CHAPTER 26: JANUS

1329 Words

“KUMUSTA, CHESTER? Deja vu, huh?” Nakakalokong ngumisi si Ralph, ang leader ng Breedrax habang hinahaplos ang pisngi ko. “Pakawalan n’yo ako!” Galit kong sabi sa kaniya. Nagtawanan ang mga nasa paligid naming kalalakihan. Kung susumahin ay hindi bababa sa labinlima ang naririto ngayon. Sila. Sila ang kumidnap sa akin noon. At kumidnap na naman sa akin ngayon. Sila pala ‘yong sumusunod sa akin kanina habang naglalakad ako ng wala sa sarili dahil sa nangyaring pagtatalo sa bahay. Masakit. Sobra akong nasaktan sa panghuhusga ng sarili kong mga magulang sa pagkatao ko at sa relasyon namin ni Marcus kaya naman umalis muna ako para makapag-isip-isip. Nakaupo ako sa bench ng basketball court noong may nagtakip sa ilong ko at nawalan ako ng malay. “Iwan n’yo kami ng aming prinsipe.” Utos ni Lin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD