"Bitawan mo ako! Hindi kaba nahihiya sa pamilya ko. Kasama ko sila tapos bababuyin at hahatakin mo ako dito?" Sigaw ko kay remon ng tumigil kami sa mapunong parte ng resort at napakapit sya sa noo nya na para bang may problema syang napakalaki "Come with me, we'll talk" iniwas ko ang kamay ko ng akma nya sanang hawakan at umatras ako sa kanya "Hindi remon, ayoko na ulit ulitin ang pang bababoy mo sa buong pag katao ko. Sinira mo lang ang lahat ng meron ako. Tama na, pakiusap tigilan mo na ako" hindi ko na inantay pa ang sagot nya at nanakbo ako papalayo sa kanya at hindi na lumingon pa Nang nakalayo layo ako ay napatigil ako sa tabi at mabilis na pinahid ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na akong tumatakbo sa tuwing pinapakita saakin ni remo