CHAPTER 2
Yurielainne’s P.O.V
“Daddy! Pinagtimpla ko po kayo ng kape. Tikman niyo.” Inabot ko ang kape sa kanya habang kampante siyang nakaupo sa malambot na sofa at nagbabasa ng dyaryo.
“Wow! Thank you, Baby. Tamang-tama balak ko pa namang tawagin ang isa sa mga katulong natin para ipagtimpla ako ng kape.”
Tumabi ako sa kaniya. “Mas masarap ‘yan dahil ako ang gumawa.”
“Hmm... I smell something fishy, may kailangan ka ba?” “Ang galing mo talaga, Daddy! Alam na alam mo na may
sasabihin ako sa ‘yo.”
“So, ano iyon, Baby?”
“Ahmm… Daddy, ‘di ba saturday naman ngayon at tinapos ko ng maaga lahat ng assignment ko, tapos naging good girl na ako dahil nagtitipid na ako.”
“Then?”
“Daddy, payagan mo naman akong sumama ulit na pumunta sa bar, please!”
“Why? Dahil ba kay Vampire love mo? Wala siya kapag araw ng sabado,” sagot ni Daddy sa akin.
Alam na alam kasi si Daddy kung sino ang tinutukoy kong Vampire love. Alam niya rin ang dahilan ko kung bakit gusto kong pumunta ulit ng bar. Open kasi ako kay Daddy lahat ng nangyayari sa ‘kin ay sinasabi ko sa kaniya.
Sumimangot ako. “Sabi ng bartender niyo mas maaga pa nga si Teo kapag saturday.”
Nakita kong tumawa si Daddy sa ‘kin. “Ikaw talaga! Mukhang iba na yata ‘yan. In love ka ba sa lalaking iyon?”
Yumuko ako upang itago ang pamumula ng mukha ko. “Daddy, naman!”
“Okay, pumapayag na akong pumunta ka sa bar, but you promise me don’t drink liquor it’s not good for you, lalo na at wala ako doon mamaya.”
Tumingala ako sa kaniya. “Hindi po kayo pupunta doon? Sino po ang kasama ko sa pagpunta sa bar?” “Ipapahatid kita sa driver mamaya.”
“Promise, magiging good girl po ako. Thank you po, Daddy!” Pagkatapos tumayo ako upang magpunta ng Mall mamimili ng isusuot kong damit para kapag nagkita kami ni Teo mai-in love na siya agad sa akin.
“Saan ka pupunta anak?”
“Sa Mall po, Daddy! May bibilhin po akong project,” alibi ko.
“Sige, basta dapat yang project na bibilhin mo hindi aabot ng hundred thousand.”
Nakangisi akong tumingin kay, Daddy. Alam na alam talaga ni Daddy ang gagawin ko sa Mall kahit na nga magsinungaling ako sa kaniya.
“Bye, Daddy!” Pagkatapos tuluyan na akong umalis ng mansion.
Nakasuot lang ako ng maikling short, t-shirt at tsinelas ng pumasok ako sa isang Mall, magpapaayos kasi ako ng buhok ngayon. Gusto ko kasing makita ako ng Vampire love ko na magandang-maganda ako para wala siyang kawala sa ‘kin. Ngayon ko kasi isasagawa ang plano ko. Nakakainis kasi siya, matapos kong malaman ang tirahan niya lagi ko na siyang pinapadalhan ng bulaklak. Ang nakakainis lang bumabalik sa ‘kin ang mga bulaklak kasi hindi raw doon naglalagi si Vampire love ko. Ngayon ang chance kong makaharap ko siya at sisiguraduhin kong hindi siya makakatanggi sa ‘kin.
“Ouch!” Sambit ko ng may bigla akong nakabunguan. May hawak na milk tea ang babaeng nasa edad bente dos at tumilapon iyon sa suot niyang damit.
“Damn!” pasigaw ng babae habang pinupunasan ng panyo ang suot niyang damit.
“I’m sorry!” Kahit na nga hindi dapat ako ang humingi ng tawad sa kanya. Hindi naman kasi siya tumingin sa dinadaanan niya.
“Sorry? Alam mo ba kung magkano ang suot kong damit?” Pagtataray niya.
Nagpantig ang tenga ko. Hindi ko tuloy maiwasan maging maldita ngayon.
“Twenty pesos, like the price of your hair. Gupit bente!”
“b***h! It’s two thousand pesos. Baka wala ka no’n! I will call the security guard and you have to pay for it.”
“Hindi mo na kailangang gawin iyon.” Dumukot ako sa wallet ko ng four thousand. Tapos isa-isa kong inihagis sa mukha niya ang tig-limang daan. “Bayad ko yan sa ‘yo para bumili ka ng bago. Subukan mong bumili ng mukha baka may secondhand. Hindi kasi bagay ang pag-iinarte mo sa mukha mo.” Sabay talikod ko. “Two thousand pesos that’s a cheapest dress duh!” Sabay alis ko.
Nagtungo ako sa isang parlor upang magpaayos ng buhok. Ngunit dahil kaka-rebound pa lang ng buhok ko, kaya style na lang ng buhok ko ang binago, pagkatapos nagpa-body massage ako, at nagpa-bleach. Ilang oras din ang ginugol ko sa pagpapaganda ko pagkatapos umuwi ako ng bahay upang maligo. Sinadya kong bilisan ang kilos ko dahil ang gusto ko ay maunahan kong dumating si Teo sa bar.
“Ma’am, ‘wag po kayong kumilos baka po mawalan kami ng trabaho kapag nakita po kayo ng Daddy niyo na nagse-serve,” sabi ng bartender doon.
Ibinaba ko ang dala kong tray na may lamang order ng isang VIP customer. “Hindi pupunta rito si Daddy kaya ‘wag kayong mag-alala.
“Hey! One VIP room dating gawi.”
Napaigtad ako sa pagkagulat ko nang marinig ko ang boses ni Teo. Gusto ko sanang lingunin siya upang tingnan ngunit parang nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Ayaw kumilos. Nabibingi rin ako sa mabilis na pintig ng puso ko.
“Yes! Sir,” sagot ng nasa counter. “Thanks!”
Tumili ako ng malakas pagka-alis niya. “Vampire love, ko!”
Naibagsak ng bartender ang bote ng alak na hawak niya dahil sa pagkagulat sa ‘kin. Napahiya naman ako nang makita ko silang sa ‘kin nakatingin.
“Sorry!”
Ngumiti sila tanda ng pagtugon sa ‘kin. Pagkatapos lumapit ako sa counter. “Ako ang magse-serve doon sa lalaking um-order kanina.”
“Baka mapagalitan po kami.”
Tinaasan ko sila ng kilay. “Gusto niyong matanggal ng trabaho ngayon pa lang?” Pinaramdam ko pa talaga sa kanila ang pagkainis.
Nakita ko naman sa kanila ang pagkataranta at takot dahil sa sinabi ko. Kaya naman wala silang nagawa kung hindi ang sumunod sa ‘kin. Ang lapad ng pagkakangiti ko nang ibinigay sa ‘kin ang order ni Teo.
Ngiting-ngiti pa ako ng pumasok ako sa VIP room ngunit na dismaya ako nang hindi ko makita si Teo.
“Good evening, here’s your order.” Walang gana kong sabi sa lalaking nakatalikod sa ‘kin at abala sa kausap niya sa cellphone. Paano ba niya ako makikita kung wala siya. Laglag ang balikat kong lumabas ng VIP room.
“Pupunta lang ako ng comfort room.”
Bigla akong napatingala nang marinig ko ang boses ni Teo, nagkasalubong kami sa pasilyo. Hinabol ko pa siya ng tingin upang kumpirmahin ang narinig ko.
Si Vampire love.
Tumakbo ako pabalik sa Vip room at nagtago lang ako mula sa malayo gusto ko lang siyang pagmasdan kahit nasa malayo siyempre nakawan din ng picture.
Guwapo talaga ng boyfriend ko.
Hinintay kong maubos ang alak nila upang maka-order ulit sila. Iyon kasi ang pagkakataon kong makaharap siyang muli. Nakakaramdam na nga ako ng antok habang naghihintay sa kanila, mukha kasing seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.
“Waiter!”
Napaigtad ako sa gulat ng marinig kong sigaw ni Teo. Agad namang dumating ang waiter upang kunin ang order nila. Ako naman agad na tumalilis palayo habang ang atensyon nila ay nasa waiter. Hinintay ko na lang sa counter ang waiter na kumuha ng order nila, kaya naman halos salubungin ko ang waiter na kumuha ng order nila ng matanaw ko.
“Anong order nila?” excited kong tanong. “Ma’am, Carlo rossi.”
“Bilis kunin niyo ang order nila at ako ang magse-serve.”
“Sigurado po kayo?” tanong ng waiter.
“May problema?”
“Wala po.”
“Good.” Ngumisi pa ako.
HABANG papalapit ako sa kanila ay pabilis naman nang pabilis ang t***k ng puso ko. Parang sumisikip na rin ang paghinga ko dahil sa nararamdaman kong kaba at excitement.
“Psh! Alfred ‘wag kang gumawa ng kuwento uminom na nga lang tayo. Nasaan na ba ang alak? Waiter!” sigaw ni Teo.
Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob. “Heto na po ang order niyo pasensya na po kung natagalan.” Yumuko ako tanda ng paggalang sa kanila, at para mapansin niya ang cleavage ko na sinadya kong magsuot na may malalim na tabas sa harapan. Nakakatawa pero gusto kong akitin si Teo.
Matamis akong ngumiti nang tumingin ako sa kanila at sinadya ko pang hawiin ang buhok ko upang makita ni Teo ang maputi kong leeg at kinagat ko ang ibabang labi ko upang magmukhang kaakit-akit.
Pinigilan ko lang na huwag tumili nang makita kong napatulala sila sa ‘kin. Lalo na si Teo Lugen, kung puwede nga lang na hilahin ko siya palabas kanina ko pa ginawa. Nakita kong napalunok sila habang pinagmamasdan ako.
“Ayos lang po kayong dalawa?” Nilambingan ko pa ang boses ko.
“H-Hi! Anong pangalan mo?” tanong ng kasama ni Teo na Alfred ang pangalan. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.
“Yurilaine anne po, Sir.”
“Wow! Very unique name, kasing ganda mo ang pangalan mo,” anito.
“Thank you.”
“Yurielainne, may boyfriend ka na ba? Kung wala puwedeng ako na lang?” tanong ni Alfred sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya tapos tumingin ako kay Teo. “Sir, pasensya na may boyfriend na po ako.” Parang may butterfly sa stomach ko sabayan pa ng hindi normal na pagpintig ng puso ko.
Nakita ko ang pagkadismaya ni Alfred. “Gano’n ba? Sayang naman. Anyway, lagi ba rito ang boyfriend mo?” tanong muli ni Alfred.
Tumango ako habang ang mga mata ko ay nakatitig kay Teo. Hindi naman niya inaalis ang tingin sa ‘kin.
“He’s my Vampire love.”
“Sino?” tanong ni Alfred.
Ngumiti muna ako sa kaniya. “Siya, oh!” Turo ko kay Teo.
Nakita ko naman ang pagkagulat niya sa sinabi ko.
“Siya ang boyfriend ko si Teo.” Nginitian ko pa siya.
Gulat na gulat si Teo. “Ako?”
“Oo, ikaw nga.”
“Teka! Paano mo naman siya naging boyfriend si Teo? Ngayon ka lang namin nakita?” tanong ni Alfred.
Tumayo si Teo sa upuan niya para lapitan ang kaibigan. “Alfred, umuwi na tayo lasing na yata ang babae na ‘yan
“Boyfriend kita! Ayaw mo lang aminin,” sabi ko.
Huminto siya at dumukot sa wallet niya ng pera. Laking gulat ko ng lumapit siya sa ‘kin. Napasinghap pa ako nang naamoy ko ang hininga niya para akong natutunaw sa titig niya sa ‘kin.
“Yan pera! Tigilan mo kami kung anumang modus ang meron ka wala kaming oras sa ‘yo.”
Gusto kong umiyak sa ginawang pang-iinsulto sa akin ni Teo, pero pinigilan ko lang sarili ko sa halip nanatili pa rin ang mga ngiti ko.
“Ma’am, Yurilainne, napagalitan po tuloy kami dahil hinayaan namin kayong mag-serve ng alak,” sabi ng waiter sa akin.
Akala ko ba hindi pupunta si Daddy dito?
Nakita ko ang pagkagulat ng dalawa sa nalaman nila kaya naman kinuha ko ang wallet ko. May cash pa akong ten thousand na natira sa pagpapaganda ko kanina. Lumapit ako kay Teo na halos isang hibla na lang ang layo ng mga labi namin. Tinitigan ko siya tapos dumako ang mata ko sa mapula niyang labi. Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko paakyat kaya napalunok ako.
“I like you, magkano ka Teo Lugen?” Ngumisi pa ako sa kanya. Pagkatapos isiniksik ko sa dibdib niya ang ten thousand pesos kasama ang perang binigay niya sa akin. Pagkatapos muli kong pinasadahan siya ng tingin at kinindatan ko siya. “Nabili na kita for ten thousand pesos kaya mula ngayon boyfriend na kita, Honey.” Kinindatan ko pa siya. “See you soon, Honey.” Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi. Pagkatapos tumakbo ako palayo. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa kapangahasan kong ginawa.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng kaba, ang kaba na hindi kayang ipaliwanag ng kahit sinong scientist.
“Daddy! Si Vampire love, boyfriend ko na!” Nagtatalon pa ako sa harapan ni Daddy dahil sa sobrang tuwa.
“How did you do that? Teo Lugen is not an ordinary guy. He’s not the type of guy that can easily get it.”
Lumapit ako kay Daddy. “That’s a power of my love, Daddy.” Ngumiti pa ako sa kaniya.
“Baby, ‘wag masyadong magmahal mas masakit kapag nasaktan ka.”
Niyakap ko si Daddy. Suportado ako ni Daddy kaya malakas ang loob ko.
“Thank you, Daddy!”
“Sir, Jacob. May naghahanap mo kay Ma’am Yurielainne sa labas,” sabad ng isang waiter.
Nagkatinginan kami ni Daddy. “Daddy, si Vampire love iyon ‘wag mong sasabihin na nandito ako.”
“Okay, Baby.” Tapos tumayo si Daddy upang kausapin ang tauhan niya.
“Sabihin niyong wala na siya rito. Gawin niyo ang lahat para ‘wag ng mangulit pa ang lalaki na ‘yon dahil kung hindi mawawalan kayo ng trabaho maliwanag ba?”
“Yes, Sir!” Tapos umalis na sila.
Sumilip naman ako sa may pintuan upang marinig ang pinag-uusapan nila.
“Kakaalis lang po ni Ma’am Yurielainne, Sir.”
“Gano’n ba? Pakibigay na lang ang pera niya,” sabi Teo.
Ilang beses na umiling ang mga waiter maging ang mga bartender “Maawa po kayo, Sir, ‘wag niyong ibalik ‘yan sa ‘min mawawalan po kami ng trabaho kapag pinilit n’yong ibalik,” pakiusap ng waiter.
“I see.”
Tumawa ng malakas ang kaibigan nito na si Alfred. “Teo, nabili ka na pala ng babae na iyon, paano ba ‘yan boyfriend ka na niya or baka gawin ka niyang slave swerte mo.”
“In her dreams, umuwi na tayo wala na ako sa mood uminom,” sagot ni Teo.
Ngumiti ako. “Official boyfriend ko na si Vampire love.” Napayakap pa ako sa malaking unan habang ini-imagine ko na ang mga susunod na araw na kasama siya.