Chapter 4

2110 Words
Teo’s P.O.V. Nagising ako sa tunog ng ring tone ng cellphone. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Nakatulog pala ako sa sofa. Agad akong tumayo upang puntahan si Vampire girl. Pagpunta ko sa kuwarto ko malinis na ang kama ko. Kinapa ko pa ang hinigaan niya tapos namalayan ko na lang na nakangiti ako. “That crazy girl, ginawa pa niya akong nurse.” Lumabas ako ng kuwarto upang magluto ng pagkain. Mag-isa lang ako sa malaking condo unit na ito. May mansion kami ngunit hindi ako doon umuuwi. Wala naman kasi palagi ang mga magulang ko. Madalas katulong ang lagi kong kasama at pumupunta lang ako doon kapag dumarating sila Mommy at Daddy. Habang nagluluto ako ng pagkain. Narinig ko ang tunog ng doorbell kaya pinatay ko ang gastove. Pinuntahan ko ang tao labas at binuksan ko pinto. “Good After—” Nakatulala sa ‘kin si Alfred. Kasama niya ang tatlong magkakapatid na Perez. Si Liam, Xenon at Luffy. Sila ang matalik kong mga kaibigan. Humalakhak sila na lalong kinainis ko. “What’s funny?” Siniko ni Xenon si Alfred tapos sumenyas siya. Tapos pigil na pigil ang tawa nila. “Wala naman! May naiisip lang kaming nakakatawa. Ito kasing si Alfred may pinanood kaming comedy,” sagot sa akin ni Xenon. “Psh! Gunggong! Pumasok na kayo.” Tapos tinalikuran ko sila. Sanay na akong palagi silang nandito sa condo ko. Madalas silang tumatambay dito lalo na kung tinatamad kaming gumimik. Gangster kami umiinom, nagyoyosi, pero never naming sinubukan tumikim ng ipinagbabawal na gamot. “Akala namin iinom tayo kagabi? Bakit bigla kang hindi sumipot?” sabi ni Alfred. Saglit akong natigilan. “Nawalan ako ng gana kaya umuwi na lang ako.” Binuksan pa ni Alfred ang smart telebisyon ko. “Sigurado ka ba diyan?” “Oo!” Nagtungo ako sa kusina upang paghanda sila ng meryenda at para matigil na rin ang kakatanong nila sa ‘kin. Ayokong malaman nilang may iba akong ginawa kagabi, siguradong hindi nila ako titigilan asarin. Inilapag ko ang tinapay at palaman sa table na nasa harapan nila. Nagdala din ako ng softdrinks. “Ano ‘yan?” tanong ni Luffy sa ‘kin. “Pagkain mukha bang gadgets ‘yan?” “Alam ko, puro ganyan lang ang pinapakain mo sa ‘min. Mapupurga na kami sa tinapay,” reklamo ni Luffy. Isa-isa kong inihagis sa kanila ang coke in can. “‘Wag kang magreklamo nagluluto pa lang ako. Kung gusto niyo um-order na lang kayo ng pagkain.” “Liam um-order ka na,” sabi ni Luffy. “Teka! Bakit ako na naman, Kuya Luffy, ikaw itong nagrereklamo.” “Um-order ka na ikaw ang pinakabata.” “Liam! ‘wag mong sundin si Luffy,” wika ni Xenon. Nakangising tumingin si Liam kay Luffy. “Alam mo na Kuya Luffy.” Sabay tawa niya. “Teo, sinong babae ang kasama mo kagabi?” tanong sa akin ni Alfred. Saglit akong napaisip. Sinundan kaya nila ako kagabi? “Wala akong babaeng kasama kagabi,” alibi ko. Nagkatinginan silang apat tapos pilyong ngumiti sa akin. “Okay!” Ilang segundo akong nakatingin sa kanila. Para kasing may mali, parang may kakaiba sa kilos nila? Noon kapag tungkol sa babae ang topic namin. Pinipilitin nila akong paamin kahit na nga wala naman akong aaminin sa kanila pero ngayon ang weird nila. “Teo, pakita mo naman sa ‘kin ang binigay sa ‘yo ng Daddy mo na bagong baril,” wika ni Xenon. “Sige, kukunin ko lang sa aparador.” Pagtalikod ko humalakhak sila. Damn! Talagang may kalokohan silang ginawa. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at mula sa loob ng aparador ay kinuha ko ang baril na niregalo ko sa ‘kin ni Dad. Pagsarado ko ng pinto ay nahagip ng mata ko na parang may dumi sa mukha ko. Lumapit ako sa salamin at unti-unti kong napansin kung ano ang nasa pisngi ko. “F*ck!” napamura ako sa inis. Narinig ko ang malakas na tawanan ng kupal kong mga kaibigan. Parang gusto ko silang sugurin at pagsusuntukin sa badtrip lalo nang makita ko silang mamatay sa kakatawa sa ‘kin. “Teo, nakailang round kayo kagabi?” pigil pa ang pagtawa ni Alfred nang tanungin ako. Mabilis kong pinunasan ang bakat ng lipstick sa pisngi ko gamit ang kamay ko. “Wala ako sa mood Alfred, baka hindi ako makapagpigil masuntok kita!” “Just tell us who’s the lucky girl?” nakangisi pa ito. Matalim kong tinitigan si Alfred. “Don’t talk to me!” Humalakhak sila. Napabuntong-hininga na lang ako sa inis. Kahit anong gawin kong pagbabanta sa mga tukmol na ito. Hindi pa rin sila matatakot sa ‘kin. Dahil alam nilang hindi ko naman iyon gagawin sa kanila kaya naman binabadtrip nila ako. Bakit niya pa kasi ako nilagyan ng bakat ng lipstick sa pisngi? Nakakainis! Humanda talaga sa ‘kin ang babaing iyon kapag nagkita kami. “Bakit kasi ayaw mong sabihin sa ‘min kung sino ang kasama mo kagabi? Iniwan mo talaga ang kotse mo sa car park ng isang bar na kaibigan mo parang lang balikan si Miss. Beautiful,” sabad ni Alfred “Tsismosa talaga itong si Alfred.” Lumapit ako sa kaniya at matalim kong tinitigan. “Isa pa, Alfred! Hindi na ako natutuwa sa iyo!” Magsasalita pa sana si Alfred nang marinig namin ang tunog ng doorbell sa labas. Sabay pa kaming napalingon. “May bisita ka bang darating ngayon Teo?” tanong sa akin ni Luffy. Umiling ako. “Wala naman.” May pilyong ngiti sila nang magtama ang paningin nila, pagkatapos nag-uunahan sila pupunta sa labas. “s**t!” “Hello! Miss. Beautiful!” sabi ng tatlo. Sinadya talaga nila akong harangan upang hindi ko makita ang sinasabi nila. May kutob kasi akong si Vampire girl ang nasa labas. “Excuse me, padaanin niyo nga ako!” Tinulak ko sila upang makita ko ang nasa labas. Nadismaya ako nang makita ko si Frits na halos hindi maipinta ang mukha, si Frits ay boyfriend ng kaibigan kong si Allyson, ang babaeng nagligtas sa akin noong kinuyog ako ng mga kalaban namin. “Mga gago talaga ang mga iyon!” matalim ko pa silag tinitigan nang lumingon ako sa kanila. “They called me beautiful. Your friends are pathetic. You don’t see women?” tanong ni Frits.s “Frits, what are you doing here?” tanong ko. “I’ll just give you an invitation to Allyson’s debut.” “Huh? Bakit ikaw ang nagbibigay sa ‘kin dapat si Ally.” “Secret lang ito hindi niya alam ang gagawin naming debut party para sa kanya, kaya kung talagang mahal mo siya bilang kaibigan ililihim mo ito sa kaniya.” Tinanggap ko ang invitation card na iyon. May special debut birthday na pala siya, ngayon pa lang sana ako mag-iisip ng maganda surprise party para kay Ally, kaya lang naunahan ako nila Frits. “Sige, makakaasa kang pupunta ako sa araw ng debut niya.” “Thank you.” Sabay alis niya. Pagkaalis ni Frits agad kong kinompronta sila Alfred. “Mga tukmol kayo, lumayas na nga kayo sa condo ko!” Wala silang tigil sa kakatawa. Ako na naman ang napagtripan. Ang sarap nilang bugbugin. “Madaling-madali ka akala mo ang babaeng humalik na sa ‘yo ang nasa pinto.” Sabay tawa nila. “Mga gago! Ayoko lang pati siya pagtripan niyo.” “Ano bang pangalan ng babaeng iyon?” tanong ni Xenon. Saglit akong napaisip. Nakalimutan ko kasi ang pangalan niya pero alam ko kung saan siya matatagpuan. “Bar tayo Teo mamaya,” wika ni Xenon. “Ayoko! Gusto kong matulog ng maaga.” “Okay! Kami na lang nila Alfred.” “Pass muna ako Dude. Kailangan kong magre-charge ng energy “Sa bahay na lang tayo kuya mag-inom tawagan natin si Luke,” wika ni Liam. “Huwag na lang tayong uminom kung kasama si Luke,” sagot ni Xenon. PASADO ALA-SAIS ng hapon nang umalis ang mga kaibigan ko kaya malaya kong magagawa ang plano ko. Pupunta akong mag-isa sa bar. Pupuntahan ko si Vampire girl. “Psstt!” tawag ko sa waiter. Lumapit siya sa akin. “Sir, ako ba ang tinatawag niyo?” sagot ng bartender. “Oo, ikaw! May itatanong ako sa iyo.” Nang matapos kong maubos ang isang bote ng beer ay naisipan kong magtanong na sa waiter. Kanina pa kasi ako nag-aabang kay Vampire girl pero kahit anino niya hindi ko makita. “Ano po iyon, sir?” “Nasaan ang Boss niyo? yung magandang babae.” “Si Ma’am. Yurielainne po ba?” “Oo, nasaan ba siya?” “Wala po siya ngayon.” “Pupunta ba siya rito?” “Hindi ko po alam, bigla-bigla lang naman po iyon sumusulpot dito kapag gusto niyang pumunta.” “I see... well, thank you!” pagkatapos umalis na ako. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi ko alam sa sarili ko pero gusto ko siyang makita ulit. Paglabas ko ng bar napasulyap ako sa isang malaking puno na malapit sa parking lot ng bar. Nakita ko na may kalalakihang pumunta roon. Na curious akong sundan sila. “Bitiwan niyo ako! Sakloloo!” narinig kong sigaw ng babae. Binilisan ko ang hakbang ko upang mabilis na makalapit sa babae. Habang papalapit ako ay nakilala ko ang babaing sumisigaw. Gayon na lang ang galit ko nang makita ko na si Vampire girl. Hawak-hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay niya habang ang isang lalaki kinakalkal ang dala niyang bag. “Pare ang daming pera tiba-tiba tayo.” “Tiba-tiba rin tayo sa babaeng ito. Mayaman na maganda pa.” Ngumisi pa ang mga ito. “Bitawan niyo siya!” “Vampire love!” sambit ni Yurie “Abah! May istorbo pare, ‘wag na nating pahabain ang buhay niya makikihati pa ‘yan sa ‘tin” Sumugod sa ‘kin ang isang lalaking may hawak ng bag. May hawak ito na patalim kaya naman ang lakas ng loob na ambahan ako ng saksak. Binunot ko ang hawak kong baril at pinaputukan ko sa lalaking may hawak ng bag. Mabilis itong bumagsak sa semento. Bigla namang inalis ng dalawang lalaki ang pagkakahawak sa kamay ng Vampire girl ko at mabilis na tumakbo. Binaril ko sila habang papalayo at tinamaan sila sa hita. Lumapit ako kay Vampire girl na namumutla sa takot. “Are you okay?” Umiling siya habang umaagos ang mga luha sa pisngi. Niyakap ko siya ng mahigpit upang mawala ang takot niya. “s**t! Pagbabayaran nila ang ginawa nila!” “Don’t worry Vampire girl, nandito ang boyfriend mo,” sabi ko. Ayoko sanang sabihin ang salitang iyon sa kaniya dahil baka umasa siya sa ‘kin. “Thank you, Vampire love.” “Gabi na bakit nasa labas ka pa?” Tumingala siya sa ‘kin. “Tumakas ako kay Daddy. Nag-commute ako para pumunta rito kasi alam kong nandito ka.” Bumuntong-hininga ako. “Mapapahamak ka pa ng dahil sa ‘kin ‘wag mo ng uulitin ito.” “Pero— “Pupuntahan na lang kita sa inyo kapag gusto mo akong makita.” Ngumiti siya sa ‘kin. “Talaga!” “Iuuwi na kita sa inyo.” “Ayoko pang umuwi gusto pa kitang makasama.” “Hindi puwede.” “Pero gusto pa kitang makasama.” “Doon na lang tayo sa bahay niyo tumambay.” “Really? Gusto ko ‘yan.” Hinila niya ang kamay ko papunta sa parking area. “Nakita mo ba ang kissmark ko sa pisngi mo?” sabi niya habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay nila. Umiling ako. “Hindi eh, saan mo ako nilagyan ng kissmark? Ganyan ba talaga kayong mga babae?” “Hindi naman lahat. Isa pa, kaya ko lang naman iyon ginawa kasi boyfriend kita at dahil boyfriend kita may karapatan akong halikan ka.” Ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta bigla-bigla na lang siyang bumibilis ang t***k. “Sige na nga pumapayag na akong maging boyfriend mo,” sabi ko habang nakatuon ang mga mata ko sa daan dahil nagda-drive ako ng kotse. Hinihintay ko siyang sumagot, ngunit wala akong narinig mula sa kaniya. Nang lingunin ko siya nakita kong tulog na ito. Saglit kong inihinto ang kotse ko at inayos ko ang pagkakaupo niya upang makatulog siya ng mahimbig. Ilang segundo ko rin siyang pinagmasdan. Pagkatapos natukso akong dampian ng halik ang sintido niya bago ko muling pinaharurut ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD