“Akiko!” Bahagyang napaigtad si Akiko kasabay nang pagtunog ng chime sa ulunan niya. Mabilis na lumapit naman sakanya si Miss Olive at Lance saka niyakap siya. "Akala ko hindi ka na babalik.." Dinig niyang sabi ni Lance. Natawa siya saka marahan na tinulak ito at nginitian sila ni Miss Olive. "Pero teka, isang linggo ang bakasyon na binigay ni boss sayo. Bakit ka pala nandito?" Takhang tanong pa ni Lance. Mahina siyang natawa saka binalingan ang amo nila. "Gusto ko po sana kayong makausap, Miss Olive.." Ngumiti ang amo sakanya saka inaya na maupo sila sa isang table malapit sa counter. Nagkataon na walang costumer kaya solo nilang tatlo ang lugar. Magkatabing naupo sa harapan ni Akiko si Miss Olive at Lance. Huminga siya ng malalim saka sumulyap sa glass wall ng restaurant. Saktong