Troy Pakiramdam ko ipinagkanulo ako ng mga sariling kaibigan. Hindi ko sukat akalain na papayag ang mga iyon ng ganun-ganun lang. Lalung-lalo na si Bernard, wala ba itong concern sa kapatid? Ito ang inaasahan kong unang-unang magpoprotesta sa kabaliwan ni Drew but lo and behold! Ni hindi man lang ito natinag. I sighed in frustration. I turned the shower off and stepped-out of the bathroom. Tinungo ko ang closet at namili ng isusuot. Hindi na ako nagtagal kanina sa bahay nila Drew, pagkatapos ng agahan ng mga kaibigan ay isa-isa na kaming nagsiuwian sa kani-kanilang bahay. Inihatid pa kami ni Drew sa gate at pinabaunan ako ng nakakalokong ngiti. Mangani-nganing patulan ko siya at pilipitin ang leeg nito. Nagtimpi lang ako. Knowing Drew, mas lalo pa iyong magpupursige if she knew she's ge