Drew
He walked me home in silence, which is sobrang na-appreciate ko dahil hindi ko alam paano kikilos sa presensya niya. Arguing with myself is hard enough, dealing with the guy is harder still. Kung sana wala lang akong nakikitang mga pagbabago sa kanya, kung sana lang wala akong napapansing kung anu-anong nagpapakaba sa dibdib ko. Bakit kailangan kong pagdaanan ito? At bakit sa kanya pa?
Galit yata sa akin ang buong universe, sa dami ng tao sa mundo ako pa ang napiling bigyan ng ganitong sitwasyon. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. Makapagtapos sa pag-aaral, makapagtrabaho at makaipon ng kaunti sa bangko, magkaroon ng sariling bahay, magkaboyfriend, and eventually magkapamilya. In that specific order kung maaari.
Hindi yung ganitong hilong-hilo ako. Isama mo pa ang pandalas na kabog ng dibdib ko. Nakuuuu...hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang ako mabingi.
Finally, nasa tapat na kami ng gate namin. We both stopped.
"Thanks." Was all I ever managed to say.
He gave me his generic response which was a nod. Without saying a word, tumalikod na siya at naglakad palayo. I didn't daly, pumasok na ako sa bahay. Ayaw kong mawili na naman sa kakaisip ng kung anu-ano na patungkol kay Troy. I find it hazardous for my heart and my sanity.
I found both my parents sa living room, nanonood ng evening news.
"Where were you?" Si Mama.
"Dyan lang 'Ma." Itinaas ko ang kamay na may hawak na librong binabasa ko kanina to make her see. I know without elaborating, alam na niya ang ibig kong sabihin. She eyed the book in my hand at tumango.
I approached both of them at nagmano. Pagkatapos magpaalam sa kanilang dalawa na tutuloy na muna ako sa kuwarto at magbilin na pakitawag na lang ako kapag kakain na, I started for my room. I felt like I needed to sort out my thoughts.
When I reached my room, pabagsak akong nahiga sa kama. Stared at the ceiling and let my thoughts drift to nowhere. Eh sa talagang pasaway ata itong isipan ko, I found myself thinking about Troy. His catlike grace, unsmiling mouth, hooded gaze. Deym..as much as I wanted to stay away from those images, they kept coming back. Parang unlimited slideshow, pabalik-balik.
Aish. This is not good. Definitely not good. More importantly, what am I gonna do with this? Oh Lord, why me?
Napabangon ako sa pagkakahiga at tinampal ang sariling pisngi in an effort to shake off this developing madness. Wa epek. I grabbed my pillow and screamed my frustration on it.
"Aaaaaahhhhhh!!!!" Came my muffled scream. I know what you're thinking, Im losing my marbles. Well, it seems to me na ganun na nga. Nakakabuwang naman kasi talaga ng sitwasyon ko. Hindi ko alam ano ang gagawin.
The more I resist thinking about him, the sharper the images. Pati mga maliliit na bagay na patungkol sa kanya parang bigla akong naging aware. Gusto ko na sya! Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko that is not the case, I know sarili ko lang din ang ginogoyo ko. Nagdudumilat ang katotohanang I like him as a man. Shucks! Nakakahiya.
Dapat doble ingat na ako para walang kahit na sino ang makahalata. Or else, I will die of utter humiliation if this thing comes out. I don't know how my friends would react, pati si Kuya Bernard. I am not willing to find out.
"Drew, kakain na." Si Mama.
"Opo."
"Don't take too long."
"Opo."
I heard my mother walked away. I threw myself a last look in the mirror bago lumabas ng kuwarto at tinalunton ang daan papunta sa dining room. Ang hindi ko inaasahan ay ang presensya ng isang partikular na tao sa dining room.
Holy s**t. Si Troy! Why is he here? Akala ko ba umuwi na ito kanina after na maihatid ako? Bakit nandito ito ngayon? Ok, relax Drew. Huwag kang magpapalahata. Act normal.
Suddenly, my heart beat started to get erratic. How can I act normal kapag ganitong nagkakagulo sa loob ko?
He was talking to my brother kaya hindi niya ako nakitang dumating. Pasimple kong hinila ang upuan sa tabi ni Daddy. Pero malas nga siguro talaga ako, napasulyap siya sa akin. Nagdoble bigla pagririgodon ng dibdib ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Kain na." Untag ni Daddy nang mapansing nakatitig lang ako sa bandehado ng kanin na nasa lamesa.
"Yes Dad."
"Wala kang gana?" tanong ni Kuya.
"Medyo eh."
"Are you sick?" narinig kong tanong ni Troy.
Upon hearing his voice, I felt like my tongue is glued to the roof of my mouth. Wala akong tiwala sa boses ko kung posible bang makasagot ako ng maayos kaya umiling na lang ako.
"Your eyes are droopy. Magkakatrangkaso ka yata." Sinalat ni Daddy ang noo ko. "And you seem a little warm."
"Kumain ka na at magpahinga. Unahan mo na ng pahinga iyan at baka magkasakit ka ng tuluyan." Sabi ni Mommy.
As usual, tumango na lang ako to minimize me having to talk. Hindi ko pa rin tinatapunan ng tingin si Troy dahil nararamdaman kong nasa akin nakatutok ang mga mata nya. Even without looking, I could tell he was watching me. It was making me squirm inside but I restrained myself. Act normal nga di ba. Troy is one sharp knife in the drawer, hindi malayong may mapansin siyang kakaiba sa akin kapag kapag hindi ako nag-ingat. I wouldn't want that.
The conversation in the dining room resumed, minus my participation. Pinili ko na manahimik, not participating unless there is a need to. Manaka-naka ay nararamdaman ko pa rin ang mga sulyap ni Troy. I never did once looked in his direction kahit pa minsan ay may tinatanong si Kuya Bernard at kailangan kong sagutin. Mind you, they were sitting side by side. I was careful not to let my eyes wander, I took extra effort to focus on who's talking to me.
Thankfully, wala namang instance na kinausap ako ng direkta ni Troy. So I was able to eat paunti-unti. It was true na medyo wala akong gana, parang nangangapal ang dila ko and wala akong malasahan. Pero pinilit ko pa ring kumain, I don't want to get sick either. Kung tama si Dad sa observation niya kanina, then the more I need to take care of myself. Hassle magkasakit.
Because I was kind of picking on my food, mabagal ang progress ko. Nauna matapos kumain ang parents namin so the three of us wwre the ones left. Si Kuya at si Troy marahil sa sarap ng usapan nila medyo nadedelay ang pagkain, and me without much appetite.
Isa sa mga ulam namin na nakahain sa mesa ay steamed shrimps. As much as I love steamed shrimps, tamad naman akong magbalat. Kapag nagbabalat kasi ako mas marami ang nasasayang kesa nakakain ko. Suffice to say, hindi ako marunong. I envy those people who can do that effortlessly. Yung tipong walang karne ng hipon ang naiiwan sa balat? So there it was, the orange goodness sitting on a platter while me drooling.
Oh well.
"Bernard 'nak, phonecall. Claudia daw from school." Si Daddy.
"Claudia?"
"Yes. It's about a missing identification card?"
"I'll take that call Dad. Thanks."
Nooooo! I don't want to be alone with Troy. Don't leave Kuya please?
Gustong gusto kong sabihin iyon pero OA naman labas ko, isa pa makakahalata silang there's something going on with me.
No. Erase that. Act normal Drew. Isipin mo na lang wala kang kasama. Yes, ganun na lang.
"Why aren't you eating?" He asked me habang nagbabalat ng hipon.
"Ha?" there goes my illusion na ako lang mag-isa sa hapag-kainan. Psssshhh...can't he be silent? Internal war going on here.
"Gustong-gusto mo ang steamed shrimp di ba? Nakikipagsuntukan ka pa nga kay Conrad over this thing."
"Ahh.." Shet na malagkit. Work brain, work!
Napailing si Troy. Ang hindi ko napaghandaan ay yung paglagay niya ng kanina lang ay binabalatan niyang hipon sa plato ko. Whaaaa?! Napamulagat tuloy ako, staring at the shrimp like it has grown two heads when in fact wala na iyong ulo dahil tinanggal na rin niya. Deym. He even knows how I like my shrimp.
"Tsk. Ayaw mo na naman magbalat. Eat. I'll do the peeling."
"Huwag na. Kaya ko na." Bigla naman ako nahiya.
Hindi siya kumibo, all he did was look at me with those smoldering eyes na parang nagbabanta.
Pssshhh...ano ba nakain nito at ganun na lang umasta? May pabalat-balat pa ng hipon? Can't he just stop it? Mas lalo ko tuloy siya nagugustuhan. 'Nak ng tinapang buhay ito.
"I don't want to hear anything from you Andrea. Just do as I say. Eat."
Nalagay ulit siya ng dalawa pang nabalatang hipon sa plato ko. Ayaw ko nang makipagtalo, the faster I eat the faster I could get away from his presence. Which at this moment, is gustong gusto ko nang gawin.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas na kumain ng ganito kabilis. Ewan kung napansin niya, kung napansin man niya hindi ko nakitaan ng indication. Mabuti naman. I wouldn't know how to react otherwise.
"Done already?" Siya namang pagbabalik ni Kuya Bernard.
"Yep. Mauna na ako sa inyo."
"Hey, what's the rush?" takang tanong ng kapatid ko.
"Wala naman, just getting a tad tired. Goodnight 'Ya, Troy." Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin.
Tumango lang si Troy pero matamang nakatitig sa akin. It's like as if pilit niyang binabasa kung totoo nga ba ang sinasabi ko o nagdadahilan lang ako.
"Okay. Troy will be spending the night. We will be working on something school related."
"I see. Sige mauna na ko."
Hindi ko na hinintay ang sagot nilang dalawa, basta bumanat na ko ng alis. Para akong sinisilihan kapag kaharap si Troy. Wala naman siyang ginagawang kakaiba, ganun pa din naman siya gaya ng dati. Madalas suplado, minsan caring at thoughtful. I know those qualities tend to cancel out each other when it comes to Troy. But he's been that way as far as I can remember. So there's nothing new to that.
Ako ang nagbago, kaya ako ang hirap ngayon. Bakit ba kasi kailangan mangyari ito? Pwede namang sa ibang tao na lang, hindi kay Troy. What to do, what to do?
Nakatulog ako with those thoughts in mind. Sometime past midnight, naalimpungatan ako, nakaramdam ng panunubig kaya dumiretso sa banyo to relieve myself. After peeing, I decided to head to the kitchen para uminom ng tubig. I felt like my throat wass parched. Sinalat ko ang sarili kong leeg at kinapa ang noo. It's kinda warm. Nagkibit balikat lang ako, normal lang siguro iyon dahil kagigising ko lang.
Nakalimutan kong magdala ng isang baso ng tubig before I went to bed. Usually bago ako matulog sinisiguro kong may ready na tubig sa night stand dahil nakakatamad na bumangon at magpunta ng kusina.
Siguro dahil na rin sa kalat ang utak ko earlier this evening kaya nakaligtaan ko. Hindi ko na ini-on ang ilaw sa hallway sa labas ng kuwarto. Hindi naman masyadong madilim dahil bahagyang pumapasok ang liwanag ng ilaw sa labas. Sadyang nag-iiwan kami ng ilaw na bukas sa paligid ng bahay sa gabi. Isa pa, I know our house like the back of my hand. Paanong hindi eh dito ako lumaki. Duh.
I can find my way around even with eyes close, 'ika nga. Narating ko na ang kusina. I found the fridge, binuksan ko iyon at kinuha ang lalagyan ng tubig. Naghanap ako ng baso at sinalinan. Pagkatapos kong uminom ay hinugasan ko sa sink ang ginamit na baso at ibinalik sa lalagyan.
As I turn around para taluntunin ang daan pabalik sa kuwarto, bigla akong bumangga sa kung ano. Sisigaw na sana ako sa pagkabigla, ganun naman kabilis ang pagtakip ng isang kamay sa bibig ko.
"It's me," came a hushed whisper.
"Damn it Troy! You should have made a sound para alam kong hindi ako nag-iisa dito." I said through gritted teeth. Nainis ako sabay ng pagririgodon ng dibdib ko. Heto na naman po kami. He's too close. Damn close.
"Sorry." He didn't sound sorry if you ask me.
"Aish."
"Bakit gising ka pa?" tanong niya. ‘Yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko kanina ay nawala na, napansin kong nakatukod ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko. I’m trapped between him and the sink. Because he's tall, he's looking down at me while I crossed my arms over my chest and gave him a death glare. I hope.