I WALKED towards the main campus determined. Ikalawang araw na ito mula noong layasan ko si Marcus. Pilit kong iniiwas ang sarili ko sa mga taong alam kong may kinalaman sa kaniya. Mga kaklase ko na nga lang ang kinakausap ko.
Ayoko siyang makita. Masama pa rin ang loob ko sa mga na-experience ko dahil sa kaniya. Siya ang dahilan kumbat ako nasaktan ng ibang tao. I became vulnerable because of him.
“Serna, answer the problem on the board.” Utos ng guro sa akin. Pumunta ako sa harap para magsolve. Buti na lang matalino ako kahit papano.
“Hmm. Since your answer is correct, why don’t you solve the other two problems?!” Nanunuyang sabi ng guro. I sighed. Simula noong malaman sa buong campus na bumalik ako sa dorm, nag-iba na ang treatment ng tao sa akin. They look at me with disgust and judgment. Masakit man sa pride, I didn’t mind them. Pati teachers ko, pinag-iinitan din ako. Pinapahirapan. Kung mawawala ang scholarship ko because I defied their leader, masaya akong aalis. iyon na lang naman talaga ang hinihintay ko. Ang tuluyang makawala sa power at influence ni Marcus Martenei.
“Pare, pinag-iinitan ka na naman ni BP.” Peter whispered. BP is Baklang Panot, our Math teacher. Ngumiti ako nang mapakla sa kaniya.
“Yaan mo na, pare. Bitter lang iyan kasi naunahan siya ni Marcus sa'yo.”
Gulilat akong napatingin sa kaniya.
“Pare, pinatulan ko ang imbitasyon niya kahapon. Alam mo namang mahina ako sa Math. Kapag bumagsak ako dito, mawawala ang chance ko na magpatuloy sa pag-aaral dito sa Martenei. Alam mo pare, grabeng makasipsip yan. Kala ko nga matatanggal na etits ko sa kasisipsip niya kahapon. Nakakadiri pero no choice kesa naman pahirapan at pagtripan niya ako sa klase niya.” Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Naalala ko kasi ‘yong ginawa sa akin ni Marcus.
“Alam mo pare, survival to the fittest lang ang laro sa school na ito. Sabi nga nila, if you can’t beat them, join them.” Patuloy siya sa pagbulong.
“Pare, hindi ako ganun.” Pinalaki ako ng magulang ko na magalang, may takot sa Diyos at marunong ipaglaban ang karapatan. Sa pisikalan lang talaga ako natatalo dahil ashmatic ako. Nawala lang ang pagiging hikain ko noong magsimula akong magbasketball.
“Pare, bakit namumutla ka?” Pangungulit pa rin ni Peter.
“May sinat pa kasi ako gawa noong pambubugbog sa akin.”
“Bakit pumasok ka pa?”
“Sarmiento, Serna! Kung magliligawan kayo, lumayas na kayo sa klase ko!” Galit na bulyaw ni BP sa amin.
“Sorry, Sir.” Sabay naming sabi sa kaniya.
“Ikaw, Serna, hindi porke matalino ka dinadaldal mo na yang bobong si Sarmiento. Pumunta ka mamaya sa faculty room at may ipapagawa ako sa'yo.” Seryosong sabi ng guro.
“Y-yes sir.” Kinakabahan kong sagot.
Napapabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad papunta sa floor ng mga Grade 9 classes. May meeting si BP at ako ang inutusan niya para magturo ng Math sa klase niyang iyon. Akala ko pa naman kung ano na ang ipapagawa niya.
“Good afternoon, Grade 9.” Bago ko pa maipagpatuloy ang sasabihin ko ay nagtilian na ang mga kababaihan doon.
“Shet, si Cj Serna! Ang guwapo! Ehh!”
“So guwapo! So sarap! Ehh!”
“Fafa! Ehh!”
Napailing na lang ako. Tingin pa lang nila, nahuhubaran na ako.
“Class, please keep quiet and be attentive as I explain to you how to solve this equation.” The girls sighed and stared at me with their dreamy eyes. Hindi ako nagpaapekto at ipinagpatuloy ang lesson.
Pagkatapos ng klase ay hapung-hapo ako. Pahirapan ang pagiging student-teacher ko doon. Andami-dami nilang tanong kahit paulit-ulit ko nang na-explain ‘yong mga formula. Sinadya nila malamang iyon para magdouble subject ako sa kanila. Nalampasan pa tuloy ako ng gutom.
“Oh Serna, bakit andito ka pa? Umuwi ka na sa dorm at magpagpahinga.” Salubong sa akin ni BP nang makarating ako sa Faculty Room para ibigay ang seatwork ng klaseng tinuruan ko.
“Ibibigay ko lang po sana itong mga papel ng ...” agad niyang hinablot ang mga iyon at itinulak na ako palabas ng faculty room. Bakit ba parang takot siya at minamadali niya akong umuwi?
“Umuwi ka na at kumain. Magtake ka na rin ng gamot. Bakit ka pa pumasok kung linalagnat ka pala?!” Parang ako pa ang may kasalanan sa kaniya sa tono ng pananalita niya ah.
“Kailangan po kasing mailabas ‘yong init sa loob ng katawan ko. Hinihika po kasi ako kapag umabot na ng 40 ang lagnat ko.” Lalong nag-init ang temperatura ko. Mukhang aatakehin nga ata ako ng sakit ko.
“Umuwi ka na at wag na wag kang papasok sa mga klase mo hanggang may sakit ka! Ano pa ang hinihintay mo?! Umuwi ka na!” Nagdikit ang mga kilay ko. Bakit ba parang natataranta siya? Napailing na lang ako at umalis na pagkatapos kong magpaalam sa kaniya.
Habang naglalakad ako papunta sa dorm ay nanginginig na ako sa ginaw kahit mainit naman ang panahon. Masakit na nga ang katawan ko, nananakit na rin ang mga kasu-kasuan ko. And worse, nagsisimula nang bumigat ang paghinga ko. Unti-unti na ring naninikip ang dibdib ko. Hindi na ako nakapunta sa canteen para kumain at bumili ng gamot. Nanghihina na ako. Ang gusto ko na lang gawin ay mahiga at matulog. Halos hilain ko na ang mga paa ko patungo sa dorm.
I was literally trembling nang makarating ako dun. Papasok na sana ako nang mabangga ako ng mga estudyanteng naghahabulan. Napasadlak ako sa lupa. Umiikot na ang paligid ko. Nagdidilim na ang paningin ko. Bago ko pa tuluyang maipikit ang mga mata ko ay may narinig pa akong tumawag sa pangalan ko pero tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.