Pagkagising ni Akiko kinabukasan ay wala na si Ivo sa tabi niya. Napabuntong hininga na lamang siya saka naupo sa kama. She felt like crying, again. Naramdaman niya ang pag-iisa dahil sa katahimikan nang buong apartment niya. Napayakap na lamang siya sa kanyang tuhod saka tumitig sa kawalan. She know she can get over with the loneliness she feel right now. Makakaya niyang sumaya muli dahil alam niyang iyon ang gusto ng mga magulang niya. She just used na laging may kasama kaya nahihirapan siya ngayon. Nasanay siya sa malalakas na tawanan at pagtugtog parati ng mga kaibigan sa gilid ng pool nila Heaven noon. Nakaya naman niyang manirahan ng malayo sa mga magulang sa nakalipas na taon, ngunit iba ngayon, dahil hindi na niya makakausap pa ang mga ito at wala ng mangungulit sakanya na umuwi.