Chapter 3

2423 Words
Yurielainne’s P.O.V. “Good morning, Daddy!” Sabay halik ko sa kanya, pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. Maganda ang gising ko ngayon dahil sa nangyari kagabi. “Good morning, how’s your sleep?” Ngumiti pa ako. “So good.” “Anong kinain mo Yurielainne at parang maganda ang mood mo ngayon? Himala ngayon ka lang gumising ng maaga,” sabad ni Mommy. “Nalaman ko kasi Mommy na masarap pa lang gumising ng maaga. Maraming blessing ang dumarating,” sagot ko. “Sweetheart, anong binigay mo na naman diyan sa anak mo? Masyado mo siyang in-spoiled.” “Sweetheart, wala akong binigay diyan sa anak mo.” “I don’t believe you. May nililihim kayo sa aking dalawa.” Nagkatinginan kami ni Daddy tapos sabay kaming tumawa. Gustong-gusto talaga naming napipikon si Mommy kasi talagang nawawala ang pagkabadinosa niya. Nag-high speech siya at kulang na lang makabuo siya ng isang libro kapag nagsesermon. “Yurielainne, mag-uusap tayo mamaya pagkatapos mong kumain.” Nakasimangot pa si Mommy sa akin. “Sweetheart, may lakad tayo ngayon at kailangan nating magmadali.” Nasapo niya ang noo niya at pagkatapos ay uminom lang ito juice at tumayo. “Magbibihis lang ako,” aniya Pangiti-ngiti lang kami ni Daddy. Masyado kasing maalaga si Mommy sa katawan. Ang greatest fear niya ay ang pumangit. Kaya sa itsura niya kanina na parang magni-ninang sa kasal hindi pa gano’n ang porma niya kapag aalis. “Gayahin mo ang Mommy mo maalaga sa katawan,” sabi ni Daddy. Humahaba ang nguso ko habang iniisip kong magiging gano’n ako kay Mommy. Piniling ko ang ulo ko. “Ayoko maging katulad ni Mommy, parang feeling ko ang bigat ng mukha ko kapag may kolorete sa katawan.” “Pero ginawa mo kagabi? Naglagay ka ng makeup. Hindi nga kita masyadong nakilala sa itsura mo kagabi, anak.” “Ginawa ko lang iyon para mapansin ako ng Vampire love ko.” Kinilig tuloy ako ng maalala ko ang mukha ni Teo. “Baby, I’ll support you diyan sa Vampire love mo, but always remember love yourself first.” Seryosong sabi sa ‘kin ni Daddy. Ngumiti ako. “Of course, Dad.” Tumango siya. “Good.” Tapos nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal. Hinintay kong makaalis sila Mommy at Daddy sa mansion, pagkatapos ay nagmamadali akong sumakay ng kotse. Pupuntahan ko ang Vampire love na boyfriend ko na ngayon. “‘Wag po maawa ka sa ‘kin.” Nakaluhod pa ang estudyante sa harapan ni Teo. Kasama ni Teo ang mga kaibigan niya at may mga hawak silang baseball bat. Nakapatakip ako sa bibig nang makita ko ang nakaka-awang itsura ng lalaking nakaluhod sa harap ni Teo. Namamaga ang mukha at dumudugo riin ito. Sila ba gumawa niyan? Kawawa naman ang lalaki. “Teo, anong parusa ang gagawin natin sa kanila?” wika ni Alfred. Saka ko lang napansin na marami pa lang nakalupagi sa kalsada. Hindi ko alam ang pakiramdam kong ito, pero humahanga ako sa kanila. Apat lang sila ngunit nagawa nilang pabagsakin ang higit labing limang katao. Itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa mukha ng lalaki. Tapos umiling. “Boring, umalis na lang tayo at mag-inom.” Sabay pihit niya patalikod. Sumunod na naman ang tatlo sa kaniya at iniwanan ang mga nakahandusay na mga kalalakihan sa kalsada. Nang sumakay siya ng kotse ay sinundan ko ang sinasakyan nila. Sa una banayad ang takbo ng kotse nila hanggang sa napansin ko ang mabilis nilang takbo. “Gusto mo ng karera.” Mabilis kong pinaharurut ang kotse ko hanggang sa maabutan ko sila. Huminto siya sa isang lumang gusali at pumasok siya doon. Hininto ko ang kotse at sumunod ako sa loob. “Nasaan na kayo iyon?” Palingon-lingo pa ako. Kanina ay natatanaw ko pa si Teo, pero ngayon bigla na lang nawala sa paningin ko. Nasaan si Vampire love? Nagulat na lang ako mula sa likuran ko may tumutok na patalim sa leeg ko. “Who the f*ckin jerk are you?” Halos kilabutan ako sa pagdampi ng hininga niya sa leeg ko. Imbes na matakot ako kinilig ako. “I’m your girlfriend.” Bigla siyang kumalas at humarap sa ‘kin. Salubong ang kilay niya nang titigan niya ako, samantalang ako ay ngumiti sa kanya “Hi! Boyfriend.” “Don’t call me your boyfriend!” “But, you’re my boyfriend. Nakalimutan mo na ba last night?” Humalakhak siya sa ‘kin. “F*ckin crazy! Just leave.” Pumihit pa ito patalikod at nakapamulsa sa pantalon niya habang naglalakad palabas. Sinundan ko siya. “I’m crazy because of you, Honey.” “Stop talking!” “I love you, Honey,” “Love is like hell!” “Mahalin mo ako para makita mo ang langit.” Humarap pa siya sa ‘kin. “Jerk! Do you know who I am?” “Yes!” “I’m the Gangster Leader of Saint Palace International Academy.” “So what?” “Marami na akong pinatay,” seryoso niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Ako, marami akong pinatay na ipis at lamok so compatible tayo pareho tayong pumapatay.” “Fuckin Jerk! I’m not kidding” “Me too, I’m serious.” Nilamukos niya ang mukha niya sa sobrang pagkapikon. “Look stupid f*ckin j*rk! I don’t believe in love so go away and eat your f*ckin ten thousand money.” Ganito ba talaga kabastos ang lumalabas sa bibig ng mga barumbado? Ang sarap sapakin ang bibig ng matigil kakamura. Kung ito ang paraan niya para masindak ako. Asa siyang masisindak ako. Lumapit ako sa kaniya na halos tatlong dangkal ang layo namin. Nginitian ko siya. “I love you, hindi ako aalis dito kasi I love you.” “F*ck you!” sigaw niya sa akin. “I love you, too.” “I’ll kill you here!” “Then kill me now love, I love you.” “Stop saying f*ckin I love you!” Ngumisi ako. “I won’t stop saying I love you very much.” Kitang-kita ko ang pagkapikon niya sa ‘kin. Lahat kasi ng mura niya sinasagot ko ng I love you. Gusto kong humalakhak dahil para siyang nasusunog kapag sinasabi ko ang salitang I love you. “I’m warning you Lady! Stop saying I love you or else I’ll kill you right here.” “Then stop saying F*ckin j*rk. I have a name. My name is Yurilainne anne. You call me Yurielainne or honey for our endearment.” “Whatever!” Muli siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa kotse niya. Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan ngunit binaliwala ko iyon. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo tinatanggap sa sarili mo na ako ang girlfriend mo.” Humalakhak ito ng nasa loob na siya ng kotse. Tapos tumingin sa ‘kin. “Mamumuti ka sa kakahintay.” Sabay paharurot niya ng kotse. “I love you, too!” habol kong sigaw ko. Nang hindi ko na siya natanaw ay umupo ako dahil naramdaman ko ang panlulumo. Konti na lang ay bibigay na ako sa kaniya. Ang hirap pa lang paibigin ang isang lalaking may adobeng puso. “Hindi ako aalis dito.” Ilang minuto pa ang lumipas ay unti-unti nang lumalakas ang ulan at nabasa na ang suot kong damit. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Bakit ba ako nagtitiis? Adobe nga ang puso niya. Bakit ba ako naniniwalang babalikan niya ako. Kung gago si Teo mas gago ako dahil piniwala ko ang sarili kong babalikan niya ako. Nakaramdam ako ng panginginig ng katawan dahil sa lamig. Naramdaman kong may naglagay ng jacket sa balikat ko kaya tumingala ako para malaman kung sino ang may mabuting puso na awa sa akin. Teo Lugen... Nakasimangot siya habang may hawak na payong. “OMG! Bumalik siya! Bumuntong hininga siya. “Nasaan ang susi ng kotse mo ako ang magmamaneho.” “Nasaan ang kotse mo?” “‘Wag ka nang magtanong, Vampire girl!” Kung puwede lang mamatay sa sobrang kilig ginawa ko na, tinawag niya akong Vampire girl. Dinukot ko ang susi sa bulsa ko at binigay ko sa kaniya. “Let’s go, iuuwi na kita sa inyo.” Tatayo sana ako ngunit bigla akong pinulikat. “Ouch!” “What happened?” “Pinulikat ako, Vampire love.” “Psh! May Vampire bang ininda ang pulikat? Sa araw ka lang dapat manghihina.” Kinarga niya ako kaya pareho na kaming na basa ng ulan. “Vampire girl, saan ang bahay mo?” “Diyan sa puso mo.” He glared. “Address!” Pinikit ko ang mata ko. “Ayokong umuwi sa inyo muna ako.” “No way! Tell me your address!” sigaw niya. Hindi ko siya pinakinggan kahit naririnig ko siya. Nagpanggap akong tulog gusto kong makasama siya ng matagal. Naniniwala naman akong hindi niya ako gagawan ng masama tulad ng paniniwala kong babalikan niya ako. Ang pagpapanggap kong tulog ay nauwi sa mahimbing na pagkatulog. NAGISING akong nanginginig sa lamig. Ang sakit ng katawan at lalamunan ko kaya binalot ko ng comforter ang katawan ko. “Vampire love.” anas ko. “Gising ka na pala.” Lumapit siya sa akin. “Bumangon ka na diyan at kumain tapos iuuwi na kita.” “I can’t.” Kumunot ang noo niya. “Why?” “I’m not feeling well.” “Wala ako sa mood makipagbiruan. Pinagbigyan na kita,” sabi pa niya, ngunit hindi ko iyon pinakinggan nanatili akong nakapikit dahil nanghihina ako. “Hey! Vampire girl, don’t sleep.” Nang hinawakan niya ako bigla niya rin binitawan ang kamay ko at tumitig sa akin. Tapos muli niyang inilapat ang kamay niya sa leeg at noo ko. “Oh, s**t! Inaapoy ka ng Lagnat!” Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Basta naramdaman ko na lang na may bimbo ako sa noo at pinainom niya ako ng gamot. “Vampire girl wake up! Papainumin kita ng gamot,” sabi niya habang pinipilit kong idilat ang mga mata ko. Inalalayan niya ako nang bumangon ako. Namalayan ko na lang na nasa tapat na ng bibig ko ang kutsara na may lamang sopas. “Ayokong kumain.” “I’ll kill you kapag hindi mo kinain at inubos ito. Nagpakahirap akong lutuin ‘yan para sa ‘yo.” Agad kong binuka ang bibig ko at nagmadali akong nguyain ang sopas. Hindi sa natatakot ako sa banta niya. Kung hindi ayokong masayang ang effort niya sa pagluluto ng sopas. Ngumiti siya. “Good, that’s my Honey.” Ano ba! Kinikilig ako. Mabuti na lang at nilalagnat ako. Hindi niya nahahalata ang pamumula ng mukha ko dahil sa kilig sa kaniya. Nang matapos kong ubusin ang pagkain pinainom niya ako ng gamot at dahan- dahan niya akong inilalayang muling makahiga sa kama nilagyan niya ako ng comforter tapos hininaan niya ang aircon. Nilagyan din niya ako ng bimbo sa noo at ngumiti siya sa akin. “Sweet dreams.” “Thank you,” sabi ko bago ako tuluyang makatulog. “Daddy?” Nang magising ako ay kaharap ko na si Daddy. Halata sa mukha ni Daddy ang pag-aalala niya at pagkainis sa ‘kin. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” “Daddy, I’m sorry hindi ko na nagawang umuwi dahil masama ang pakiramdam ko.” Bumungtong-hininga siya. “Alam ko Baby, sinabi sa ‘kin ni Teo. Pinuntahan niya ako sa office kanina kasi out of coverage raw ako.” “I’m sorry, Daddy.” Umiwas pa ako ng tingin sa kaniya. “I understand, mukhang napapabilib na ako ng Vampire love mo.” Pinagmasdan pa ni Daddy ang tray na may lamang pagkain. May mga balat din ng gamot na iniinom ko. Inikot ni Daddy ang paningin sa loob ng kuwarto. “Napaka-organize ng bahay niya. Hindi mo akalain nag- iisang lalaki ang nakatira rito.” “Siya lang po ba Daddy ang nakatira dito?” “Oo, Baby, dahil diyan may two points siya sa ‘kin, two points para naman sa pagluluto niya sa pagkain mo, at six points para pag-aalaga niya sa iyo. “ “Thank you, Daddy.” “Kaya mo na bang bumangon nakakahiya kay Teo. Hindi siya nakatulog magdamag kababantay sa ‘yo kaya ngayon tulog na tulog na siya.” “Talaga po, Daddy! Binantayan niya ako magdamag? Mas lalo tuloy akong kinilig sa mga sinabi ni Daddy. Nadagdagan tuloy ng one hundred percent ang pagmamahal ko sa kaniya. “Sa itsura niya kanina nang pumunta siya ng office mukhang wala pa siyang tulog. Kaya siguro nakatulog agad siya nang dumating ako rito.” “Nasaan po siya Daddy?” “Nasa living room. Magbihis ka na at uuwi na tayo.” Pagkatapos ay lumabas na si Daddy sa kuwarto. Parang bigla akong lumakas sa mga sinabi ni Daddy. Ilang minuto rin akong nagbabad sa banyo bago ako lumabas. Nakatapis lang ako ng towel. Nang bigla kong maalala na wala pa akong susuotin damit. Tatawagin ko sana si Daddy ng mapansin ko ang paper bag sa ibabaw ng kama. May maliit na card pa iyon. Napangiti ako sa nabasa kong mensahe. Maligo ka paggising mo, Vampire girl. Nangangamoy suka ka na. Binilhan kita ng damit sana magkasaya sa ‘yo. Nasabik tuloy akong buksan ang laman ng bag. Isang t-shirt at isang de-garter na short. Namula ang mga mukha ko ng makita ko ang underwear ko at bra. “Okay na sana ang t-shirt at panty, pero grabe naman ang size ng bra. 36B, mukha ba itong malaki?” Isa-isa kong sinuot iyon at pagkatapos sinadya kong kapalan ang lipstick ko may naisip kasi akong gawin mamaya. “Are you ready?” tanong ni Daddy sa akin ng makalabas ako ng kuwarto. “Yes, Daddy!” “Alright! Let’s go.” “Daddy, mauna na po kayo magpapaalam lang po ako kay Teo gigisingin ko po.” “Sige, ikaw ang bahala. Hihintayin kita sa labas.” Pagkaalis ni Daddy lumapit ako sa sofa na kinahihigaan ni Teo Ang himbing ng tulog niya. Akalain mo para siyang anghel kapag natutulog. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ko siya. “Honey, thank you for taking care of me. I love you, Vampire love, sweet dreams.” Yumuko ako upang bigyan siya ng halik sa pisngi tinagalan ko pa iyon upang dumikit ang lipstick ko sa pisngi niya para makita niya paggising. “Goodbye for now, my Vampire love.” Tapos nakangiti akong lumabas ng condo unit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD