AIRPORT SINUNDO AKO ng mga kaibigan ni Marcus para isama sa pagsalubong sa kaniyang pagdating. “Andiyan na raw ang baby mo.” Nanunuksong sabi sa akin ni Flame. Unlike Ryan, medyo friendly siya. Napatawa siya nang malakas nang makita ang pamumula ng mga pisngi ko. “Ang cute naman ng bata. Kaya patay na patay si Master sa'yo eh.” Napanguso ako sa kaniya. Bata pa ba ang 17? Okay 16. Next month pa pala ako magsi-17. “Andiyan na siya.” Narinig kong sabi ni Ryan pagkaraan ng sampung minuto. Napatingin tuloy ako sa tinitignan niya. Nakita ko ang bulto ni Marcus habang iniaabot sa mga sumalubong na 7 Demons ang mga bagahe niya. Nag-slow motion ang lahat. Nakita ko ang unti-unti niyang pagngiti, ang ‘akin-ang-mundo’ niyang paglalakad, ang pagtalbog ng buhok niya sa ulo niya at ang matikas niyan