Drew Napatanga ako sa narinig. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi ni Troy. For a moment nakatayo lang ako doon, bumukas-sumara ang bibig at hindi malaman kung ano ang sasabihin. "Regrets? You? About what?" "A lot of things." Lumakad papunta sa direksyon ng recliner si Troy. Napasunod naman ako nang hindi ko namamalayan na para bang kusang gumalaw ang mga paa ko. He sat down, itinukod ang mga siko sa kanyang mga hita at pinagsalikop ang mga palad habang pinagmamasdan ako na nakatayo sa harapan. "Pinagsisisihan ko ang nangyari sa mismong veranda na ito." He frankly said. "What?" "You heard me. My regret was so great that it pains me to be in this place right after you left. So umiwas ako mapunta sa lugar na ito. It reminds me of you. Kung sabagay kahit saan naman ako mapunt