Drew
Isang araw akong absent sa school. Hindi counted ang Thursday dahil wala naman akong pasok sa araw na iyon. Mahigit isang linggo na akong nakakarecover mula sa pagkakasakit ko pero hindi ko na nakikita si Troy na nagagawi sa bahay or nakakasalubong sa school. Weird. And i missed him. Sigh.
Kahit ngayong araw na nasa bahay lahat ng kaibigan namin ni Kuya, si Troy lang ang wala. Naglalaro ng pool ang mga boys sa gameroom habang ako naman ay may nire-wrestling na assignment. Bitbit ang notebook at ballpen pumasok ako sa gameroom at hinanap si Conrad. Kailangan ko ng tulong niya.
"Conrad, patulong naman o. Hindi ko maintindihan."
"Just a sec Drew, turn ko tumira eh. Pa-sub na lang ako maya kay Jeff tapos tulungan kita dyan.'Aight?".
Tumango ako at naupo sa bakanteng sofa sa may sulok. Matiyaga kong hinintay si Conrad na matapos sa pagtira. After 5 minutes lumapit siya sa kinaroroonan ko at inumpisahang ipaliwanag sa akin ang mga bagay na hindi ko naiintindihan sa assignment ko.
"Okay na?" nakangiti niyang tanong.
"Yeah, thanks C."
"Anytime D." Ganti naman niya. Natawa na lang ako. Nang bigla akong may naalala. Isang linggo ko ng gustong itanong ito sa kahit na sino sa kanila kaya lang nakahiyaan kong gawin. "Bakit wala si Troy?"
Nagkatinginan silang apat at nagkibit-balikat. Parang walang gustong sumagot. Tumingin ako kay Conrad na nasa tabi ko lang, tinaasan ko siya ng kilay.
"May date." Tipid nitong sagot.
Nabigla ako. Kailan pa nag-umpisang makipagdate si Troy? Kailan siya bumalik sa dating scene?
"With who?" tanong ko ulit.
"With Maddy. Madeleine Huelar from Nursing 3A." Si Gene na ang sumagot habang pinupuntirya ang anggulong binabalak na gamitin upang tirahin ang target na bolang gusto niyang ipasok sa isa sa anim na butas ng pool table.
Sinikap kong hagilapin sa isipan ko ang hitsura ng nagmamay-ari ng pangalang binanggit ni Gene. She must be something kung nagkainteres si Troy na makipagdate dito. Troy doesn't just date. Hindi ito gaya ni Gene na linggo-linggo iba ang kasama.
"Why is her name familiar? Hindi ko lang maalala ang mukha."
"She's the reigning Miss Nursing for this year. Pamangkin ng Dean ng College of Education. Remember? Siya yung bet mo noong nanood tayo. Magkakasama tayong anim nang panoorin natin ‘yun." Boses ni Jeff ang narinig ko ng sumagot.
Kaya pala familiar. Now I remember the girl's face. Pixie like face, doll eyes, narrow lips, almost perfect nose, cheekbones to die for, etc. etc. etc. Deym. With brains thrown in the mix, the girl is an epitome of perfection.
No wonder she managed to catch Troy's attention. Inignora ko ang pakiramdam ng panghihina. Hindi ako dapat magpaapekto, kakalimutan ko si Troy di ba? Ngayon pa lang sanayin ko na sarili ko sa mga ganito, baka sakali makatulong para mapabilis ang proseso. Tama. Ganun ang dapat gawin.
"Oh well, good for him. It's about time. His last serious relationship was like six years ago?" I quipped.
"Yun na nga eh, it doesn't seem like he's serious." Sabi ni Kuya.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko, "hindi siya seryoso?"
"He's back in the game. At hindi ko alam kung bakit parang biglaan gusto niya makipagdate kung kani-kanino."
"Hmmm..weird. Parang nung kakabreak lang nila ni Luchie ganito din ginawa niya ah." Naalala ni Conrad.
"Oo nga. What happened? May idea kayo?" kahit ako hindi ko rin alam, hindi ko nga alam na nakikipagdate na naman pala siya.
"Beats me." Kibit balikat ni Kuya and turned back to their game.
I feigned disinterest. Mahirap na baka makahalata silang masyado akong bothered sa pagbabalik ni Troy sa dating scene. Wala naman siyang nabanggit the last time na nag-usap kami. Ni wala nga ako narinig after that.
Ay teka lang, sino ka para magpaalam siya sa iyo na makikipagdate siya? May gusto ka lang naman kay Troy and mind you, the feeling is not mutual. So whatever he do, it doesn't concern you. Nangako kang kakalimutan siya di ba? So ayan, umpisahan mo na.
"Balik na ko sa kuwarto guys, sorry I can't join you."
"Ok lang Drew, marami pang next time." Gene gave me a wave.
"Madalas naman kami nandito so ayos lang. Aral ka muna." Si Jeff.
"Thank you again C, I'll be going na. 'Till next time ha."
"'Kay."
Pagdating ko sa kuwarto hinagilap ko ang cellphone. I scrolled through my phone's contacts and found the number that I was itching to text since last week pa.
As I was composing my message, makailang beses ko din binura dahil pakiramdam ko hindi akma ang mga nata-type ko. Some sounded demanding, some sounded lame. Hmm..what to do? Dapat easy lang, yung hindi halata. Paano ba? Aish!
Finally I settled on somewhat generic and pressed send.
How r u? Havnt seen u around l8ly. :)
Naghintay ako ng reply niya sa text ko. Kaso lang naalala ko, hindi si Troy yung tipong mahilig magtext kaya malamang mamaya pa niya mababasa iyon at masasagot. I sighed in frustration. Inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng kama at tinungo ang study table ko sa isang sulok ng kuwarto.
Aral na nga muna tayo kesa maaning kakaisip at kakahintay sa sagot ni Troy. I grew engrossed with my work na nawala na sa isip ko ang paghihintay sa reply ni Troy sa text ko. Napansin ko na lang na umiilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng kama nang hindi sinasadyang napalingon ako sa may bintana habang nag-iinat.
I approached my bed and on my cellphone's screen was Troy's name, flashing. Incoming call from the devil. May apat na missed calls na pala ako.
"Hi."
"Why the hell would you text me and not answer my call?" Ganun agad ang salubong sa akin. Aba naman!
"Sorry naman! Malay ko bang tatawag ka. Sabi nasa date ka so hindi ko inexpect mababasa mo agad text ko. Gumagawa ako assignment, naiwan sa kama ang cellphone. Alangan namang pagkasend ko mag-abang ako na magreply ka? Eh knowing you maigsi pa dalawang oras ang waiting time bago mo mabasa yun. Aba, gusto lang kita iho. Pero hindi ko gawain magpaka-engot." Napahaba yata litanya ko. Tsk.
"Ok ka na?" Iniba niya agad usapan.
Nakuuuuu....
"Oo, back to school na nga ilang araw na. Andito sila Jeff kaya nagtaka ako bakit ikaw lang ang wala. Kaya nagtanong ako. Sabi nga ka-date mo yung Miss Nursing."
"Alam mo naman pala."
"Oo alam ko, pero hindi naman konektado doon yung text ko. Kung mamarapatin mo po iho pakibasa ulit, nangangamusta ako dahil isang linggo na ako walang naririnig sayo. Normal lang naman siguro iyon no."
Hindi ko alam why do I have to be defensive. Basta pakiramdam ko kailangan ko lang ipaliwanag ang dahilan kung bakit ko siya na-text.
"Why so defensive?" Ayan na, bumanat na ang poging unggoy. Hindi man kami magkaharap, unti-unting kumakalat sa pisngi ko ang mainit na pakiramdam. Yung pakiramdam ng isang taong nagba-blush. Shucks! Ang tanda ko na, uso pa ba to? So high school ang dating.
"Sinong defensive? At bakit kailangan ko yun? You're aware na may gusto ako sayo, kailangan ko pa ba ang ganyang kaartehan? Gusto lang kita Troy, at nagset na tayo ng malinaw na boundaries tungkol sa bagay na iyan. Hindi puwedeng ipagpatuloy dahil walang buting maidudulot."
"Are we fighting?"
"You tell me."
Hindi siya kumibo, hindi rin ako umiimik. Siguro dahil hindi ko alam kung ano pa an idudugtong ko. Tumawag lang ba siya para makipag-argumento? Aish!
"Bakit ka tumawag?" maya-maya ay untag ko.
"Nagtext ka, tinamad ako magreply. So tumawag ako."
"OK."
May narinig akong boses ng babae sa background, tinatawag ang pangalan niya. Pupusta akong si Madeleine yun. Bigla ang pagsibol ng hindi maipaliwanag na inis sa dibdib ko.
"Sige na, tatapusin ko pa assignment ko. Bye." Hindi ko na hinintay na makasagot siya, tinapos ko na ang usapan namin at ini-off ang cellphone. I don't know what posessed me to do that, basta ang alam ko naiinis ako.
Ok fine, let me rephrase that. Hindi lang ako basta naiinis, nagseselos ako. Im jealous, big time. So sue me. Bwiset!
Wala akong karapatang magselos, needless to say I am being unreasonable. All I can say is that wala akong ibang paliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng selos. Ang alam ko lang iyon ang totoong nararamdaman ko sa kasalukuyan. It's not as if I planned on it or wished it to happen.
Arrrggghh! Bwisit talaga itong pakiramdam na ito. Bakit siya pa.
Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas mula noong mangyari ang nakakalokang insidenteng iyon. Heto ako ngayon na tinatalunton ang hallway papunta sa library nang makita kong makakasalubong ko si Troy. Not surprisingly, kasama niya si Madeleine. Nakahawak sa kaliwang braso niya ang babae at may pinag-uusapan silang mukhang nakakatawa dahil nakangiti ang unggoy. Hmp! In fairness bagay sila. Isang maganda at isang pogi. Oh life, minsan napaka-fair mo.
The part that sucked was, I can only stare. I can only pretend I am not affected although that was not the case. Kung noong gabing narinig ko lang sa background ang boses ni Maddy eh sinapian na ako ng green-eyed monster, mas lalo na ngayon. At siyanga pala, naka-off pa rin ang cellphone ko up to this day. Wala lang, para ‘di ako matuksong mag-text kay Troy in one of my not-so-sane moments i.e. missing him.
Kunwari pumipili ako ng song mula sa playlist ko sa iPod habang naglalakad, all along praying na hindi ako mapansin ni Troy. Nilakasan ko pa ang volume ng iPod para hindi ko sila marinig na nag-uusap ‘pag nagsalubong kami. Palapit na ko nang palapit sa kanila, kaunti na lang makakasalubong ko na ang dalawa. Finally, nagtapat kaming tatlo. Pinandigan ko ang pagkukunwaring hindi siya nakikita.
Sa sulok ng mata ko nakita kong tumingin siya sa akin habang nagsasalita si Maddy. Hindi napansin ni Maddy na nasa akin ang mga mata ng kasama because she was looking far ahead while talking. Paglagpas nila sa akin like an arms length away, saka ako nagtaas ng ulo at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa library.
Whew! That was close.
Parang gusto ko ng i-congratulate ang sarili. Paunti-unti, aalisin ko sa sistema ko si Troy kahit paminsan-minsan para siyang makulit na buni na pabalik-balik sa alaala ko. Sadly, I smiled to myself. I know mahihirapan ako pero sige lang, walang bagay na madali sa mundo. Tanggap ko na iyon at alam ko ang susuungin ko noong unang araw pa lang na kumabog ang dibdib ko sa presensya ni Troy.
I clutched my chest, medyo masakit. Humugot ako ng isang malalim na hininga at saglit na napahinto sa paglalakad. Teka lang, kailangan kong ipahinga ito. Luckily, nataong nasa parte ako na nag-branch out sa magkabilang bahagi ang hallway. Nasa crossing kung baga. At this time of the day, hindi matao dahil second period na. I turned right and leaned on the wall.
Dinama ko ang parte kung saan naroon ang puso kong masalsal pa rin ang pagtibok. Be still my heart. Magiging ok din tayo kaunting tiis na lang. Napapikit ako, trying to push back down the growing lump on my throat.
Hala, wag kang iiyak dito neng. Hindi ka iyakin, at hindi ka iiyak dahil sa nakita mo. Strong tayo, strong! Para akong sira na pine-pep talk ang sarili.
At talagang nananadya ang pagkakataon, my playlist was playing Boyce Avenue's Change Your Mind. Aish..
But if I could change your mind
How would you want me
Would you say you need me
'Cause I need you now
I try to move on but your perfect way
Has got a little child asking why
But this world keeps spinning
As my heart stops beating
Is there still no room inside..
I closed my eyes, trying to drive away the pain. It's ironic how fitting for my current situation that song was. Will it get better sa paglipas ng mga araw? Oh how I wish yung someday na sinabi ko kay Troy before is ngayon na. I don't know how much more I can take. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin para lang ma-achieve ang goal ko na tanggalin siya ng tuluyan sa sistema ko.
I took even lengths of breaths in and out, iyon lang ang alam kong pwede kong gawin upang kumalma ang dibdib ko. It took time pero nagwowork naman siya, ‘yun nga lang hindi agad-agad. I gave my chest a last pat and opened my eyes.
Only to be startled nang makita kung sino ang nasa harapan at pinapanood ako. I don't know for how long has he been standing there. My heart mentally screamed his name. Troy. Oh boy, by the look in his eyes I am in big trouble.