3

1039 Words
Tulala ako habang naglalakad papunta sa mini stop para mag palamig at mag palipas oras, ang hirap ng sitwasyon na binigay saakin. Iniipit ako, para akong di makahinga sa hirap ng dinadanas ko, pero mas lalo lang walang mangyayare kung tutunganga ako Tangging tugtog at ang ingay ng aircon ang rinig dahil kakaunti narin ang dumadaan dahil dis oras na ng gabi. "Ma'am may kape po kami, baka gusto nyo po. 25 pesos lang" ngumuti ako at tumango. Pakiramdam ko nilalamon ako ng dilim at dalamhati sa tuwing naalala ko ang bawat salita na binitawan ni mama saakin Sya mismo ang pumatay sa lahat ng pangarap ko para sa pamilya namin. Tangging pag taguyod ang gusto ko mangyare pero pag hihirap lang pala at sakit ang ibabalik nila saakin matapos ang lahat. "Salamat" ngumiti ako muli at inabot ang kape. Nakatingin sya saakin at nag tataka sa mga gamit na nasa tabi ko "Bat ang dami nyo po atang dalang damit? Kung inaantay nyo po ang byahe papunta sa probinsya ay mamaya pa pong alas kwarto iyon" tumago ako at humigop sa kape "May hinahantay po ako. Saka hindi ako uuwi sa probinsya" tumango lang sya at iniwan na ulit ako mag isa Sumagi sa isip ko si carlo, nakakahiya pero matutulungan kaya ako kapag humingi ako ng tulong sa kanya Wala sa sarili akong tumayo at lumakad papunta sa malapit na terminal ng bus papunta sa probinsya kahit hirap na hirap akong dalhin ang bag ko Si lola bining, sa problinsya. Sigurado akong matutulungan nya ako kahit papaano "Kuya, may bus na po ba?" Tanong ko sa konduktor na inaayos ang ticket "Meron na po ma'am pero mamaya pa ang alis nyan" tumango ako at sumakay na sa bus habang pinaandar iyon. Mainit pa sa loob pero hinayaan ko. Para kahit papaano makapag pahinga ako hanggang sa makabalik ako sa laguna Tanda ko pa naman ang binabaan namin noong nag bakasyon kaming pamilya doon Sa ngayon ay hinayaan ko muna ang antok na atakihin ako **** "Saan ho ang may ari nitong bahay?" Tanong ko sa tindahan na nag iisang bukas dahil alas kwatro na ng madaling araw. Ang bilis ng byahe kase kahit di pa puno ay lumakad na kami "Nako neng tatlong taon nang patay ang aling bining. Nasa mga anak nya ang susi. Kita mo yang bahay na may terrace. Katukin mo sila jessa at baka matulungan ka nila" payak akong ngumiti "Salamat po" "Kaano ano kaba neng?" "Apo ho ako, anak ako ni miraldin" napatango lang sya at tinignan ako "Ikaw yung anak nung abogado no? Sayang yang nanay mo. Kung ginamit ang utak edi sana umasenso kayo kagaya nila jessa" malungkot akong tumango at tuluyang nag paalam Kinakabahan akong nag doorbell sa malaking bahay at baka tulog pa kase ang mga tao. Sila kase ang may pinakamagandang buhay saamin. "Sino yan!" Kinabahan ako sa sumigaw at bumungad ang babaeng nakaroba at may pang curl pa sa buhok "Magandang umaga po" bati ko ng sumigaw at nag umpisang mag heterikal "Junneng! Ang kapal talaga ng muka mong mag papunta ng babae mo dito! Kaya mo pala ako pinapaalis kase papupuntahin mo babae mo dito! Anibersaryo natin at ganto ipang bubungad mo saakin! Napaka baboy nyo!" Nagulat ako at napaatras Kinabahan ako ng bumukas ang maliit na gate. Hindi nadin ako nakapag salita dahil sa kaba at takot "Anong babae sinasabi mo!" Nakahinga ako ng maluwag ng dumating si tiyo at pinigilan iyong babae "Yhra! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni tito ay lumamlam ang tingin saakin nung babae "Andyan daw po ba si tita jessa?" Pinapasok nya ako at tinulunga mag bitbit ng gamit ko habang mapanuri padin ang tingin saakin nung babae "Si ate nakaalis na, sa amerika na nanirahan kasama ang asawa nya. Ang mga anak naman ay naiwan saamin ng tita ineng mo" tumango ako at tinanggap ang kape na inabot saakin "Ano po nangyare sa lola bining?" Lumungkot ang muka nila at mabilis na ngumiti para maitago ang pagkahabag nila "Namatay si nanay. Sinabi namin kay ate pero hindi sya pumunta sa di malamang dahilan" nagulat ako at kinunutan ng noo "Hindi ko po alam na namatay ang lola, saka pinalayas po ako ni mama kanina sa di malamang dahilan" mas lalong nag alala ang ekspresyon ng muka ni tito "Ang mga kapatid mo?" "Hindi pinadala ni mama, ayaw ko gawin ang gusto nya kaya nagalit at pinag tabuyan ako" para silang pinagsakluban ng langit at lupa sinabi ko "Hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyayare sa mama mo. Hayaan mo kakausapin ko" ngumiti ako at nag pasalamat "Pwede ko ho bang mahingi ang susi ng bahay ni lola. Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan. Mag ttrabaho din po ako at mag sisikap" "Iha, madumi pa iyong bahay. Pansamantala ay dito ka muna. Para mas maayos ay kausapin mo ang tita jessa mo para alam nya ang nangyayare sayo. Ang bata bata mo pa pero nag ttrabaho kana. Dapat nag aaral ka" kung alam nyo lang po na gusto ko mag aral. Si mama ang may ayaw "Neng hatid mo nga pamangkin mo sa bakanteng kwarto, galing pa yan ng makati" ngumiti sya habang papaakyat kami ng hagdan "Pasensya kana neng, akala ko talaga babae ka ni junneng may tsismis kase ng ganon" tumango ako at ngumiti sa kanya "Salamat po, pasensya nadin po at napasugod ako. Wala po kase ako mapuntahan" tumango sya at inantay akong makapasok bago sya umalis. Ang laki ng pinag bago ng bahay nila tita jessa. Dati bunggalo lang iyon ngayon ay mas umayos at gumanda. May anak kase sila na doctor at engineer May cr sa kwarto kaya napag pasyahan ko na maligo saglit bago ako matulog Ang sarap ng init ng tubig. Tangging lagaslas ng shower ang ingay roon Pag kabihis na pagkabihis ko ay nahiga agad ako at pinikit ang mga mata kong pagod na pagod. Mula pag iyak at ang makita ang lahat ng pinapangarap ko ay unti unting hindi maisakatuparan Isang di pamilyar na amoy ang bumalot sa aking ilong at ang haplos na nagpamulat saakin "Don't shout" baritong boses ang tinig ang narinig ko at ang kaba ko ngayon ay ang papatay saakin "You'll like this.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD