Episode 4

446 Words
Nakatayo ako habang hinihintay si Sir Henry. Pinalabas niya ako kanina sa confernece room. Dito na lang daw ako sa labas maghintay. Hindi ko alam kung ano naman masama kung magstay ako doon. Trabaho ko naman ang asikasuhin ang kakailanganin nila. Ano naman kaya ang gagawin ko dito? Tumayo malamang.  Napatuwid ako nang tayo nagsilabasan na ang ka meeting ni Sir Henry. Literal na nanlaki ang mata ko dahil ang  kasama niya ay puro hot. Siyempre kasama si Sir Henry doon. May model kasing kasama. Sila yung magiging model para sa new product ng company. Napadako ang tingin nila sa akin naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nagsilapitan ang tatlong lalaki sa kinaroroonan ko. " Hi pretty babe I'm Marko" Nakangiting pakilala sa sarili. Kinindatan niya pa ako. Gusto ko sana kiligin kaso nahihiya akong gawin iyon. Kaya ngumiti na lang din ako. " Hello beautiful lady. I'm Chris " Wika naman ng isa na may abuhing kulay ng mata. Napaka guwapo niya at kakaiba ang kulay ng mga mata niya. Napamaang ako nang kunin niya ang kamay ko at hinagkan. Napatingala ako at napatitig sa abuhing mata niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya.   " By the way I'm Trevor. What is your name darling?" Tanong naman ng isang matangkad at machong lalaki. Napangiti ako ng alanganin. Diyos ko ano  ang mga ito? Bakit may mga endearment na sila sa akin? Pulang pula na siguro ang mukha ko dahil sa ginagawa nilang panlalandi sa akin.  " I'm Carmen" Nahihiyang pakilala ko sa kanila. " Oh, what a nice name. " Nabigla ako dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Bigla akong napalayo dahil natakot ako. Nakita ko si Sir Henry na papalapit sa kinatatayuan namin. Galit ang tingin ang ipinupukol niya sa akin. Ano naman kaya ang nagawa ko? Sabi niya hintayin ko siya dito. Ginawa ko naman. " Carmen you may leave now! Sinabi ko you will wait here but what is this? You're just flirting here with this man!" Singhal na sabi nito. " Hey, hey dude. She is not flirting with us. Gusto lang namin siyang makilala. Flirt kaagad agad? " Napatawa iyong Marko ang pangalan. " Shut up!" Pinatahimik niya ang kaibigan. " You, get out of here now!" Baling niya sa akin. Pahiyang pahiya ako sa paninigaw niya sa akin. Parang gusto kong panliitan dahil sa pagbibintang niyang flirt ako. Wala naman akong ginawang kalandian. sila nga iyong kung makalandi sa akin ay wagas. Umalis na lamang ako para hindi na ako masigawan pa. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang empleyado na nakarinig sa paninigaw sa akin ni Sir Henry. Nangilid ang luha ko dahil napahiya ako.  to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD