Drew
Nagising ako sa pakiramdam na may isang malamig na bagay na nasa noo ko, nanunuyo ang lalamunan at masakit ang katawan. Sinalat ko ang sariling leeg, I'm burning. Shucks. Tama ang prediction ni Daddy. I looked around and found a basin of water sa may sahig, bote ng gamot at isang baso ng tubig sa may night stand at isang bakanteng upuan malapit sa may gilid ng kama ko. Mukhang may nag-alaga sa akin habang tulog ako.
Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong din sa may night stand. Ala una na ng hapon! Mahilo-hilo man, tinanggal ko ang basang bimpo na inilagay ng kung sino sa noo ko at nag-effort na bumangon. The task itself proved to be tedious. By the time na nagawa kong isandal ang sarili sa headboard ng kama, pinagpapawisan na ako at hinihingal.
I didn't realize I am this weak. Inaabot ko ang baso ng tubig sa may night stand nang biglang bumukas ang pinto. The very last person na inaasahan kong iluluwa ng pinto ang siyang dumating. Yes, here comes Troy again. I groaned inwardly. Bakit sya pa?
"What are you doing here?"
"Ganyan ba dapat ang salubong mo sa taong matyagang nag-alaga sayo?" walang kangiti-ngiting tanong niya.
"Ikaw? Asan si Mommy? Si Dad? Si Kuya?"
"Maaga silang umalis. Hindi ka na ginising dahil alam nilang tanghali ka bumabangon. Well, to my surprise alas onse na ng umaga hindi ka pa lumalabas ng kuwarto. Ang alam ko 8:00 am gising ka na."
"Eh ikaw bat andito ka pa?"
"Wala akong pasok, parang ikaw. Martes ngayon nakalimutan mo?"
Oo nga naman, wala siyang schedule tuwing Martes at Huwebes. Gaya ko, bakante din ang TTh ni Troy.
"You're supposed to go with Kuya di ba?" umiwas ako ng tingin, nag-effort na abutin muli ang baso ng tubig. Nakakauhaw kausap itong si Troy. Grrr...
"Sabi ko sa kanya nagbago isip ko at gusto kong umuwi. Ang hindi ko sinabi sa kanya inaantay talaga kitang magising, I owe you an apology."
Uminom muna ako ng tubig mula sa basong hawak ko na. Akma kong ibabalik sa pinaglagyan ang baso nang abutin iyon ni Troy at siya na ang naglagay sa ibabaw ng night stand.
"No need. Ako dapat ang magsorry sa iyo." Mahina kong sabi.
"Why?" umupo si Troy sa gilid ng kama ko, paharap sa akin.
"Because I shouldn't have felt this way about you. Pero huwag kang mag-alala, mawawala din ito. I just hope when that time comes, mawala din ang awkwardness natin sa isa't-isa."
"Wala naman akong awkwardness na nararamdaman. Kasi kung meron, hindi kita aalagaan habang may sakit ka. Ikaw ang mas inaalala ko, kaya ayaw kitang paasahin." Nasa bed cover ang tingin niya.
"Wag mo na ako problemahin. Isipin na lang natin na temporary afflicition lang itong nararamdaman ko sa iyo."
"I admit I was surprised. Tuloy parang gusto kong sisihin ang sarili ko nang pilitin kitang magsalita. I can imagine how hard it must be for you. I was flattered though." Napasulyap sa akin si Troy, alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi niya.
As much as I wanted to make my expression passive, I can't help but smile. "Don't be too nice Troy, mas kaya kong i-deal ang supladong ikaw."
"Psssshhh..you know I have my moments. Kidding aside, how are you feeling?" sinalat niya ang noo ko.
"Medyo nahihilo pa. Aside from medyo gutom na rin, mukhang ok naman."
"I'll get your lunch." Tumayo na ito at lumabas ng kuwarto.
Napatingin ako sa pintong nilabasan niya. What am I gonna do with you? Just when I have decided na kalimutan ka, nililingon ka ng puso ko dahil sa mga ikinikilos mo. Napabuntung-hininga na lang ako.
Shortly after that, bumalik si Troy na may dalang pagkain na nakalagay sa tray.
"After this uminom ka ulit ng gamot. Kaninang 7:00 ka pa huling uminom eh, but I doubt if naaalala mo iyon. You were burning with fever. Kung hindi pa ako nagkusang pumasok sa kuwarto mo walang nakaalam sa kondisyon mo."
"Thanks."
Pagkatapos kumain ay ininom ko ang gamot na binigay sa akin ni Troy. Pasalamat ako at hindi na siya nagbanggit ng tungkol sa nangyari kagabi. Aaminin ko, may pagkailang pa rin akong nararamdaman kapag naaalala ko ang ginawa kong kagagahan kagabi.
"Kailangan kong umalis by 3:00 PM. By that time may kasama ka na dito. Naitawag ko na sa parents mo ang tungkol sa kondisyon mo. Hinihintay ko na lang silang bumalik bago umalis. Is there anything else you need my help with?"
Actually meron, pero nahihiya ako’ng magsabi sa kanya. Nahalata siguro niya ang pag-aatubili ko.
"Spill."
"I need to go to the bathroom. At gusto ko ring magpalit ng damit."
Walang imik na tinungo niya ang closet ko at kumuha ng damit na magagamit ko. Bigla siyang napahinto at lumingon sa akin. "Ahhhmmm..do you need to change your errr...damn." Napansin kong bahagya siyang namumula.
He's blushing! Cute.
"Yes, kasama na iyon. Look at the bottom drawer, doon nakalagay." Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita kong discomfort ni Troy.
Hah! I'd like to see his face pag nabuksan niya ang drawer ng undies ko. Bwahahahaha!
"Here." Inilapag niya sa ibabaw ng kama ang mga nakuhang items mula sa closet ko.
"Have you found what you're looking for?" I teased.
Simangot lang ang naging sagot niya. "I'll carry you sa bathroom, I doubt kung kakayanin ng tuhod mo ang bigat mo ganyang may sakit ka pa."
"I may need you to get out of the room pag nagbihis na ako."
"Of course."
Binuhat ako ni Troy mula sa pagkakaupo ko sa kama. This close, nagsimula na namang kumalabog ang dibdib ko. Naamoy ko ang shampoo na ginamit niya sa paliligo. His face was so close to mine habang nilalakad niya ang natitirang espasyo papunta sa banyo. I watched his side profile. Matangos ang ilong, katamtamang kapal ng kilay, oh-so-yummy lips. He looked so manly, so beautiful that it hurts.
I know he's aware I’ve been watching him. Pinili niyang hindi bumaling sa direksyon ko. Naman kasi, mahahalikan ko sya kapag nalingon siya sa gawi ko dahil isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin. So it wass better for my sanity na huwag na lang.
Pagdating namin sa banyo ay ibinaba niya ako. Ibinaba niya ang toilet seat pati ang takip at doon ako pinaupo. Pumasok siya sa shower at kinuha ang nakasampay na bimpo doon, nilabhan at binanlawan saglit at ibinigay sa akin.
"Hindi ka pa pwedeng maligo, so magpunas ka na lang muna."
"Thank you. Pwede ka nang lumabas."
"Huwag mong ila-lock ang pinto. Baka mahilo ka hindi kita madadaluhan. I'll be waiting outside this door. If you need anything, just holler." Siya na rin ang nagsara ng pinto pagkalabas ng banyo.
Napahugot ako ng hininga. See? He's so nice. Suplado pero gentleman. Masungit pero thoughtful. Impatient but he knows how to treat a girl right. He can be an ass and sometimes arrogant but I like him because he's real. How am I suppose to kill the feelings I have for him? Hindi ko ata mapapanindigan ang binitiwan kong salita na pag-aaralan kong kalimutan siya.
Paano mo kakalimutan ang taong nililingon ng puso mo kahit hindi dapat? Kahit walang pag-asa.
Natapos din akong magpunas. Isinuot ko ang robe na nakasabit sa may pinto at hinigpitan ang pagkakatali sa beywang. Mahirap na baka aksidenteng makalas. Kakatukin ko na sana ang pinto upang bigyan siya ng signal na tapos na ako nang may maalala akong isang importanteng bagay.
Deym. Nasa labas nga pala ang mga damit ko. Actually, hindi naman yung damit ang pinakakailangan ko sa ngayon. Kundi yung mga underwears ko. Patay. Nakakailang magpabuhat kay Troy knowing I only have that terry robe on.
"Ahmm.. Troy? I need a little help."
"What about?"
"I need my undies." Napakagat labi ako nang hindi ako makarinig ng sagot mula sa kabila ng pinto. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto, muntikan na akong masampal sa mukha dahil nakalapat ang tainga against the door in an effort na pakinggan kung ano ang isasagot niya.
"Here." Nakabaling ang mukha niya sa loob ng kuwarto while extending his hand inside the bathroom.
I snatched my underwears away from his grasp. Talk about my most embarassing moment.
Arrggghhh!
I hurriedly put on my undies and tied the terry robe again. Binuksan ko ang pinto at binuhat ulit niya ako pabalik sa kama. Without saying a word, lumabas siya ng kuwarto para mapakagbihis ako.
Pagbalik niya nakabihis na ako at nakaupo sa kama. Sinalat ulit niya ang noo at leeg ko. Hindi pa nakuntento, kinunan ako ng body temperature.
"May kaunting lagnat ka pa pero I think you're recovering. You room seems stuffy, gusto mong magpunta sa veranda?" He offered.
"No, pakiramdam ko nanlalambot ako. Gusto kong mahiga ulit."
"Alright, mas mabuti pa nga."
Tinulungan niya akong makasampa uli ng higaan.
"Thanks." I murmured, feeling sleepy.
"Don't mention it."
Unti-unti ko nang nararamdaman na hinihila ako ng antok. Naulinigan kong may sinasabi siya kaya pinuwersa kong magmulat ng mata. Pero bumibigat na ang mga talukap ko, kusa silang nagsasara.
"What?" tanong ko. I felt his thumb grazed my cheek. Or maybe imagination ko lang?
"Why are your eyes swollen?" pati boses niya parang surreal, hindi ko alam kung nananaginip na ba ako o totoong naririnig ko.
"I cried myself to sleep, idiot." Nagsara na ng tuluyan ang mga mata ko. Pero naririnig ko pa siya at nararamdaman ko pa ang hinlalaki niya sa pisngi ko. I could care less if it is a dream or real.
"I'm not worth all your tears Drew."
"Yes, you aren't. Pero hindi ko pinili o ginusto."
"You deserve better." He said softly.
"Someday Troy. I'll forget you. Habang andito ka pa," tinapik tapik ko ang spot kung saan naroon ang puso ko, "please bear with me for a while. Promise, makakalimutan din kita. Pagpasensyahan mo na rin ang mga kagagahan at magagawang kagagahan ko habang hindi ko pa nagagawang kalimutan ka."
Troy
I sighed. If only hindi ganun kakumplikado ang lahat, I would give this girl the man she deserves. Pero hindi ko kaya, at nalulungkot akong isipin the things that could have been. We could be happy together if things were different. But sad to say, wala akong magawa.
What's more frustrating is hindi ko alam if I can deal with the truth when the time comes na matupad ni Drew ang pangako niya sa akin. Although hindi ko gusto ang idea na magtagumpay si Drew, wala akong maipapangako sa dalaga. Mas mabuti pang ngayon pa lang masaktan na ito kesa naman patagalin pa. Mas lalong masakit at mahirap.
I care about her, given na iyon. Pero hanggang doon na lang talaga. Wala na akong puwedeng ibigay kay Drew, kung baga sa sugal todo na. Besides, Bernard is my bestfriend. Kasabay ng pagdadalaga ng kapatid, naipangako ko sa kaibigan na isa ako sa poprotekta kay Drew. Even from myself.
Hindi alam ni Drew kung ilang lalaki na ang tinakot naming magkakaibigan dahil nagbabalak ang mga ito na ligawan siya. Hindi lang namin ipinapaalam sa dalaga ang mga ginagawa namin dahil alam naming magagalit ito, she would see it as pangingialam. Kaya walang lumalapit kay Drew sa school dahil hinaharang na naming lima.
In our opinion, hindi pa puwedeng mag-boyfriend si Drew dahil nag-aaral pa. Masyado itong tutok sa pag-aaral at makakaistorbo ang lovelife. Ironically, sa dami ng puwedeng pagpilian sa akin pa nagkagusto si Drew. I was floored and flattered. She could have picked Conrad dahil mas madalas magkasama ang dalawa gawa na rin siguro ang si Conrad ang matiyagang tumutulong kay Drew sa pag-aaral.
But no, she likes me. Me who wears a perpetual scowl, matipid magsalita, walang pakialam at unpredictable ang mood swings. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nakita ni Drew sa akin at ako ang nagustuhan niya. Binansagan nga niya akong andropausal. Aminado akong mabilis akong mairita, lalo na at sadyang maiksi naman talaga ang aking pasensya.
I must do something para matulungan ang dalaga na mapabilis ang paglimot sa akin. May maliit na bahagi ng puso ko ang hindi sang-ayon sa naiisip kong gawin pero hindi ko puwedeng isipin ang sarili lang. Mas kailangan ni Drew na makapagmove-on. Habang maaga, mas mabuti. For her sake and for my sake, it is a must. I don't want to prolong her agony, habang may nararamdaman si Drew sa akin hindi maiiwasang masaktan ito habang tumatagal.