Pagkauwi ng bahay sinalubong na ako kaagad ng anak kong si Dylan. Natawa ako. Para kasing ang tagal naming hindi nagkitang dalawa kung makayakap. Ganito siya palagi sa tuwing umuuwi ako ng bahay.
"Mama! Look may four-star ako sa hand. " Pinakita niya sa akin ang isang kamay nitong may tatak na apat na star. Ginulo ko ang buhok niya. Napangiti ako. Napakatalino niya sa edad na apat marunong na siyang magsulat at i-dentify ang objects. Para nga siyang anim na taon kung magsalita na.
"Wow, anak ang galing galing naman. Good job!" Pagmamalaki ko. Napatingin ang anak ko sa may likuran ko. Nanlaki ang mata nito ng mapag sino ang kasama ko.
"Lola!" Tumakbo ito papunta kay Mama. Nagyakapan ang mag-Lola. Pinupog ng halik ni Mama sa mukha si Dylan. Naantig ang puso ko sa nakita. Namiss ni Mama ang apo niya.
"I miss you anak" wika nito kay Dylan. Gumarlgal ang boses ni Mama. Nangilid ang luha ni Mama ng mayakap ang anak ko.
Kung ako lang ang masusunod gusto kong itama ang mali ko noon. Pero napaka komplikado ang lahat kung aayusin ko ngayon. Marami ng nangyari at may nadamay. Kaya mas mabuti ng ganito kaysa magkagulo pa kami. Inaalala ko lang si Mama. Ayoko siyang masaktan kahit ako na lang. Kaya ko naman ang sarili ko.
"Lola, miss na rin kita" Wika ni Dylan sa lola niya. " I love you lola" Buong puso nitong wika kay Mama. He is a sweet kid. Palagi niyang sinasabi ang I love you kahit sa kaninong tao na mahalaga sa kanya. Kung hindi nga lang kami magkagalit ni Papa siguradong matutuwa siyang makita ang lolo niya. Ayokong madamay si Dylan sa galit sa akin ni Papa. Napaka bata pa niya para maka-experience na may nag-aaway sa paligid niya. Hindi ko rin alam kung sakaling makita niya si Dylan. Matutuwa ba siya or hindi.
Masyadong matigas ang puso ni Papa pagdating sa kapatawaran.
"Siyanga pala may pasalubong ako sa inyo ng Mama mo. Magugustuhan mo iyon. Ito apo, doughnut!" Nanlaki ang mata ni Dylan ng makita ang box ng Doughnut. Nagtatalon si Dylan sa tuwa at kinuha ang box. Binuksan niya ito para kumuha ng isa. Napatingin ako kay Mama. Nakatitig lang ito kay Dylan.
" Anak dahan-dahan lang sa pagkain baka mabilaukan ka" pinunasan ko ang bibig nito na may asukal. Napapangiti ako sa hitsura ng anak ko.
"Mama," tawag ko. Tinabihan ko ito. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nanlalamig. Tumingin ito sa akin. Kita ko ang lungkot sa mga mata. Walang kinang. Walang sigla. Napatango ako sa kanya.
"Anak patawarin mo ako kung naging duwag akong harapin ang lahat. Hindi dapat ganito ang naging buhay mo. Hanggang ngayon galit pa din sa iyo ang Papa mo nang dahil sa akin." naluluhang sabi ni Mama.
"Ma, hindi po ako nagsisi sa naging decision ko noon. Alam kong mahirap ang naging buhay ko sa pagpapalaki kay Dylan, pero hindi ko po pinagsisisihana ng naging desisyon ko. Ginawa ko lamang ang tama para sa ikabubuti ng lahat. Darating din ang araw na mapapatawad po ako ni Papa. Umasa lang po tayo." Sabi ko at saka niyakap si Mama.
It's been 5 years pero narito pa rin ang pag-asa sa akin. Sa kabila nang nangyari sa aking buhay. Hindi ko pinagsisisihan na dumating sa buhay ko si Dylan. Siya ang nagpasaya ng buhay ko.