Chapter 1

1651 Words
Yurielainne’s P.O.V Mabilis ang takbo ko habang paakyat ako ng kuwarto ko. Kailangang hindi niya ako maabutan dahil kukurutin niya ako sa singit kapag naabutan niya ako. “Yurie! ‘wag mo akong pahabuling bata ka! Stop running!” Sa halip na sundin ko siya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Habang nakikisabay ang aso kong si Lily. “Faster! Lily, maabutan na tayo ni Mommy!” sabi ko pa sa aso ko na kumakawag ang buntot habang tumatakbo. Akala niya siguro nakikipaglaro kami kay Mommy. Hingal na hingal ako nang makarating kaming dalawa ni Lily sa loob ng kuwarto. Hinimas ko ang ulo niya. “Good little puppy.” “Yurie! Yurie! Buksan mo ang pintuan. Mag-usap tayong dalawa!” Narinig kong sabi ni Mommy nang nasa likod siya ng pintuan at katok nang katok. “Tulog na po si Yurielainne!” sabi ko. Sinadya ko pang paliitin ang boses ko. Gusto ko lang maasar si Mommy sa akin. “‘Wag mo akong inisin Yurielainne, buksan mo ang pintuan!” Patawa-tawa ako habang naririnig ko ang galit na boses ni Mommy sa akin. Galit na galit na siya at konti na lang talaga, kukunin na niya ang duplicate ng susi ng kuwarto para pasukin ako sa loob. “Yurielainne!” “Sweetheart, bakit ka sumisigaw?” Narinig kong tanong ni Daddy kay Mommy. Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ko at tumakbo ako kay Daddy. Mas malapit kasi ako kay Daddy kaysa sa Mommy ko. Siguro dahil mas maraming time sa ‘kin si Daddy kaysa kay Mommy. Si Daddy para kong kaibigan dahil sinasabi ko sa kaniya lahat, at kahit ang crush ko sa school ay kilala niya. “Daddy, nagagalit na naman sa ‘kin si Mommy,” sumbong ko kay Daddy. Nakayakap pa ako sa bewang ni Daddy. “Paanong hindi ako magagalit diyan sa anak mong ‘yan, Sweetheart, tumawag sa ‘kin ang banko at sinabing nag-withdraw ng five million si Yurielainne. At alam mo ba kung anong ginawa niya sa pera niya? Bumili siya ng kotse niya.” “Daddy, dream ko po yung kotse na iyon eh, kaya po binili ko na.” “Ang dami mo ng kotse, Yurie! Hindi mo naman ginagamit. Nagsasayang ka lang ng pera,” sagot ni Mommy. “Hayaan mo siya, sweetheart, pagbigyan mo na ang anak mo. Tutal naman nag-iisang anak natin siya,” sagot ni Daddy. “Thank you, Daddy.” Nakangiti pa ako kay Daddy. Mabuti pa si Daddy naiintindihan ako. Si Mommy ang daming reklamo. “Nag-iisa nga lang ang anak mo pero kung gumastos naman daig pa natin ang may sampung anak.” “Sorry na nga po Mommy, hindi na mauulit.” “Hays! Ewan ko sa inyong mag-ama!” Sabay alis ni Mommy. “Ginalit mo na naman ang Mommy mo.” Sabi ni Daddy nang makaalis si Mommy. “Palagi naman po siyang gano’n. Bakit po pala Daddy ganyan ang suot niyo?” tanong ko kay Daddy. Nakasuot lang siya ng simpleng polo shirt na red siya at maong na pantalon. “Pupunta ako sa Arristokrata bar.” Arristokrata bar ang pinangalan ni Daddy sa bar namin dahil combination iyon ng surname nila ni Mommy. Kinuha ang “Arristo” sa Surname niyang Arristone. Samantalang ang “Krata” ay kinuha sa surname ni Mommy na Delkrata. “Daddy, sasama po ako sa inyo.” Curious kasi ako sa bar na iyon dahil paborito iyon ni Daddy na puntahan. Kung iisipin ko ang bar na iyon ang pinaka-cheapest business ni Daddy. Kumpara sa mga naglalakihang niyang kumpanya. Ngunit gano’n pa man. Madalas pa rin si Daddy sa bar na ‘yon. “Hindi puwede, anak, bawal kang pumunta doon. Hindi ka nababagay do’n.” “Sige na po, Daddy! saglit lang naman po ako doon curious lang po ako.” Huminga ng malalim si Daddy. “Sige, pero saglit ka lang doon. Tumango ako. “Thank you, Daddy, I love you.” “Let’s go!” sabi pa niya sa ‘kin. Ngiting-ngiti ako habang nasa loob ako ng kotse ni Daddy in-imagine ko kasi ang bar ni Daddy. Siguro may mga guwapong banda doon. Gano’n kasi ang mga bar na alam ko may banda. kahit na nga hindi pa ako nakakapasok sa disco bar. HUMINTO ang kotse ni Daddy sa isang malaking building. Hindi kami pumasok sa mismong entrance sa ibang pinto kami dumaan. Nakailang hakbang lang kami. Pumasok na kami sa malaking pintuan. Tumambad sa akin ang loob ng bahay na may iba’t-ibang alak na naka-display. Sumimangot ako. “Daddy, akala ko ba sa bar tayo pupunta? Kaninong condo unit ito?” “Anak, nandito na tayo sa bar,” “Dad, are you kidding me?” “Dumiretso ka diyan sa kaliwang pintuan tapos buksan mo nasa labas ang bar natin. Magpapahinga muna ako at ‘wag kang magpapasaway sa mga bartender.” “Really? Bar talaga ito?” “Tingnan mo.” Ngumiti pa si Dad sa akin. Nagmadali naman akong puntahan ang sinasabi ni Daddy na curious talaga ako. Habang palapit ako nang palapit sa pintuan naririnig ko na ang ingay ng mga tao at bandang kumakanta. Pagbukas ko ng pintuan tumampad sa akin ang sosyal na bar. Sa itsura ng mga tao doon halatang may mga sinabi sa buhay ang dumadayo rito. Naglakad-lakad pa ako. Hanggang sa napadaan ako sa area ng mga V. I.P room. Baka may mga artista rito? Isa-isa kong sinilip ang mga Vip room. Lahat iyon naka-occupied na. “Teo, nandadaya ka na.” Narinig kong ingay sa kabilang room ng VIP kaya sinilip ko ito, ngunit bigla akong nagulat sa nakita ko. “Kyah!” Napatili ako dahil nakilala ko ang taong nasa loob ng silid. Nagtago ako nang biglang silang lumingon. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko, para akong aatakihin dahil ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Kinuha ko pa ang cellphone ko at pinagmasdan ko ang larawan ni Teo Lugen na nasa screen ng cellphone ko. Oh! My gosh! Nakita ko na ulit siya! NAGKAROON ako nang pagkagusto kay Teo Lugen nang makita ko siyang nakipagsuntukan sa apat na mga lalaki. Nasa loob ako ng kotse nang mapadako ang tingin ko sa naglalakad na guwapong lalaki, kaya sinundan ko siya ng tingin, pagkatapos nakita kong hinarang siya ng apat na lalaki. Noong una natakot ako para sa kaligtasan niya at siyempre sa kaligtasan ko. Tatlong dipa lang kasi ang layo ng kalsada sa pinag-aawayan nila. Kaya naman tumawag ako ng pulis. Ngunit ang inaakala kong mabubog siya. Nagkamali ako. Dahil parang kumurap lang ang mga mata ko at nakita kong nakalupagi na ang apat sa kalsada. Ang cool niya! Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ko siya ng picture. Napansin siguro niya na kinunan ko siya ng picture kaya lumingon siya sa ‘kin. Para naman akong na-istatwa nang makita ko siyang papalapit sakit at nakita kong may dugo sa gilid ng mapula niyang labi. Ang guwapo niya para sayang Vampire. “Hey! Miss, bakit mo ako kinukunan ng picture?” Matalim niyang sagot sa akin. Para naman akong nasa ilalim ng spell niya. “I’m willing to offer my blood, vampire, suck me,” wala sa sarili kong sagot sa kaniya. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa ‘kin. “What?” “Suck me, Honey,” pag-uulit ko. “Psh! You’re crazy! Magpadala ka sa mental.” Sabay alis niya. Saka lang ako bumalik ulirat ko at binalikan ko ang mga sinabi ko kay Teo. Suck me, Honey “Ang tanga mo! Nakakahiya ka! Kausap ko sa sarili ko, habang sinasabunutan ko ang buhok ko. Nang gabi rin iyon in-upload ko ang picture niya sa social media account ko na may caption na “My Vampire love.” Ilang segundo lang ang lumipas ay sunod-sunod na ang mga comments. Napag-alaman ko na Teo Lugen ang pangalan ng lalaking iyon, at lider ng gangster na nag-aaral sa SPIA or Saint Palace International Academy. Mula noon naging fan love na ako ni Teo. Naisipan ko rin mag-transfer sa SPI pero hindi pumayag si Daddy. Mas gusto nilang mag-aral ako sa school kung saan sila nagtapos ng kolehiyo. Ngayon nakita ko na ulit siya ang Vampire love ko. “Narinig mo ‘yon, parang may babaeng tumili?” wika ni Teo. “Maraming titili talaga rito lalo na kapag nakikita ako,” sagot ng lalaking kasama niya. Nakita kong tinungga ni Teo ang laman ng bote ng alak. Tapos tumingin sa kaharap niyang lalaki. “Puro pagpapa-guwapo ang alam mo, Alfred, nakakahiya ka.” “Alam mo, Teo, kung hindi ka lang lider ng gangster iisipin kong bakla ka at akong type mo.” “Ul*l! Durugin ko ‘yang mukha mong g*go ka! ‘Wag mo akong idamay sa kalokohan mo! Wala pa sa bokabularyo ko ang salitang love. Naiirita lang ako sa mga Magkarelasyon na in love na in love sa isa’t-isa tapos makikita ko break na. Ginagago lang kayo ng love na ‘yan.” “Gaguhan ba? Kapag tinamaan ka niyan ewan ko lang sa ‘yo. Baka umatungal ka na parang baka.” Ngumisi pa si Alfred. “Tigilan na natin ang pinag-uusapan natin nakakawalang ganang uminom.” “So, Vampire love hindi ka naniniwala sa Love? Pwes! Pagnakilala mo ang Goddess na si Yurielainne, baka pati si forever mahiya na sa ‘yo,” bulong ko habang sinisilip ko sila. Pagkatapos ay dahan-dahan akong umalis sa lugar nila. Pinagtanong ko rin sa mga bartender kung laging nandito si Teo. Natuwa naman ako sa naging sagot ng bartender. Dahil si Teo at Alfred ang regular customer nila. Mas lalo tuloy akong natuwa dahil hindi ko na pala kailangan pumasok sa SPIA dahil gabi-gabi ko namang makikita ang Vampire love ko. Maghintay ka lang Teo Lugen. Dahil mararamdaman mo na ang pakiramdam ng ma-in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD