Chapter 5

2560 Words
Yurielainne’s P.O.V “Haist! bakit gano’n ang daya naman nila sir. Bakit kailangang ibang students ang gagawing partner sa Valentine’s ball. Ang hirap kaya maghanap ng partner,” maktol ng isa sa mga kaklase ko, matapos i-announce ng professor ang magiging plan this coming Feb 14. Nakaupo ako habang pinapaikot ko ang hawak kong ballpen at ang mga mata ko ay nakatuon sa blankong kuwaderno. Iniisip ko kasi kung anong isusulat ko. Ano kaya mag-flames kaya ako? Titingnan ko kung bagay kami ni Vampire love. “Hoy! Yurielainne!” “Ano ba iyon Menchie?” sagot ko. Hindi ko man lang siya sinulyapan. “Ano bang pinagkakaabalahan mo?” Sinilip pa niya ang tinitingnan ko tapos tumaas ang kilay niya sa ‘kin. “Sa tingin mo may lalabas na genie diyan sa kuwaderno mo?” Tinapunan ko siya ng tingin. “Bakit genie ang lalabas? Wala naman akong hihilingin sa kaniya if ever.” “Really? Eh, paano yung about sa partner mo? May naisip ka na bang papayag na maging partner mo na taga ibang school? Two days na lang feb 14, na.” Ngumiti ako sa kaniya. “Meron siyempre.” “Oo, nga pala nandiyan ang mga pinsan mo, pa arkila naman ng isa.” “Libre na basta pumayag sila.” “Mabuti ka pa may isasama na, ako wala kahit isa. Sabihin mo may alam ka bang online sale na lalaking puwedeng maging partner sa Valentine’s ball natin? Gusto ko taga Saint Palace International Academy.” Parang nagkahugis puso tuloy ang mga mata niya ng banggitin niya ang school na ‘yon. Bigla kong naisip na si Teo na lang ang maging partner ko. “Bakit nakangiti ka diyan, Yurie? Kinikilig ka rin kapag ini-isip mo ang taga SPIA noh!” “May naisip na akong magiging partner ko.” “Alam ko meron ka na apat ang pinsan mong lalaki.” “Hindi sila taga SPIA.” “Sino naman ang lalaking hihilahin mo?” “Siyempre ang boyfriend ko.” “Ayos ka lang? Baka nahihibang ka na.” “May boyfriend na nga ako.” “Sige, may boyfriend ka na bess, ‘wag lang masira ang imahinasyon mo.” Tinaasan ko ng kilay ng kaibigan ko.”Hindi ako nagbibiro.” “Hindi ka nga nagbibiro, nababaliw ka na.” “Si Teo Lugen ang magiging partner ko this coming Valentines.” Ilang segundo niya akong tiningnan tapos inilahad niya ang daliri niya sa akin. “Ano ‘yan?” tanong ko. “Pumili ka sa mga daliri ko bilis!” “Para saan?” “Yung pipiliin mong daliri ikikiliti ko sa kilikili ko para matawa ako sa joke mo na hindi bumenta. Pili na dali!” “Bakit ba ayaw mong maniwala?” “Nakakatawa ang joke! Sakit ng tiyan ko nakakatawa.” Humalahak pa ito. “Ewan ko sa ‘yo!” inis kong sagot. “Paano ba naman kasi mangangarap ka rin naman yung makatotohanan naman. Biruin mo si Teo Lugen, lider ng gangster ng SPIA, cold, handsome, tall and chinito with yummy and hot body. Magiging boyfriend mo? Asa ka bess! Walang strangers na babae ang nagtangkang kumausap kay Teo, kahit ang mga makakapal at malalandi na babae sa school natin takot sa kanya.” “Gano’n pala ang tingin niyo kay Vampire love “Sino namang Vampire love?” “Si Teo Lugen.” “Baliw ka na! Ipapaputol ko ang mga daliri ko kapag sumipot ang sinasabi mo na makaka-partner mo na si Teo Lugen.” “‘Wag ayokong maputol ang daliri mo.” “Gaga! Gagawin ko iyon dahil alam ko namang hindi iyon mangyayari.” Napabungtong-hininga na lang ako. Bakit ba ayaw nilang maniwala na boyfriend ko na si Teo Lugen. “Tara na nga Yurie! Break time na kumain na tayo ng makaroon ka ng matinong pag-iisip.” Tumayo ito at binitbit ang bag niya. Sumunod naman ako sa kaniya. Sa school na ito si Menchie lang ang naging ka-close ko. Siya kasi ang tipo ng kaibigan na hindi ka maboboring ang sarap kasi niyang kasama laging may baong nakakatawa. Minsan nga kahit ang gesture niya natatawa na ako. Punong-puno ang loob ng cafeteria ng pumasok kami ni Mechie. Halos wala ng bakanteng table na puwede naming gamitin. “Yurie, doon na lang tayo sa mga iyon.” Turo niya sa apat na babae na nakaupo sa animan na table. Tumango ako at sumunod kay Mechie. “Puwedeng maki-share ng table?” sabi ni Menchie. Inangat ng isang babae ang kanang kilay niya. Habang ang tatlo niyang kasama ay matalim din ang tingin sa min. “Hindi niyo ba nakikita may nakaupo na.” “May bakanteng table pa naman pa-share naman kami wala ng ibang bakanteng table,” sagot ni Menchie. Ibinaling ng babae ang tingin sa mga kaibigan nitong nasa harapan niya. “Mga bess, may bakante pa ba?” “Wala na ngayon!” Inilagay nila ang mga bag nila sa bakanteng upuan tapos humarap sa amin at nag-uuyam na ngumiti. “Wala ng bakanteng table, tsupi!” Sabay halakhak nila. Nagkatinginan kaming dalawa ni Menchie. Nakakainis talaga ang may ganyang attitude parang hindi nag-aaral. Umiling kaming dalawa ni Mechie tapos tumalikod kaming dalawa. Hindi na namin pinatulan ang mga iyon dahil wala namang mangyayaring maganda kung papatulan namin sila. Ngunit bigla nila kaming pinatid dalawa ni Menchie dahilan para sumubsob ang mukha namin sa semento. Halos mabingi kami sa halakhakan ng mga estudyante sa loob na cafeteria. “Gustong lumangoy wala namang tubig.” Humalakhak pa sila. Inis na inis akong tumayo at walang sabi-sabi kong hinila ang buhok ng babaing namatid sa amin. “Walanghiya ka! Akala mo hindi kita papatulan! Letche ka!” Pinagsasampal ko pa siya sa galit ko. Isinubsob ko ang mukha niya sa pagkain niya. Walang nakialam sa ‘min dahil binabantayan ako ni Mechie, mainit na kasi ang ulo niya at handa na siyang makipag-away. Mabait kami ‘wag lang kaming uumpisahan dahil maghahalo ang balat sa tinalupan. “Tama na, please!” Hindi ko siya pinakinggan gigil na gigil ko siyang pinagsasabunutan kulang na nga lang makalbo ko na siya. “Stop it!” Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin palayo sa babaing ‘yon. “Stop it! Yurielainne!” “Kuya Ad! ‘wag kang makialam dito!” sigaw ko. “Stop it! ‘wag kang gumawa ng gulo!” Nakita kong umiiyak ang babae habang nakayakap sa mga kaibigan niya. “Try me again, stupid!” Paghahamon ko pa sa kaniya. “Sinabing tama na!” Nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ni kuya Ad palayo sa cafeteria. “Bakit ka ba nandito?!” Humahaba pa ang nguso ko habang nasa loob ako ng kotse niya. Binitbit niya ako patungo sa kotse niya. “‘Wag mo akong sagutin ng isang tanong.” Salubong pa ang kilay niyang sabi sa ‘kin. “Nanahimik kami ni Menchie. Nakiki-usap kaming kung puwedeng maki-share ng table kasi puno na. Hindi sila pumayag tapos inilagay pa nila ang mga gamit nila sa bakanteng table at upuan para hindi kami maka-upo. Okay na sana hinayaan na namin sila. Hindi na namin pinatulan. Kaya lang Kuya Ad, pinatid nila kami at sumubsob kami sa semento. Pinagtawanan kami kaya nagalit ako.” “‘Wag mo na ulit iyon, Yurie.” Umingos ako. “Basta kapag sinaktan nila ako sasaktan ko rin sila.” Bumuntong-hininga si Kuya Ad. “Umuwi na nga lang tayo.” “Teka lang Kuya Ad, may kailangan pala akong tapusing project.” “Bukas mo na tapusin sabi ng Daddy mo iuwi na kita.” Bumaba ako ng kotse. “Pakisabi kay Daddy tatawag ako mamaya kapag tapos na ang project ko. Bye! Kuya Ad!” Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil tumakbo na ako pabalik ng school. Hihintayin ko lang na makauwi si Kuya Ad tapos pupunta ako sa condo unit ng Vampire love ko. Kilala ko si Kuya Ad susundan niya ako hanggang sa loob ng school. Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang maglabas pasok sa school namin. Tumakbo ako patungong library at kumuha ng mga libro at nagkunwaring busy sa pag-aaral. Ilang saglit pa napansin ko na siya. Sa gilid ng mga mata ko nakikita ko siyang nakatayo at pinapanood ako. Ilang minuto rin yon tapos umalis na siya. Nagmadali akong tumakbo sa comfort room at nagre-touch ng sarili bago ako nag-abang ng taxi upang pumunta sa condo unit ni Teo. HALOS mapudpod na yata ang daliri ko kakapindot ng doorbell niya gusto ko na sanang sirain ang doorbell niya dahil humigit kalahating oras na akong nakatayo sa may pintuan niya. “Tulog yata.” Ang sabi kasi ng guard nandito si Teo. “Huli na ito kapag hindi pa niya binuksan sisirain ko na talaga ito.” Pipindutin ko sana ang doorbell nang bigla itong nagbukas. “Anong kailangan mo?” tanong niya sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Gulo-gulo ang buhok niya. Habang halatang kagigising lang. Halos malaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko dahil wala siyang suot na pang-itaas. Shit! Yung bato-bato niyang katawan na parang ang sarap bumagsak doon. Para namang sinisilaban ang mukha ko ng mapadako ang tingin ko sa ibabang bahagi ng katawan niya. Naka-boxer short lang siya at kita ang maumbok sa pagitan ng hita niya. Ito na yata ang sinasabi ni Menchie. Yummylicious na gusto mong gawing unlimited. Napalunok ako. s**t! Daks. Napahalukipkip siya at ngumisi sa ‘kin. “Are you done checking me? Pumasa ba ako?” Bigla naman akong napahiya sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin pinagpawisan tuloy ako ng malamig. “The greek God Apollo.” “V-Vampire love, kumusta?” Pag-iiba ako ng topic. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. “Come in.” Sumunod ako sa kaniya umupo ako sa malambot na sofa niya habang si Teo nagtungo sa kuwarto niya. Nang lumabas siya ay nakasuot na siya ng t-shirt at maong na shorts. “Anong kailangan mo?” “Ikaw ang kailangan ko.” Nagkipagtitigan ako sa kaniya, para namang gusto kong magpa-party nang ngumiti siya sa ‘kin nadagdagan tuloy ang pagiging guwapo niya. “Me too, I need you.” Is this true? He needs me! “Let’s go!” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin. Parang sasabog ang nararamdaman kong kalabog ng dibdib ko. “Y-You know what, Vampire girl? I like you.” I can’t breathe! OMG I’m gonna die now! “So, are you ready, Honey?” he whispered. Pakiramdam ko nasa ilalim ako ng spell niya na kahit anong sabihin niya papayag ako. I can’t imagine na ilang weeks ko pa lang siyang boyfriend. Yayain na niya ako sa ikapitong langit. Ayokong gawin dahil siguradong magagalit ang parents ko. Ang pangako ko pa naman sa kanila magtatapos ako ng pag-aaral bago mag-asawa. Hindi ko na yata magagawa kasi si Vampire love gustong maglakbay kami papuntang ikapitong langit. “Yes.” Parang mabibingi ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko nang pumasok kami sa kuwarto niya. “Sit down.” Umupo ako sa malambot niyang kama. Nanlalambot na ako hindi ko alam kung paano kikilos ng tama. Nanlalamig din ang katawan ko. Bahala na si Greek Goddess Venus, first time ko ito. “Pinaghintay ba kita ng matagal?” “H-Hindi naman.” “Let’s go lumabas na tayo?” Salubong ang kilay kong tumingin sa kanya. “Saan tayo pupunta? Akala ko— “Kinuha ko lang ito.” Itinaas niya ang kulay pulang apron. “Kakailanganin natin ito.” Gulong-gulo ang isip kong nagpatianod sa kaniya. “Isuot mo ‘yan Vampire girl, ‘di ba sabi ko sa’yo I need you? Tulungan mo akong magluto ng dinner natin.” “Dinner? It means tutulungan kitang magluto?” Titigan niya ako habang nakakunot ang noo niya. “Yes, Ano ba ang iniisip mo?” “Ha? Wala naman!” Nagulat lang ako kasi akala ko paglulutuin mo akong mag-isa. Hindi pa naman ako marunong magluto,” alibi ko. Gusto kong sampalin ang pisngi ko sa pagiging green minded ko. Kung ano-ano kasi ang iniisip ko. “Of course not! Baka malason pa ako sa lulutuin mo.” Inirapan ko siya. “Yabang mo!” “Tulungan mo na lang ako,” sagot niya sa ‘kin. Kung puwede lang itarak sa puso niya ang hawak kong kutsilyo ay ginawa ko na. Wala man lang sweetness sa katawan. Gigil na gigil akong hiniwa-hiwa ko ang patatas sabi niya kasi magluluto siya ng menudo. Ang bilis-bilis kong maghiwa ng patatas kaya nadaplisan ang daliri ko. “Ouch!” “Anong nangyari?” Lumapit siya sa akin. “s**t! Dumudugo ang kamay mo.” Hinawakan niya ito at dinala ako sa lababo at hinugasan ang sugat ko. Pagkatapos pumunta kami sa sala at doon niya ginamot ang sugat ko. “Hindi kasi nag-iingat. Ako na lang ang magluluto tatawagin na lang kita kapag luto na.” “I’m sorry! Hindi kita matulungan.’’ Ngumiti siya sa ‘kin. “It’s okay.” Tumayo siya at muling nagtungo sa kusina. Wala akong nagawa kung hindi ang maghintay na matapos maluto si Teo. Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Hindi sana mangyayari iyon kung hindi ako nag-isip ng kung ano-ano. Kalahating oras na siguro ang lumipas ng tawagin niya ako para kumain. “Vampire love, sanay ka ba talagang ikaw ang nagluluto ng pagkain mo? Ang sarap kasi ng niluto mo.” Tumingin siya sa akin. “Mas gusto kong magluto kaysa bumili ng pagkain sa labas.” “Salamat sa masarap na pagkain.” “Bilisan mo at ihahatid na kita pauwi.” Naisip kong ngayon ko na sabihin sa kanya ang sinadya ko rito. “Vampire love, can I make a request?” “Psh! Mr. Dj.” “I’m serious.” “Fine! What?” “Can you be my Valentino?” Bigla itong nasamid at umubo dahil sa sinabi ko. Binigyan ko naman agad siya tubig. “I don’t believe in Valentine.” “Please! Kailangan kong magkaroon ng partner sa february 14, may Valentine’s ball kami at student’s ng ibang school ang puwede naming gawing partner kaya ikaw agad ang naisip ko.” Kumunot ang noo niya. “Hindi ako interesado.” Para namang gustong bumagsak ng mga luha ko. Oo, nga pala si Teo Lugen pala ang kaharap ko, sa love nga hindi siya naniniwala sa Valentine’s day pa kaya. “Yes, baliw na siguro ako kaya hindi ako maghahanap ng ibang partner. Hihintayin kita kahit magmukha akong tanga at baliw.” Tumayo ako at lumabas ng condo niya. Nasa labas na ako ng condo niya nang bigla niya akong hilahin. “Alam kong galit ka sa ‘kin pero hindi kita hahayaang mag-taxi ng ganitong oras. Ihahatid kita sa ayaw at gusto mo.” Yumuko ako. “Okay.” Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami ng mansion namin. Pagbaba ko ng kotse nakita ko na agad si Daddy na naghihintay sa ‘kin. Bago ako tuluyang pumasok ng mansion nilingon ko si Teo. “Maghihintay ako sa ‘yo sa february 14, hindi ako maghahanap ng iba.” Sabay talikod ko sa kaniya at pumasok ako sa loob ng mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD