NAGMAMADALI AKONG naligo at nagbihis. Kung para kay Janus ay ganon lang kadali iyon, para sa akin ay hindi. Kailangan niyang magpaliwanag. Kailangan niyang klaruhin sa akin ang rason ng pakikipaghiwalay niya. No! Hindi ako papayag na magkahiwalay kami. Kung kinakailangang lumuhod ako sa harap niya at lunukin ang pride at pagkatao ko, gagawin ko wag lang siyang makipaghiwalay sa akin. Kung kailangan kong magmakaawa then so be it. “Baka naman naguguluhan na ‘yong bata.” Liningon ako ni Flame habang tinatahak namin ang daan patungo kina Janus. Siya ang pinagdrive ko dahil wala akong tiwala sa sarili ko ngayon. Nangininig ang mga kamay ko sa pinaghalo-halong galit, pag-aalala, sakit at kung anu-ano pang emosyon na hindi ko mapangalanan. “Baka na-realize niyang babae talaga ang gusto niya.” S