"Just kidding yhra" tumatawa si melchor habang kapit kapit ang tyan nya at naupo sa gilid ng kama
"f**k, your reaction was epic. Kung nakita mo lang maiintindihan mo ako bat ako tawa ng tawa" paliwanag nya at ako naman ay di padin makapaniwala at para bang bumabalik ang lahat ng takot at alaala ng nangyari noon araw na binaboy ako ni remon.
Walang kapatawaran ang kanyang kalapastangan na ginawa saakin
"Tinakot mo ako" saka naman nya nilabas ang pag kain sa bulsa nya at ang wallet
"Ang tagal nadin nung huli kita nakita. Noon puro uhog at iyakin kapa. Now look at you, a pretty fine woman" naiilang ako sa mga sinasabi ng pinsan ko saakin.
Anak sya ng tita jessa ko at kaedaran ko lang sya
"Ano ba, nakakahiya naman yang sinasabi mo?" Tinawanan nya ako at inakbayan
"Sige na, matulog kana. Tapos bukas ay sasamahan kita at ipapakita sayo ang pagsanjan falls at ang batis dito sa pakil" ngumiti ako at pinanood syang lumabas sa kwarto
Maganda at nakakaakit ang boses na tumatawag saakin
Ngunit nag bago ang lahat, mula sa maliwanag hanggang sa dumilim at nawala ang liwanag. Pumalit ang dilim
Nag bago ang tinig, nag mistulang tinig ng demonyo, takot na ang bumalot saakin at ang imahe ng taong kinasusuklaman ko ng labis
"Bitawan mo ako! Parang awa mo na!"
"Hinding hindi na kita papakawalan. Akin kana, akin lang! Ako lang ang para sayo!"
"H-hindi! Ayoko! Pakiusap pakawalan mo na ako!"
"Yhra bumalik ka dito!"
"Wake up yhra, wake up!" Bumangon agad ako at hinahapo sa sobrang kaba at takot gawa ng panaginip ko
Ayoko na ulit na mangyare iyong ginawa saakin ni remon, masyadong nakakapag pakaba tuwing naaalala ko ang ginawa nya saakin
Hindi makatao, masyadong marahas at hindi ito dapat pinapalampas pa. Ngunit takot ako na mabaliktad ang sitwasyon dahil nga alam kong ako pa ang huhusgahan ng mga tao kahit na si remon naman talaga ang nag kasala saamin at wala akong magawa kundi ang tanggapin ang lahat ng sisi saakin
"Mukang masama ang panaginip mo ah?" Tanong nya saakin habang di ko mapigilang matulala sa paanan ko at hindi napapansin angmga tanong nya saakin dahil sa hirap akong makapag isip at kumilos sa ngayon
"Alam mo bang kanina pa may kotse sa harap ng bahay tapos mong pumunta sa dito? Try to check your phon. Maybe someone is waiting" umiling ako at marahan na kinuha ang phone ko sa bag at puro tawag ni carlo at isang unknown number
Mabigat ang pakiramdam ko ng pinindot ko ang message
You can't run away from me yhra, mark my word. You're mine only
"Huy, natulala kana dyan?" tanong sakin ng pinsan ko ng mabilis kong iniwas ang phone ko dahil gusto nya sanang basahin yun text
"Tsismoso mo talaga, di kana nag bago"
"Masikreto ka padin, hindi kana nag-bago yhra. I told you we're family. Your problem is our problem too. Hindi kana nasanay na lagi kaming nakasuporta sa inyo kahit na baliw ang mama mo" napatawa ako sa sinabi saakin ni melchor saka umiling
"Nakakahiya din kase na lagi kaming nakahingi ng suporta sa inyo, iba ang pamilya ko sa inyo. Ayoko madamay kayo sa gulo na meron kami, pasensya kana"
"Bakit naman? Akala nyo pabigat kayo?" tanong nya saka ako napatungo at nanahimik ng pag katagal tagal
"Parang ganon na nga" hinayaan nya muna ako at iniwan mag isa dahil siguro ramdam nya ang katahimikan ko ang creepy ko netong nakaraang araw na lumipas dahil sa sunod sunod na kamalasan na nangyayari saakin
Sana iyon na ang huling beses na makikita ko sya at makakasama, hindi ko na alam kung papaano ko pa lulusutan lahat ng kamalasan na meron ako sa buhay ko ngayon
May kumatok muli sa kwarto na tinutuluyan ko at bumukas ng kusa, si tito iyon at may tao sa likod nya. Si carlo habang may dala-dalang pagkain at nasa muka nya ang pag aalala
"Kanina pa sya nasa labas hija, kasamahan mo daw sa trabaho" tumango ako at tumayo sa kama ko para salubungin sila papasok sa kwarto
"Opo tito, si carlo po" ngumiti ako mat ngumiti si tito
"Sya iwan ko muna kayo, tapos nyo mag-usap aalis tayo. Pwede tayo sa kalayaan o pagsanjan, basta madali nalang yon. Mag ready kana after 30 mins ha hija?" marahan akong tumango at umalis na si tito, naupo kami sa kama saka naman sya napabuntong hininga
"What happen yhra? Bakit kailangan umabot ka sa ganto?" napailing ako saka nya hinawakan ang kamay ko at tumingin saakin na para bang awang awa sya sa nangyayari sa buhay ko ngayon
"Wala ako magawa, bakit kailangan ko maging kamuka yung taong kinasusuklaman nya?" tanong ko saka naman sya napapikit at parang hinahanap nya ang tamang salita na ibabalik sakin
"Ganon talaga ang ugali nya, we don't know what's behind his story, as long na hindi kana nya ginugulo dito okay na. Lilipat nalang ako ng residency para mabantayan din kita dito sa Laguna" para naman akong matutunaw sa mga sinasabi ni carlo sakin. Ramdam ko ang sincere nyang ugali at ang pag intindi na hindi pa nagagawa ng ibang tao sakin.
Pinaparamdam nya kung gaano ako kaimportante saakin matapos ang nangyari saamin ni Doctor Remon
"wag mo na munang isipin si remon, he's getting crazy in these past few days. kaya mas mabuti na umiwas kana, don't worry. I'll help you yhra" ngumiti ako ko sya niyakap at nagulat sya sa ginawa kong pag yakap sa kanya
"Salamat talaga carlo, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sa tabi ko" nangingiyak na saad ko saka ako lumayo at marahan nyang kinapitan ang balikat ko
"As long that you're happy with your desicion i will help and support you no matter what yhra, tandaan mo yan" tumango ako saka nag bihis para makaalis na kami
Sa ngayon, sila mama nalang ang matinding problema na iniisip ko, sana matapos na muna ito bago ako bigyan ng panibagong prblema
****
"Ayan yhra, sa susunod kapag nakauwi ka sa makati isama mo na mga kapatid mo. Hayaan mo na nanay mo sa tiyo mo, sira din minsan utak non" tumango ako habang kapit kapit ko ang bote ng tubig at pinapanood silang mag enjoy
"Opo tito, kapag nakahanap nako ng trabaho dito. Mag iipon ako para ako na ang mag papaaral sa kanila. Ayoko masira ang buhay nila doon"
"Don't worry, may schollarship ang dad ko, i'll recommend your sisters para naman may pang suporta ka"
"I can't believe that you ran away just to prove that both of you are having an affair" napalkingon ako ng muka naman ni remon ang sumalubong saamin
"Are you stalking yhra remon? Don't tell me nauubusan kana ng babae kaya pati si yhra ayaw mo na tantanan?"
"It's not your business low degree doctor" umamba si carlo ng pumagitna ako para wag matuloy ang away nila
"Wag kayo mag-away, ikaw? Ano pa ba kailangan mo? Diba ayaw mo na makita pa muka ko? Bakit ka andito? Para saan nanaman?"
"Hindi porket away ko makita na muka mo noong araw na yon ay hindi kana mag papakita sa susunod na araw, come back, i want to see your face again. With that janitress uniform" nanigas ako sa kinatatayuan ko at bigla nalang sila nag kagulo ng umatake si carlo
"Tarantado ka talaga Doctolorez!"