2

1231 Words
Mabilis ako bumangon habang kapit ko ang ulo ko, pilit na kinukundisyon ang sarili ko. Para akong sinasakal dahil sa hirap ako huminga. "Are you okay?" Tanong sakin at muka ni carlo ang bumungad sakin "Nasaan na ako? Hindi papala ako tapos maglinis!" Gulantang na saad ko at mabilis na bumangon "Don't worry yhra, you can have a break for a while. Pagod ka masyado kaya ka nafatigue" lumuwag naman ang pag hinga ko at hinayaan syang titigan ako ng matagal Takot ang naramdaman ko, papaano nalang kung nabuntis ako tapos ng nangyare saamin ni remon, hindi ko na alam kung papaano pa ako babangon at saan ako kukuha ng lakas ng loob "Is that true?" Tumingala ako para maiwasan ang tingin nya saakin dahil naiilang ako, para bang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. "Ano ka ba naman carlo-" "Just tell the truth" natahimik ako sa sinabi nya at tumango ako ng marahan. Ramdam ko ang galit ni carlo "Why?" Umiling ako at hindi ko malaman kung papaano ko uumpisahang ipaliwanag sa kanya ang lahat ng pang bababoy saakin ni remon "Pakiusap, ayoko. Wag muna ngayon carlo" titig ang binalik nya saakin at mas lalo naging seryoso ang muka nya "I don't know why this is happening on you" nanghihina na saad nya saka ako huminga ng malalim "Kahit ako, hiniling na mangyari ito. Ang hirap" mariin ang kapit ni carlo sa braso ko at titig na titig saakin "S-si remon ang una ko, nangyari iyon noong unang araw ng night shift ko. Lilinisin ko sana ang kwarto nya kaso umiral din ang katangahan ko at humantong kami doon, hinding hindi ko ginusto ang lahat carlo. Mahirap na tao lang ako, at hindi ko din alam papaano ko bubuhayin ang sarili ko. Kahit na mahirap ang kumayod para sa sarili ko ay gagawin ko, gamit ang malinis na paraan" tahimik padin si carlo at nanginginig ang kamay ko "Hindi ko alam ang pinag dadaanan mo, bukod sa pamilya mo. Pero ramdam ko na mahirap para sayo" bumilis ang pinitig ng puso ko habang marahan nya akong niyakap "Pasensya na, wala ako sa tabi mo noong binaboy ka ng tarantadong yon. Maybe i am helping you on these days but- i will be. I'll make things happen on us" gulong gulo ako sa mga sinasabi ni carlo saakin ngayon. Masyado syang seryoso "Ano kaba, kaya ko sarili ko. Hanggat may pamilya ako na nasa likod ko. Hinding hindi ako susuko para sa kanila" nginitian ko sya bago ako tumayo at pinahid ang mga luha sa pisngi ko "Salamat talaga carlo, sobrang laking tulong ang binigay mo saakin. Maraming salamat" ngumiti din sya bago ako tumuloy sa locker room at nagbihis para makauwi Hindi ko naramdaman agad ang presensya sa likod ko, at ang anino na hindi gumagalaw "So, you're happy. You got sympathy now, humanap kapa ng kakampi para saan yhra?" Nakakalokong ngiti ang pinang bungad nya saakin at huling butones ang sinara ko "Doc, nakikiusap ako. Pwede po bang wag muna ngayon. Kung hindi po kayo pagod, ako pagod na pagod at alam ko naman na wala kayo pakialam kung ano man ang nararamdaman ko. Pero sana alam nyo na may privacy padin po ako bilang janitress dito kahit na napakababa lang ng level ko dito" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang lumabas sa bibig ko "That's what i'm talking about. May kakampi kana kaya malakas ang loob mo na sagut sagutin ako. What if i kick you out here para di mo na talaga ako makita at mawalan kana ng problema at makuha mo na ang privacy na sinasabi mo?" Unti unti pumapatak ang luha ko sa mga sinabi nya. "Bakit ka ganyan? Bakit ang sama ng trato mo saakin? Ano ba kasalanan ko sayo at galit na galit ka sakin?" Tanong ko habang patuloy ang luha ko "Eto lang ang trabaho na pwede saakin. High school graduate lang ako at ako pa bumubuhay sa pamilya ko. Walang iba tumanggap saakin dahil wala ako natapos, bakit ka ganyan? Bakit ang sama sama ng ugali mo!" Sigaw ko at ngumisi lang sya saakin na parang demonyo "Because you're a b***h! You look exactly as her! You don't deserve to have a face like lesley, she's a super model and you are a rag. Poor like a rat" sobra na akong nasaktan sa sinabi nya saakin "Etong mukang to problema mo? Sino ba may sabi na ginusto ko maging kamuka yung punyetang kinamumuhian mo! Wala ako kinalaman sayo, sa kanya ay sa inyong dalawa. May sarili akong buhay at di ako konektado sa inyo kaya tangina tigilan nyo ako, kung aalisin mo ako sa trabaho ko gawin mo. Dyan ka magaling, pahirapan ang taong wala naman kinalaman sa pagkatao mo" hindi ko na sya inantay na mag salita at nilayasan sya. Masyado nang mahirap ang buhay ko para dumagdag pa sya. Kung mawawalan ako ng trabaho bukas, mag hahanap ako sa iba. Mahihirapan lang ako na makahanap ng may kalakihang sweldo para maibigay sa nanay at tatay ko, masyadong nakakapang hinayang na mawala ang 10 na libong sweldo kada buwan "Remember this day yhra, i swear pag sisisihan mo ang lahat!" Takot at kaba ang gumulo sa sistema ko bago ako makalabas sa hospital dulot ng sinabi ni remon saakin Sino ba iyong babae na iyon at kinamumuhian nya. Sino bang gugustuhin na maging kamuka yon kung ganon din naman ang perwisyo na idudulot sayo Tricycle lang ang sasakyan ko papunta sa catleya na pwedeng lakarin mula ospital hanggang bahay Hindi ko alam pero kaba nanaman ang pumaloob saakin ng malapit na ako sa bahay namin at ang tahol at ingay ng mga nag iinom nalang ang maririnig mo sa kalagitnaan ng gabi. Lakad ng ilang minuto bago ko maaninag ang bahay namin na madilim sa labas at ang aso namin na tumatahol ng makita ako "Nay, ano to?" Nag tatakang tanong ko "Mga damit mo" nanlumo ako bago ko luhurin ang mga damit ko na nakakalat sa labas at yung iba ay basa pa dahil malimit na basa ang kalsada ngayom dahil umuulan "Umalis kana. Ayoko nang makita ka sa bahay nato. Mabuti pa ate iyha mo, may magandang buhay. Nakapag asawa ng mayaman at ginamit ang ganda, di tulad mo. Binibigyan ka ng malaking pag kakakitaan di mo magawa, nag titiis ka sa pesteng ospital nayan! Kung sa cabaret ka sana nag trabaho edi sana kumikita ka ng dyesmil araw araw!" "Nasaan si ate? Naalala kaba ng umasensyo sya? Nay, ako andito na naiwan sayo pero iba padin hinahanap mo" bakit ba ganito sila, walang iba ginawa kundi ang saktan at paluhain ka "Simple lang gagawin mo yhra, bakit di mo magawa!" "Gusto nyo magputa ako! Gusto nyo magaya ako sa inyo!" "Bastos!" Lumagitik ang sampal saakin ni nanay at umaangat pa ang balikat nya habang nanlilisik ang mata nya "Wag kana papakita saakin yhra" kinabahan ako, ang nakababata kong kapatid, si yhna. "Isasama ko si yhna!" Nagpupumilit ako pumasok ng itulak ang ni tatay, ang step father namin "Wag na wag kana papakita yhra. Panindigan mo yang pride mo! Kung ayaw mo yumaman, pwes ako gagawa ng paraan" nanlumo ako ng pumasok si nanay sa bahay at napatingala ako Kinapa ko ang bulsa ko, tangging 500 nalang ang pera na natitira saakin "Saan ako mapupunta neto?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD