CHAPTER ONE

1998 Words
PATTY MENDOZA. SIMULA NG MAY NANGYARE KINA Patty at Aikee, dalawang linggo ng nakakaraan. Hindi na pumupunta ang dalaga sa bahay ng kaibigan dahil hiyang hiya ako sa ginawa ko. Hindi ko akalain na dahil sa kapilyahan ko ay may mangyayare samin ng binata. Malay ko bang gano'n ang kalalabasan. Hindi ko rin naman napigilan ang sarili ko no'ng halikan ni Aikee kasi matagal kona iyon gusto. At matagal ko ng gusto ang binata. Mabuti nga't hindi nagtataka ang kaibigan ko sa hindi ko pagpunta sa kanila dahil busy rin ito sa work. Nahihiya akong makita si Aikee kaya hindi ako napunta sa bahay nila Ashley. Baka kasi anong isipin ng binata kapag nakita ako. Baka isipin niyang easy to get ako diba? At hindi ko rin alam kung paano pakikitunguhan ang binata after ng nangyare samin. Noong crush ko palang si Aikee ay nahihiya na ako. Ngayun pa kaya na may nangyare na samin. Anong mukhang ihaharap ko sa kanya after that. Kung noon ay palagi akong tumatambay sa bahay ng kaibigan ko. Ngayun ay pinipigilan ko ang aking sarili na dalawin ang kaibigan. Baka kasi makita ko doon si Aikee. Kahit sabihin mong laging wala ang binata sa bahay nito ay nahihiya parin ako. Nahihiya na nga rin ako kina tita Amor at Ashley kasi may ginawa kaming kababalaghan ni Aikee, noong birthday ng kaibigan ko. Ano kaya ang iisipin nila kapag nalaman nilang may nangyare samin ng binata? magagalit kaya sila sakin o matutuwa? Hay, hindi ko alam. Kasalukuyan akong nanunuod nang TV ng tawagin ako ng aking ina . Wala akong pasok ngayun araw dahil day off ko kaya nasa bahay lang ako. " Patty halika nga dito." " Bakit po, nay?" Nanay at tatay ang tawag ko sa mga magulang ko kasi iyon ang kinalakihan ko. At mayroon kaming maliit na bahay kaya nagkaka-rinigan kami. Hindi katulad ng bahay nila Ashley ay tatlong palapag ang bahay nila. Gano'n talaga kapag may OFW sa kanilang pamilya. Yung mga magulang ko kasi ay hindi na pwede pumunta sa ibang bansa dahil may mga edad na sila. Ayaw ko naman pumunta do'n kasi natatakot akong mag-isa at maltratuhin ng mga magiging amo ko. Mas okey na maliit lang ang bahay namin basta magkakasama lang kami. " Dalhin mo nga ito sa bahay nila Amor at omorder sakin ng tatlong letche plan." Nagtitinda si Nanay ng kakanin at mga minatamis na panghimagas. Iyon ang ginagawa ng ina para makatulong sa gastusin sa bahay. Masyado na kasing malaki ang pamilya namin at nag-aaral pa ang iba kung kapatid. Samantalang si tatay ay isang contruction worker kaya kahit papaano ay nakakaahon kami sa hirap ng buhay. Apat ba naman kaming magkakapatid ey. Hindi ba lumaki ang pamilya namin. Masipag kasi gumawa ng bata ang nanay at tatay ko. Gusto pa nga nilang sundan, jusko. Mabuti na lang ay tuwing linggo nauwe ang ama. Kapagkuwan ay natigilan si Patty ng marinig ang sinabi ng ina. Bigla akong kinabahan ng malaman ang pinapagawa ni Nanay. Kaagad naman akong tumanggi dahil baka makita ko do'n si Aikee. " Si Peter na lang po." " At bakit?" Tinignan ako ng ina. Walang kaalam alam si nanay na may nangyare samin ni Aikee kaya ayaw kung pumunta doon. " Wala si Peter. Nasa galaan na naman ang kapatid mo kaya ikaw na lang." " Ayaw ko po, nay. tinatamad po ako." Muli ay tanggi ko sa kanya pero desidedo ang ina na utusan ako dahil wala ang mga kapatid ko. Kainis naman ey, asan ba kasi ang mga kutong lupa na 'yun? Ako tuloy nautusan ey. Sana pala ay hindi na ako tumambay sa maliit naming sala, edi sana ay hindi na ako nautusan pa tsk. " Dalhin muna. Mabilis lang naman ey. Saka kana magpahinga pag-uwe mo." Wika pa ni nanay at inabot sakin ang plastik na may laman na tatlong tupper wear na letche plan. Napasimangot naman ako. Ayaw ko nga ey, kainis. Paano kung ando'n ngayun si Aikee? edi magkikita kami? OMG! " Wag kanang sumimangot diyan. Kapag gusto mong pumunta sa bahay nila Amor ay hindi ka nagpapapigil tapos itong uutusan ka naman ay ayaw mo. Dalhin muna 'yan at inaantay na 'yan ni Amor." Taboy niya pa sakin kaya wala akong nagawa kundi sundin ang ina dahil mainitin ang ulo nito kapag hindi nasusunod ang pinag-uutos. " Kuhanin muna rin ang bayad." Pahabol na utos pa ni nanay. " Opo Nay." Lumabas na ako ng bahay saka naglakad patungo sa bahay ni tita Amor. Hindi ko alam kung nasa bahay ba ang kaibigan ko ngayun. Minsan kasi ay wala sa bahay ang kaibigan dahil palagi ito sa bahay ng boyfriend nito. Sa isang kumpanya nagtatrabaho si Ashley dahil may tinapos ang kaibigan. Samantalang ako ay 1st year college lang ngunit hindi pa tapos dahil sa financial problem. Mahirap lang kasi kami kaya hindi ako nakapagtapos kahit ako ang panganay at nag-iisang babae pa. Mas ginusto kona kasi magtrabaho para makatulong sa mga magulang ko. Nang matanaw kona ang bahay ng kaibigan ko ay biglang kinabahan si Patty at pinanlamigan ng kamay. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro ay makikita kona si Aikee kaya ganito ang pakiramdam ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa gate nila tita Amor saka nag doorbell. Hindi naman ako nag antay ng matagal at bumukas rin kaagad ang pinto ng gate. Ngunit nagulat si Patty nang makita kung si Aikee ang nagbukas niyon. Bumilis tuloy ang t***k ng puso ko nang makita siya. At natulos sa kinatatayuan habang nakatingin sa binata. Hindi ako maka-galaw o makapagsalita sa subrang gulat. Kinakabahan rin ako at ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto ko ng kumaripas ng takbo palayo sa kanya. " Patty. Ikaw pala." Nakangiting sambit ng binata habang walang pang-itaas. Nagulat pa ako dahil parang wala lang dito ang nangyare samin. Hindi niya ba ako sasabihan ng easy to get o babastusin? kasi naging agresibo ako no'ng gabi na 'yun. temang, bakit naman? nagpakasarap naman siya sa katawan mo. Sabi ng utak ko. " Hello." Nahihiya kung binati ang binata. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil kakaiba ang titig nito. At para bang may nararamdaman ako sa aking katawan. Hindi ko alam kung anong meaning no'n. Libog ba? Kapagkuwan ay inabot ko sa binata ang dala kung plastik na may laman na letche plan. " Paki-abot naman kay tita, please? sige bye." Paalam ko at akmang tatalikuran kona ang binata ay narinig ko siyang nagsalita. " Ikaw na. Kanina kapa inaantay ni mama." Napapikit ako ng mga mata kasabay ng pagkagat sa labi. " Gano'n ba? sige." Pumasok na ako sa loob at iniwan ang binata sa may gate dahil kung magtatagal pa ako ay baka mahimatay na ako sa bilis ng t***k ng puso ko. Nang makapasok sa loob ng bahay ay hindi ko nakita si tita Amor kaya sa kusina naman ako pumunta. Welcume naman ako sa bahay nila tita kahit wala sila. Nagulat ako at nagtaka dahil wala rin si tita do'n habang nakasimangot. " Asan kaya si tita? Baka nasa-" Natigilan ako ng may tumabi sakin at bumulong kaya napatalon ako sa gulat. Mabuti na lang ay hindi ko nabitawan ang hawak kung letche plan dahil sa gulat. Subrang lapit ba naman niya sakin kaya hindi ko napigilan mapatili at bumilis ang t***k ng aking puso. Humarap ako sa kanya. " Bakit kaba nanggugulat? Sabi mo kanina pa nag-aantay sakin si tita, wala naman." Inis kung wika para labanan ang kaba sa dibdib ko at namumuong kung anoman sa katawan ko. " Bakit hindi kana napunta dito, Patt." Sa halip ay tanong niya sakin at naupo sa may upuan do'n. Nagulat na naman ako sa tanong niya habang nakatingin sakin. Bakit naman niya tinatanong? namimiss niya ba ako? Char. Asa ka pa girl. " Ahm, kasi." Hindi ako makatingin sa kanya dahil ang lagkit niyang tumingin. " Busy lang ako sa trabaho." Tugon ko habang nakangiti ng keme. " Talaga." Parang hindi naman naniwala ang binata sa sinabi ko. Parang duda pa siya base sa kanyang mukha. Tumango ako. " Oo, bakit?" Taka ko parin tanong saka nilapag sa mesa ang plastik na dala. Nangangatog na rin ang mga paa ko dahil sa mga titig niya sakin. " Hindi mo ako namiss?" Anang nito sa baritonong boses. " Huh?" Gulat kung sambit kasabay ng pagkunot ng nuo ko. Hindi ko siya maintindihan. Anong sinasabi niya? " Namiss kita, Patt." At tumayo ito mula sa kinauupuan saka lumapit sakin dahilan para mapaatras ako pero mabilis naman niyang pinulupot ang kamay sa beywang ko kaya hindi ako nakalayo sa kanya. Kinabahan naman ako at bumilis ang t***k ng aking puso dahil baka makita kami ni tita Amor. " Aikee, ano ba! bitawan mo ako." Kinabahan na utos ko sa kanya kasabay ng pagtanggal ng kamay nito sa beywang ko pero mas lalo lang humihigpit ang yakap niya. Ramdam kona rin ang matigas niyang dibdib kaya nilagay ko ang kamay sa pagitan namin para hindi maipit ang dibdib ko. At may kakaiba na rin ako nararamdaman. Parang katulad lang no'ng may nangyare samin. " Aikee, ano ba! Bitawan mo ako sabi." Asik kona sa kanya para lang bitawan niya ako. Pero lalo lang humihigpit ang yakap niya. Ayaw ko kasing maabutan kami ni tita sa ganitong sitwasyon at baka anong isipin niya sakin. " Mamaya na, baby. Mamaya pa naman darating si mama." Wika ng binata kasabay ng paghaplos sa beywang ko. Napakagat naman ako sa ibabang labi para lang pigilan ang ungol na gustong umalpas. Pinigilan ko rin ang init na namumuo sa aking katawan dahil hindi tama ito. " Bakit mo ba ako niyayakap? Ano bang problema mo?" Galit na tanong ko sa kanya para lang bitawan niya ako. " Namiss kita. Hindi pa ba sapat 'yun?" " Pero bakit?" Naguguluhan na tanong ko. " Hindi mo naman ako girlfriend." " Kailangan bang maging girlfriend kita para lang mamiss kita? Hindi ba pwede dahil sa ginawa natin, 2weeks ago?" " Mali." Mabilis kung sagot sabay iwas ng tingin. " Lasing lang ako no'n." " Pagkatapos mo akong akitin, gano'n lang 'yun?" Parang galit na tanong nito. Hindi ko alam kung bakit ba siya nagagalit. Big deal ba nito na may nangyare samin? Hindi naman ako naghahabol ah? Bakit siya nagagalit? " Oo, kaya please lang. bitawan muna ako." Nakikiusap na sabi ko. Baka kasi biglang dumating si tita. Binitawan naman ako ng binata kaya nakahinga na ako ng maluwang at lumayo dahil baka bigla na naman niya akong yakapin. Tinignan ko siya sa mata kahit bumibilis ang t***k ng aking puso. " Wala sakin ang nangyare satin." Sabi ko kasabay ng paglunok ng laway. " Kung anoman ang nangyare satin ay kasalanan ko 'yun kasi inakit kita. Sana lang ay wag munang ipag-sabi sa iba. Sana tayo lang dalawa ang nakakaalam nito, Please?" Nakikiusap na sabi niya sa binata. Nakatitig lang ang binata sakin at walang kibo habang walang emosiyon ang mukha nito. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya kaya naman ay tinalikuran kona siya. Siguro naman ay maliwanag na sa kanya ang lahat. Ayaw ko maghabol kahit alam kung talo ako sa nangyare. At ayaw ko rin na sabihan siyang panagutan niya ako dahil lang sa may nangyare samin. Gusto ko ay kusa niyang gawin 'yun at hindi kona kailangan magmakaawa pa. Palabas na ako ng kusina ng biglang hablutin ng binata ang kamay ko at sinandal sa pader saka kinumuyos ng halik sa labi. Nabigla ako at nanlaki ang mga mata ko kaya naman ay nagpupumiglas ako. Hindi naman ako binitawan ni Aikee at patuloy lang sa ginagawa nito kaya nakaramdam na ako ng takot dahil baka may mangyare ulet sa kanila at makita na talaga sila ni tita. Kaya lang ay unti-unti naman akong nadadarang at nag-iinit sa halik ng binata. Kung kaya't imbes na pumalag pa ay tumugon na ako sa kanyang halik dahilan para mas maging mapusok ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD