ang dalawa. Napansin kung hindi na makatingin sakin si Patty, samantalang ay umuungol lang siya kanina habang hinahalikan ko. Napailing at napangiti na lang ako sa naisip. Kay mama na lang nakapukos ang mga mata ng dalaga. Wala na rin bakas ng pamumula ang pisngi nito. Ngumiti ang dalaga kay mama saka magalang na nagsalita. " Pinadala po ni Mama 'yung order niyo pong letche plan saka po bayad niyo raw." " Sige, iha salamat" Ani mama kay Patty saka humarap sakin na kinabigla ko. " Penge akong pera Aikee." " Wala akong pera Ma." Gulat na sambit ko kasi sakin siya humihingi ng pera wala naman ang wallet ko. Pinukol naman ako ng masamang tingin ng Ina. " Ang damot mo Aikee." " Huh? wala nga po, ma. Nasa taas ang pera ko." Tugon ko kay mama habang masama ang mukha. Nahihiya kasi ako kay Patty dahil sinabihan akong madamot ni mama. Samantalang buwan buwan ay nakakatanggap siya ng pera sakin. Hindi sa pagyayabang ay maganda na ang trabaho ko ngayun. " Hala! Kunin mo." Parang boss na utos niya pa sakin na para bang hindi niya ako anak. Napailing na lamang ako sa ugali ng Ina. Napakabossy masyado. Pa-salamat talaga ito at mahal ko siya. Kapagkuwan ay bumaling ako sa dalaga at nakita kung may sinusupil na ngiti sa mga labi niya. Dahil sa nakita ay sinabi ko ang nasa isip ko. " Sumama ka sakin Patty. Ayaw ko nang bumaba." Walang emosiyon na sabi ko. Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ng dalaga at napalingon pa siya sakin. Nakita ko ang takot sa mga mata niya. Takot ka no? Sabi ko sa isip at lihim na napangiti sabay talikod para umuwe sa bahay. Narinig ko pa ang sinabi ng ina bago pumasok sa bahay. " Oo nga Patty, napakatamad pa naman ang batang yan." Umiling na lang ako saka dere-deretso ang pasok sa bahay. Umakyat na ako sa taas at inantay ko sa kwarto si Patty, matagal bago sumunod ang dalaga. Siguro ay nagdadalawang isip pa ito kung susunod pa sakin. Hindi naman magdududa si mama samin dahil alam naman ni mama na hindi ko gagalawin ang dalaga dahil kaibigan siya ni Ashley. Pero do'n sila nagkamali dahil may nangyare na samin ng dalaga. Nakita kung bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sumilip pa si Patty saka tumingin sakin. " Asan na?" Anang pa nito habang walang emosyon ang mukha. " Pasok ka." Alok ko naman sa kanya. Umiling ang dalaga. " Ayaw ko nga." " Bakit?" Nakangiti kung aniya. " Wala naman akong gagawin sayo ah? Kukunin mo lang ang pera sa table. Tinatamad na kasi akong tumayo." Pagdadahilan ko habang nakahiga sa kama at nakatitig sa dalaga. Baka ano pa magawa ko kapag malapit lang ang dalaga sakin. Nasa baba pa naman si mama kapag natagalan si Patty. Mariin na umiling naman ang dalaga habang bakas sa mukha ang takot. " Come on Patt, kunin muna ang pera sa table. At baka ano pang isipin ni Mama kapag nagtagal ka pa dito." Dahil sa mga sinabi ko ay kaagad na pumasok ang dalaga at lumapit sa table na malapit sa kama. Napailing at napangiti na lamang ako sa ginawa ng dalaga. Kahit gusto kung angkinin siya ngayun ay hindi ko magawa dahil nasa baba lang ang Ina. Baka ano pa isipin sa dalaga at ayaw ko naman mapahamak si Patty. Nang makuha ni Patty ang pera sa table ay humarap siya sakin dahilan para matitigan ko ang mga hita nito. At naramdaman kung sumikip na naman ang nasa loob ng short ko. Naka-short lang kasi ang dalaga kaya marahil hindi ko napigilan yakapin ito kanina. " Ibibigay kona lang ang sukli sa Mama mo." Narinig kung sambit pa ni Patty. " Wag na. Sayo na lang ang sukli." Sabi ko saka pinikit ang mga mata dahil masyadong makasalanan ang mga hita nitong mabibilog. " Okey." Narinig ko pang sabi nito saka naglakad palabas ng kwarto. Nagmulat ako ng mga mata at napabuntong hininga ng malalim. Napamura pa si Aikee ng maramdaman ko pang naninigas parin ang alaga ko kaya bumangon ako sa kama at pumunta sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD