Drew
"I see." That was all he said.
Wala na siyang sinabi kasunod noon. Basta lang siya nakatunghay sa akin na parang noon lang niya ako nakita. I am beginning to feel awkward. Just when I was about to do something para makatakas sa "pagkakakulong" ko sa pagitan ni Troy at ng sink namin, tinawid niya ang natitirang space na nakapagitan sa aming dalawa.
Nabigla ako. What is he doing?!
"Errr..what are you doing?"
"Maghuhugas ako ng kamay. Stay still."
"'Kay."
Narinig ko ang pagbukas ng gripo from behind me. Bakit kailangan niyang maghugas ng kamay while I'm like this? Gusto kong umalis pero baka magalit na naman siya pag nangulit ako. Lately napapansin ko maiksi ang pasensya ni Troy sa akin. Oh well, dati na siyang masungit but his level of kasungitan these days is bordering on epic.
Kung kanina doble ang kabog ng dibdib ko, na-triple na ngayon. Napapikit ako, praying hindi niya marinig ang kabog ng dibdib ko when he's this close. My chin is literally resting on his right shoulder habang naghuhugas siya. Para akong na-estatwa sa pagkakatayo ng mga sandaling iyon, I didn't dare move.
At last, the sound of water rushing from the faucet had grown silent. Nakita kong ipinunas niya ang dalawang kamay on the back pockets of his jeans. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala ng nagrerestrict ng movement ko dahil wala ang dalawang braso niyang nakabakod sa magkabilang gilid. I was about to sidestep para makaalis sa kinatatayuan ko when his arms came back and rested on the same spot as earlier.
Patay kang bata ka Andrea, nakulong ka na naman. Oh Lord.
Why do I need to have mixed feelings about this situation that I am in? Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko but why do it has to feel heavenly having his arms around? He's not hugging me or any of the sort naman.
I knew then that I am a goner.
Niyuko ako ni Troy and looked at me straight in the eyes. "Is there something you're hiding from me, Drew?" he asked me, his voice a bit higher than a whisper. Hindi ko alam kung bakit nag-uusap kami sa pabulong na paraan, malayo naman ang kusina sa mga kuwarto sa bahay.
Umiling lang ako. As much as I wanted to hold his gaze para hindi niya mahalata ang internal conflict na kasalukuyang nangyayari sa akin, hindi ko siya matagalan. Labag man sa loob ko, I looked away. This seemed to fuel his suspicion. He tilted my chin and forced me to look at him.
"There is. Kilala kita mula pagkabata. I can read you better than you think I can. I am willing to bet my life na nagsisinungaling ka. What is it?"
"Please Troy, don't push it. Hindi mo na kailangan malaman. Leave it as it is. Im begging you."
"Why?" kumunot ang noo nya.
"It's just that....."
"What?"
"Oh dear. Huwag mo na kasing itanong. Alam mong sa inyong lahat sa iyo lang ako hindi nakakalusot. Please."
"Mas dapat kong malaman kung ganun. What is it? What is bothering you? Lately, you're being weird. Hindi ko lang matukoy kung ano ang dahilan or kung kailan nagsimula. Pero ramdam ko Andrea. You can never hide from me. Remember that."
Buo ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko, a sign that his patience was wearing thin.
Tread carefully Drew, you know how Troy is.
"It seems na wala akong choice kundi magsabi sa iyo. But promise me one thing, please don't get mad." I eyed him uncertainly. If kanina lang adamant ako na itago sa sarili ko ang nararamdaman ko, mas mabuti pa nga siguro na malaman niya para siya na mismo ang kusang umiwas. Baka sakali mawala din ang nararamdaman ko sa kanya kapag nasaktan ako sa pag-iwas niya.
I am now facing what they call choosing between devil and the deep blue sea. I'd rather choose the devil himself.
"Why, is it something I would be mad about?"
"I don't know. Posible. Oo, pwede." Napapadyak ako. "Damn it, I don't know!"
Natahimik siya. Nakatitig lang siya sa akin, parang tinitimbang ang mga bagay-bagay na nasabi ko. Then I heard him blew an exasperated breath.
"Ok, since pinipilit kitang sabihin sa akin I think the least I could do is to promise that I won't get mad." Niyuko niya ako, his face came down and stopped an inch away from mine. "Start talking. Now."
Unconsciously napalunok ako and licked my dry lips. Pati yata lalamunan ko nanuyo. Ninenerbyos ako kahit pa na sinabi na niyang hindi siya magagalit. Can I really confess? Kaya ko ba? One, two, three..10 seconds had passed pero hindi pa rin ako nagsasalita. I saw the blooming of impatience sa mga mata niya. It's now or never.
"Drew!"
I know naiinis na talaga siya. Kasabay ng pagbanggit niya ng pangalan ko ay napapikit ako ang blurted out, "I like you!"
And then came silence. Nakapikit pa rin ako, too scared to look at him or his reaction.
Oh please, dont' be mad. Please don't be mad. I silently prayed.
"What the hell did you say?!" mahina pero mariin na sabi niya. I felt his fingers dug on both of my shoulders. Hindi naman masakit, madiin lang. Tolerable. No biggie. He can never hurt me, I know that for a fact.
"You promised!" Niremind ko sya sa pangako niyang hindi siya magagalit kahit ano pa ang sabihin ko.
"What. Did. You. Say." Monotone ang boses niya pero hindi maipagkakaila ang nakatagong banta sa mga binitiwan niyang salita kung hindi ko uulitin ang nasabi ko kanina.
Yumuko ako. I can't stand his eyes any longer. "I like you."
"I. Cant. Hear. You." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Troy sa mga balikat ko. I inwardly winced. It was starting to hurt.
Tumingin ako sa kanya. Nagsisimula na akong mainis, confessing is hard enough. ‘Yung ipaulit pa sa akin ang sinabi ko is utterly embarassing. How many times do I have to say it? Lamang kesa sa kaba o takot na nararamdaman ko ay paghihimagsik ng loob.
Teka nga, sumosobra na itong poging unggoy na ito ah.
I am humiliated enough!
"Hindi ko kasalanan kung bingi ka. Hindi ka rin lang makarinig ng maayos, siguro naman sa gagawin ko maiintindihan mo."
Without thinking of the consequences, I grabbed the back of his head and kissed him fully on his lips. I shut my eyes, not wanting to see his reaction. Alam ko nabigla siya, ako din nabigla sa ginawa ko pero pinanindigan ko na.
Damn him!
Just when I was about to end the kiss, I felt his hands on both sides of my face. Nanlamig ako, para akong kinuryente. Without being aware, I was frozen on the spot nang maramdaman kong gumalaw ang mga labi niya. He's kissing me back! Slowly, I felt the start of little tingles on my lips creeping on my face until such time na pati buong katawan ko na.
Holy cow! This is the electrifying feeling that those people talk about in romance novels and in movies. I turned into mush. Like putty in his hands, I was reduced to a girl with jelly legs. Totoo pala ang sinasabi sa mga nobela na nakakapanghina ng tuhod ang halik. I used to think it was kind of over rated. Ang hindi ko lang naintindihan, pag ang halik na iyon ay galing sa taong gusto mo manlalambot ka nga pala talaga.
Heaven help me.
I felt him withdraw, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Magkadikit pa ang mga noo namin. His eyes were close. Habol din niya ang hininga. His arms were on my waist, holding me too close for my sanity. Gradually, the beating of my heart receeded to a much slower pace. Pakiramdam ko kanina sasabog na sa bilis ng t***k.
"Naiintindihan mo na ba?" mahina kong tanong sa kanya.
He then opened his eyes, looked at me and nodded.
"Good."
"What am I gonna do with you, Drew?" pabulong niyang tanong. Nakikita ko ang conflicting emotions sa mga mata niya. Kung ano man ang mga iyon, ayoko nang alamin pa. I had enough for tonight. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumanggap. Quota na ako.
"Wala. Let's just call this a night, huh?"
"Mabuti pa nga." Binitawan na niya ako. He stepped back and stuffed both his hands sa magkabilang bulsa ng pantalon niya sa harap.
"Whatever took place here tonight, pwede bang sa atin na lang iyon?" pakiusap ko kay Troy.
"I agree. I don't think Bernard would appreciate me taking advantage of his sister." He said sarcastically.
Napatawa ako ng pagak. I don't know why but I felt sad. We kissed right? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya.
"More like his sister taking advantage of his bestfriend." I scoffed.
"I shouldn't have..."
"No, don't you ever say pinagsisihan mo ang paghalik sa akin. Don't rub salt on my wound. It is bad enough that you made me confess something I'd rather bring with me to my grave."
Nag-aantak na ang kalooban ko. Naiintindihan kong pinagsisihan niya ang sandaling pagkawala sa sarili pero ang marinig sa kanya mismo is another story.
"Drew, it's not like that."
"No, it is like that. Naiintindihan ko naman eh at hindi ko kailan man ginustong maging ganito ang nararamdaman ko sa iyo ngayon. At alam na alam ko kung ano ang pinagdaanan mo. That's why I am not expecting anything. Kaya nga wala akong balak ipaalam sa iyo because nothing good will come out of it."
I couldn't stop the bitterness creeping on my words.
"Will you shut up?! Don't cut me off. Hindi pa ako tapos magsalita." Tumaas ng bahagya ang boses ni Troy. Napatingin ako sa dako ng pinto ng kusina, baka may makarinig sa amin.
"You're too loud!"
"Fine!" humina naman ang boses niya, "What I am trying to say is that hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo kaya hindi kita dapat hinalikan. Ayaw kong umasa ka sa isang bagay na hindi mangyayari. I care about you Drew pero hanggang doon lang, let's keep things on that note."
"Sino ba ang umaasa? Pinilit mo akong magsalita, nagsalita ako. Hindi mo ako marinig, hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan ka lang. Well, sorry kung hinalikan kita hindi ko rin alam kung anong kagagahan ang sumanib sa akin at nagawa ko iyon. Pero ito ang tatandaan mo Troy, ni minsan simula noong unang araw na naramdaman kong gusto kita, hindi ko kailanman inisip na kailangan mong suklian ito. Dahil kung ako rin lang ang masusunod, hindi dapat nangyari ito. Kaso wala akong magawa, andito na eh."
"So what are we going to do?" tanong niya.
"Wala. Pretend wala akong sinabi, pretend hindi nangyari itong gabing ito. Go on with your life, and I'll go on with mine. I will not burden you with this, after all ako ang nakakaramdam. Ako ang nagkagusto eh, so problema ko na ito. Hindi mo na dapat pahirapan ang sarili mo kakaproblema sa isang bagay na hindi mo naman dapat problemahin."
"Kaya mo?"
"Kakayanin ko. Now, if you'll excuse me gusto ko nang magpahinga. Baka sakali bukas pag gising ko tapos na ang kabaliwan ko sa iyo."
Iniwan ko na siya sa kusina. Nagmamadali akong bumalik ng kuwarto. Habang nakahiga sa kama, hindi ko maiwasan ang pag giti ng luha sa gilid na mga mata ko. Deym.
Hindi ako iiyak. Kaya ko. Strong tayo eh. Si Troy lang iyan. At least ngayon pa lang alam ko nang walang pag-asa. Hindi na ako masasaktan ng matagal dahil may dahilan na akong panghahawakan para kalimutan siya.
I appreciate his honesty, I really do. Thankful ako at hindi siya ang tipo ng lalaki na nagpatumpik-tumpik pa sa gusto niyang sabihin. He spared me from future heartache I think. Bless you Troy. Siguro naman dahil maagang naging malinaw na wala akong aasahan sa kanya, mas mapapaaga din ang supilin at patayin ang nararamdaman ko sa kanya.
I cant hate the man. Kahit na kumbinsihin ko ang sarili ko na dapat akong magalit sa kanya, hindi ko maturuan ang sariling makaramdam ng galit. Dahil nagdudumilat ang katotohanang hindi niya ako pinaasa at niloko sa kaalamang may gusto ako sa kanya. Nakakalungkot man, talagang hanggang doon na lang talaga kami. He cares but that is all.
With that, I let loose all the things I have been bottling inside. I cried myself to sleep.