Drew Sandaling hindi nakahuma si Troy sa naging pahayag ko. Nablangko yata siya. It was something unexpected that he doesn't know how to react. I think he wasn't ever prepared for it. "Huy," untag ko sa kanya. "Natulala ka na dyan. Ano? Say something." "Huh?" parang hilo pa ang naging reaction niya. "Ano'ng huh? Wala ka bang sasabihin? Ganun na lang yun, summarized sa isang huh?" "Ano nga ba ulit yung sinabi mo kanina? Hindi ko masyadong naintindihan pakiulit." "Sus. Nagbingi-bingihan ka kamo kaya hindi mo naintindihan. Pero sige uulitin ko. Ang sabi ko liligawan kita kaya huwag mo muna akong bastedin agad-agad. Malay mo main-love ka din sa akin along the way. Bigyan mo ako ng six months, more than enough na siguro iyon. Ano?" "Baliw ka ba? Ano na lang ang sasabihin ng Kuya mo pati