Nag-iwas ng tingin si Ivo nang marinig ang mahihinang paghikbi ni Akiko. Huminga siya ng malalim saka muling tinignan ito at pinanuod habang unti-unting bumibigay ang mga tuhod paupo sa damuhan. Agad umagapay si Heaven dito at niyakap siya ng mahigpit. Kasabay nang pagtunog ng nakakalungkot na musika at ang pagbaba ng mga kabaong sa ilalim ng lupa. Isa-isa nilang itinapon ang mga puting rosas na dala nila sa ataul habang ibinababa ang mga ito. Lalong lumakas ang iyakan sa paligid dahil sa mga kamag-anak ni Akiko, ngunit nanatili ang tingin niya dito hanggang sa matapos ang libing ay nanatili sila doon hanggang sa tuluyang matabunan at mailagay ang mga lapida. Nakaupo sila sa damuhan ng mga kaibigan habang nasa harapan nila nakaupo si Heaven at Akiko na nakatitig parin sa ngayon ay punt