CHAPTER 21: JANUS

1225 Words

KATATAPOS KO lang tumulong na maglinis ng mesa pagkatapos ng Noche Buena ng pamilya. Andito ako ngayon sa ibabang bahagi ng double deck na pinagsesheran namin ng nakatatanda kong kapatid na si Nick. “Cj, wala ka bang napapansin tuwing lumalabas tayo?” Biglang tanong niya na nagpawala ng atensyon ko mula sa paglalaro ng dogtag ni Marcus. “Napapansin?” Bukod sa masyado siyang tahimik kapag lumalabas kami ay wala namang iba pa. Hindi ko kasi ugali ang tumingin-tingin sa paligid o sa mga nakakasalubong naming mga tao. “Wala naman, kuya. Bakit? Ano ba ang napapansin mo?” “Tuwing nagba-basketball tayo sa court, may mga kalalakihang nanunuod lagi sa atin. Akala ko noong una mga miron lang. Pero tuwing naglalaro tayo, andoon din sila. Minsan nakita ko pa ang isa na nagbi-video sa atin.” “Ha?!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD