CHAPTER 02

1651 Words
PATTY MENDOZA. NASA BAHAY NGAYUN ANG kaibigan kung si Ashley at nangingisturbo, char. Walang pasok ang bruha kaya pinuntahan ako sa bahay. Wala naman akong sakit pero dinadalaw niya ako. Ganito naman ito ey, kapag walang pasok sa trabaho ay pumupunta siya sa bahay para lang makipagtsismisan sakin. At mabuti na lang ay wala rin akong pasok ngayun kaya makakapagbonding kaming dalawa. Kaya lang ayaw ko naman sa bahay nila kasi baka makita ko do'n si Aikee. Malamang, kapatid niya 'yun. Sabi ng maldita kung utak. " Bruha ka! Bakit hindi kana pumupunta sa bahay?" Tanong ng kaibigan ko kasabay ng paghampas niya sa braso ko. Hindi talaga kumpleto ang araw nito na hindi ako nahahampas. Napa-aray tuloy ako dahil ang bigat ng kamay ni Ashley tapos mahilig pang mamalo. Akala naman niya ay magaan ang kamay nito. " Aray ko naman! Makapalo, wagas?" Reklamo ko sabay irap. Nandito kami ngayun sa kwarto ko dahil may tao sa labas. Nanunuod kasi ng TV ang mga kapatid ko kaya wala kaming space do'n. Masyado kasing malaki ang bahay namin kaya nagsisiksikan kami. Wala pa kasi akong pera para palakihin ang bahay namin. Maliit lang kasi ang sinisweldo ko at kulang pa sa pamilya ko. " Kainis ka naman kasi eh!" At sumimangot pa nga ang bruha. " Bakit ano bang ginawa ko?" Nagtataka ko naman tanong habang hinihimas ang brasong nasaktan. " Hindi kana kasi napunta sa bahay ey." " Temang, pumunta ako sa bahay niyo kaya lang wala ka." Tugon ko sa aking kaibigan kasabay ng pag-alaala sa nangyare samin ni Aikee. Muntik na naman na may mangyare ulet samin ng binata, kung hindi lang dumating si tita Amor. Kapag nagkataon ay nasa loob ng kwarto na naman kami ni Aikee habang magkapatong at nilalasap na naman ang langit. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kung hindi tugunin kapag hinalikan na ako ni Aikee. Nadadala at nadadarang ako sa tuwing hinahalikan niya ako at hinahaplos. Nawawala ako sa sarili kapag magkadikit na ang aming mga labi. Crush ko lang siya pero grabe ang pagkagusto ko sa kanya. Naibigay kona nga ang aking sarili dahil sa pagkagusto sa binata. Muli ay napaaray si Patty ng may pumalo ng malakas sa braso ko. Masama kung tiningnan ang pangahas at nakita kung si Ashley ang may gawa no'n habang nakatingin sakin ng masama. " Saan kana ba nakarating? Bruha ka? Kanina pa akong salita ng salita hindi ka naman nakikinig?" Galit niyang sambit habang masama ang mukha. Kaagad naman akong umiwas ng tingin baka mabasa ni Ashley ang nasa isip ko. Magaling pa naman magbasa ng utak ang kaibigan ko. " Wala, may iniisip lang ako." Aniya. " Ano naman?" Nakataas ang kilay na tanong ng kaibigan. " Hindi naman importante." Umiling ako saka bumaling sa kaibigan. " Ano bang sinasabi mo?" " Naisip ko lang noong birthday ko. Bakit bigla kang nawala? Diba tinulungan ka ni Kuya? Anong nangyare?" Kinabahan agad si Patty sa tanong ng kaibigan. Hindi ko alam kung may alam na ba ito sa namagitan samin ni Aikee. Pero kung may alam na siya, bakit nagtatanong pa siya diba? Baka naman wala. Baka naman nasa isip ko lang na may alam na ito. Atsaka kilala ko si Ashley, magagalit siya sakin kapag nalaman niyang nakipag-churbahan ako sa kuya niya. Kilala kasi ni Ashley ang kapatid niya bilang isang playboy at ayaw ni Ashley na mapasama ako sa mga babaeng naloloko ni Aikee. Alam kona 'yun, noon pa man. Pero crush ko parin ang binata kahit alam kung naglalaro lang ito ng mga babae. Ewan ko ba, sa kanya parin tumitibok ang puso ko. " Umuwe na agad ako after kung mag banyo." Pagsisinungaling ko. " Sure ka? Walang naganap?" Pagdududa naman nito habang nakatitig sakin. Parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. " Oo nga, wala nga! bakit ba gusto mo may maganap?" Hindi ko naiwasang mairita dahil kinakabahan na talaga ako. " Bakit galit ka? nagtatanong naman ako ey." Parang inis 'din na sabi nito habang nakahalukipkip ang mga braso. " Ikaw kasi ey. Pinagdududahan mo ako. Parang hindi mo ako kaibigan." Nagtatampong sabi ko kasabay ng pagsimangot. " Gaga! malay ko bang binigay muna ang bataan mo sa kuya ko, e lasing ka ng time na 'yun. Syempre iba ang iisipin ko kasi magkasama kayong dalawa. Ey, alam ko naman na patay na patay ka sa kuya ko." Mahaba niyang lintanya. Hindi naman ako nakaimik kasi tama naman ito. Patay na patay talaga ako kay Aikee at naibigay ko pa nga ang sarili dahil sa pagkagusto ko sa binata. Ayaw ko naman sabihin kay Ashley dahil tatalakan niya talaga ako ng bonggang-bongga. " Hindi naman ey." Nakalabing sagot. " Dapat lang, dahil once na mangyare 'yun sasabunutan talaga kita ng bongga." Pairap na sabi nito. Napakagat na lang ako sa labi kasabay ng pagbuntong hininga dahil sa sinabi nito. Kaya nga takot akong magsabi sa kanya dahil nga ganito ang mangyayare. Ayaw ko man magsinungaling sa kanya pero natatakot ako na baka hindi na niya ako kausapin kapag inamin ko ang totoo. Si Ashley lang kasi ang masasabi kung totoong kaibigan dahil siya lang nakakaintindi at nakakaunawa sakin kaya takot akong mawala siya sakin. Kapagkuwan ay tumayo muna ako at nagpaalam kay Ashley dahil ang iingay ng mga kapatid ko sa labas ng kwarto. Manipis lang kasi ang dingding kaya rinig na rinig sa loob ang ingay. Lumabas ako ng kwarto at nakita kung nag-aagawan sa remote sina Timmy at Sammy. " Anong nangyayare dito?" Si Sam ang sumagot. " Si Tim kasi ate ang damot. Tapos na ang pinapanuod niya tapos ayaw niya pang ilipat." " Gusto ko pa ey." Sagot naman ni Tim habang umiiyak. Palibha ay bunso kaya dinadaan palagi sa iyak. " Patayin niyo na lang 'yang TV kung ayaw niyong tumigil. Ang iingay niyo, may bisita ako." Inis kung sambit. Nakakaistress ang mga kapatid ko kapag nandito sila sa bahay. Mas okey na wala sila at nasa labas para tahimik ang bahay. Bumalik ako sa kwarto. Palibhasa kasi ay wala si nanay kaya magugulo na naman sila. Kung nandito lang si nanay ay panigurado napalo na sila. Bugnutin kasi si nanay at ayaw niya ng maingay kapag nasa bahay. Gusto niya kapag nasa bahay na ito ay makakapagpahinga na siya dahil palaging pagod si nanay dahil naglalako siya ng mga paninda niya. Kapag hindi naman inawat ang mga kapatid ko ay baka magsapakan na sila dahil puro matatapang ang mga ito. Pinagsasabong kasi sila ni tatay kapag nakita ng kanilang ama na nagsusuntukan sila kaya ang ginagawa ni tatay ay pinaglalaban niya ang dalawa habang nanunuod ang ama. Kapag hindi naman nila ginawa ay mapapalo naman sila kaya ang ending ay nagsasapakan na lang sila para hindi mapalo. Parang temang 'din kasi ang tatay ko ey, ang lakas ng amats. Imbis na awatin ay pinagsasabong pa niya ang mga kapatid ko para daw lalo maging matapang at malakas kapag nakipagsapakan sila sa labas. " Bakit anong nangyare?" Tanong agad ni Ashley ng makapasok ako. " Ayun nag-aaway na naman sila at walang gustong magpatalo." Napabuga sa hangin na sabi ko. " Mabuti na lang at dalawa lang kami ni Kuya. Kung hindi ay baka naistress na rin ako." Wika naman ni Ashley. " Masaya naman kapag marami. Maingay nga lang kapag nag-away away na sila." Wika ko. " Alam mo, sa bahay na lang tayo para hindi tayo maistress dito." Kapagkuwan ay aya sakin ni Ashley. Natigilan na naman ako dahil sa sinabi ng kaibigan at kumabog ang dibdib ko. Ayaw kona nga pumunta sa kanila dahil baka ando'n ang binata. Kaya lang baka naman makahalata si Ashley kapag hindi ako pumayag. Intremetida pa naman ang babaeng 'to. " Sige." Napatili naman ang kaibigan ko saka mabilis na tumayo at lumakad na palabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Kung hindi lang makakahalata ang kaibigan ko ay hindi na talaga ako tutungtong sa bahay nila para hindi makita ang binata. Lumabas na rin ako ng kwarto saka binilinan si Sam na wag aalis ng bahay habang wala pa si nanay. Wala kasing tatao sa bahay kapag umalis sila. Ayaw na ayaw pa naman ni nanay na iniiwan ang bahay na walang tao, nagagalit 'yun. " Opo ate." Sagot ni Sam habang nakatutok ang mga mata sa TV. Mas matanda si Sam kay Tim kaya siya ang binilinan ko. --- PAGDATING SA LABAS NG BAHAY NILA Ashley ay huminga ako ng malalim dahil kinakabahan na naman ako. Baka kasi makita ko ang binata at ayaw ko ng mangyare ulet 'yun. Ewan ko ba, sa tuwing nagkikita kami ay hinahalikan ako ng binata. Sinabi pa niya na namimiss niya ako. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi. Naguguluhan tuloy ako kaya ayaw ko ng pumunta dito. At baka sa pagkakataon na ito ay mahuli na kaming dalawa. " Tara na bruha." Mabilis naman akong pumasok sa loob ng mabuksan ni Ashley ang gate nila. Pagdating sa loob ng bahay ay nawala ang kabang nararamdaman ko ng makita kung may kausap na babae si Aikee habang naglalandian ang dalawa. Nakaramdam naman ako ng selos kaya napairap ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa dito ni Cindy habang nagpapa-cute kay Aikee. Kapitbahay nila Aikee ang babae at hindi ko alam kung paano sila nagka-kilala. Pakialam ko naman tsk. Naiirita ako kaya umiwas na lang ako ng tingin sa dalawa. " Hi kuya." Narinig kung bati ni Ashley sa kapatid at hindi pinansin si Cindy dahil ayaw niya sa babae. Naramdaman ko naman na tumingin si Aikee sakin pero dedma lang ako. " Where have you been?" Tanong ng binata sa kapatid. " Kina Patty kuya." Sagot agad ni Ashley at nagpaalam na sa kapatid. " Sige akyat na muna kami kuya, bye." Hinila na niya ako patungo sa hagdanan at umakyat na kami. Hindi na ako lumingon dahil baka nakasunod ang tingin ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD