Episode 3

1038 Words
Henry POV  Patungo ako sa opisina ko nang makasabay ang Secretary kong si Carmen. Hindi niya ako napansin na nakasunod sa kanya. I admit humanga ako sa kagandahan niya. May balingkinitang katawan kahit  may anak  na siya hindi halata sa katawang niyang may perpektong hugis. She has a pointed nose, nice pair of eyes na kapag tumitingin para kang inaakit.  I like her lips natural heart shaped. Full lips.  I hired her as my Secretary, not because of her credential. But because nagandahan ako sa kanya. Well, lalaki lang ako humahanga sa nakikita ko. But I did not take it seriously. Ang mga babae hindi naman dapat siniseryoso. Hanggang paghanga lang sa panlabas, hindi lumalagpas sa paghanga ang dapat kong maramdaman sa mga babae. They are just nothing to me.  Napalingon si Carmen. Mukhang nagulat si Carmen ng makita niyang nakasunod ako sa kanya. I looked at her with a serious look.  " Good morning po Sir Henry" yumuko pa siya. diretso lang ang tingin ko at nilagpasan siya. I never greeted my employee kahit na ba Secretary ko siya. I don't care about them. Pumasok na ako sa loob ng elevator.  Carmen POV Napasimangot si Carmen nang hindi man lang tumugon sa pagbati niya. Ni hindi nga tumingin sa akin. Akala mo hindi kami magkakilala. Eh, ako kaya ang Secretary niya.  Ang suplado talaga ng boss ko kahit kailan. Hindi ko alam kung anong problema niyon palaging ganoon ang ugali niya. PArang galit sa mundo at mas lalo sa tao.  Haist, hindi na ako nasanay sa kanya palagi naman siyang ganoon sa akin. Para bang naiirita every time na nakikita niya ako.  Nakapasok na sa elevator si Sir Henry. Ako naman pumasok na sa pang empleyadong elevator. May sariling elevator ang mga boss sa company ng Escobar.  Pagkalabas ng elevator nakita ko na lang ang likod ni Sir Henry. Pumasok na sa opisina niya. Pumunta na ako sa table ko para ayusin ang mga schedule ng boss ko at ipagtitimpla ko pa ng kape niya. Marami pa naman kaming gagawinngayon. Mukhang sasakit na naman ang balakang ko nito. Dahil maghapong nakaupo na naman. Naging busy ang buong araw ko ngayon. Dahil may i-lalaunch na bagong design ng t-shirt ang company. Naghahanap din sila ng company para sa bidder para sa magiging model. Kailangan din kasi ng model para sa product. Halos hindi na ako magkamayaw sa ka-kaparoo't-parito. Isabay pa ang pagsusungit ng boss niya. Halos mataranta na nga ako sa kakautos niya. Sumasakit na ang mga muscle ko sa binti ko. Kailangan ko yata ng massage mamayang gabi. Lalagayan ko na lang ng omega pain killer. Nang matapos ko ang gawain ko naupo ako sa swivel chair ko at napasandal. Napapikit ako dahil inaantok na rin ako. I want to rest on my soft bed at yakap ko ang malambot kong unan. Sarap matulog!  Napatuwid ako ng upo nang makita ko ang mga dumating. si Sir Philippe at Ma'am Alessandra. Kasama nila ang pangalawa nilang anak na kambal. Si Samantha at Samuel. They are two years old. Matanda lang ng dalawang taon ang anak ko sa kanila.  " Good afternoon Ma'am Alessandra and Sir Philippe "Bati ko sa dalawa. Si Sir Philippe tumango lang. Si Ma'am Alessandra ay nakangiti sa akin. She’s not only beautiful but also a very kind person. Kaya siguro na in love si Sir Philippe sa kanya. Mabait naman kasi si Ma'am at malambing pa.  " Ano ka ba Carmen huwag mo na ako tawaging Ma'am. Alessandra na lang magagalit ako sa iyo." Ngumuso si Ma’am Alessandra biglang hinalikan ni Sir Philippe sa labi si Ma'am Alessandra. Nagulat ang asawa sa ginawa. Hinampas niya sa balikat si Sir Philippe. " Hon, naman bakit mo ako hinalikan?!" Nanlalaki ang mata ni Ma’am Alessandra. Kinabig siya payakap ng asawa. Napangiti ako sa mag-asawa. Ang sweet nilang tingnan. Sana ganyan din sa akin ang lalaking makakatuluyan ko.  Sweet. " Ngumunguso ka na naman kasi honey ko kaya natempt akong halikan ka." Wika ni Sir Philippe.  Ako kaya kailan ko matatagpuan ang lalaking mamahalin ako ng totoo at tatanggapin pati ang anak ko? dapat kasama pati ang anak ko sa mamahalin niya hindi lang ako. Kunbaga package kami ng anak ko.  " Nakakahiya kay Carmen! Ikaw talaga.” Reklamo ni Ma’am Alessandra pero nangingiti naman sa asawa. Napatingin ako kay Sir Henry na lumapit sa amin. " Hey Kuya Philippe! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sir Henry kay Sir Philippe. Medyo magulo pa ang buhok ni Sir Henry. Ang hot niyang tingnan. Nag-init ang pisngi ko. Bakit ba ang guwapo ng magkapatid na ito? Napaka perpekto nila. Guwapo, matangkad, mayaman at well hindi pala perpekto. Masungit. " Namiss ka ni baby Samantha and Samuel" Wika ni Ma'am Alessandra. Yumakap si Sir Henry kay Alessandra. Pero biglang pinaghiwalay ang dalawa ni Sir Philippe. "Stay away from my wife! May payakap-yakap ka pang nalalaman! Bawal kang yakapin ang asawa ko." Inis na turan ni Sir Philippe sa kapatid. Pinigilan ko ang matawa napasulyap sa akin si Sir Henry naitikom ko bigla ang labi ko para hindi  mapangiti.  Crush ko talaga siya. Napatitig ako kay Sir Philippe ang guwapo-guwapo niya. Noong unang kita ko sa kanya nagkacrush na ako kaagad.  " Seloso" Napailing si Sir Henry kay Sir Philippe. " Tito carry me" sabi ni baby Samantha. Nagpabuhat ito kay Sir. Binuhat naman niya ang bata. Hinalikan niya ito sa pisngi. Naalala ko tuloy ang anak ko. "Me too" sambit din ng isa. Nalukot ang mukha ni Henry. Gayon pa man binuhat niya rin ang isa. "Ang bigat niyong dalawa dapat hindi na kayo nagpapabuhat. Big na kayo." reklamo ni Sir Henry.  "Baby pa ang mga iyan maka big ka naman!" reklamo ni Ma'am Alessandra.  "Dapat lang buhatin mo iyan para naman may naitulong ka sa pag-aalaga ng pamangkin mo." turan ni Sir Philippe. Napairap lang si Sir Henry.  " Carmen make us a coffee and bring some cake too for baby Sam and Samuel." seryosong saad ni Sir Henry sa akin. Kaagad akong kumilos sa inuutos niya. Mukhang bad trip sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa kong mali.  Bakit ba hindi ako masanay-sanay sa ugali niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD