NAGISING AKO na hindi makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong may naglagay ng oxygen mask sa mukha ko. Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko. “Breathe, Janus. Breathe.” Nagmulat ako ng mga mata at nakita ang nag-aalalang mukha ni Marcus Martenei na nakatunghay sa akin. Hawak niya ang oxygen mask na tumutulong sa akin na makahinga ng maayos. What is he doing here? At kailan pa ako nagkaroon ng oxygen mask sa kuwarto ko? Iginala ko ang tingin ko sa kuwartong kinaroroonan ko nang okay na ang paghinga ko. I realized na andito ako ngayon sa ospital dahil sa mga medical equipments na nasa paligid pero para akong nasa isang mamahaling hotel suite dahil sa nagmamahalang mga kagamitan. “You have to eat para makainom ka na ng gamot.” Wika niya nang maitaas niya ang upper pa