Episode 1

2217 Words
"HENRY, I am sorry hindi ko sinasadya ang nangyari." Umiiyak na saad ng girlfriend ko sa akin habang pilit niya akong hinahawakan. Tinabig ko ang kaniyang mga kamay. Gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sa akin. Pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil ayokong makapanakit kahit sagad hanggang langit ang galit ko sa kaniya. Paano niya nagawa ang panloloko sa akin? Minahal ko naman siya at ibinigay kong lahat sa kaniya. That’s bullshit! “Paano mo nasabi na hindi mo sinasadya, mayroon bang ganoon?" I confronted her with a yell. "Nadapa ang lalaki then na-shoot ang p*********i niya sa p********e mo? Then nabuntis ka na? Iyon ba ang ibig mong sabihin na hindi mo sinasadya?" Mapakla akong napatawa sa paliwanag niya sa akin. It was a pathetic justification for a cheater. She's unbelievable! "Ganoon lang ba iyon, Zoe?Lahat naman ibinigay ko sa iyo. Pagmamahal, oras at higit sa lahat ang sarili ko. Minahal kita ng buong-buo at iginalang kita dahil ayokong i-take advantage ka pagdating sa s*x. Tapos ito ang gagawin mo sa akin." Mapait akong napatawa. Ang sakit lang inalagaan ko siya na parang isang babasaging bagay. Pero ito lang ang napala ko. Pinagtaksilan niya ako at nagpabuntis pa sa ibang lalaki. “Please, forgive me." Paghingi niya ng tawad habang umiiyak. Paano ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Hindi ganoon kadaling tanggapin at ibigay sa kaniya ang pagpapatawad. Sinaling niya ang ego ko bilang lalaki. Manhid ba siya? Hindi ba niya alam kung ano ang pakiramdam na niloko. "Alam kong sukdulan ang galit mo sa akin. Ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko, kung hindi dahil para sa magiging anak ko. At para na rin sa ikatatahimik nating lahat. Hindi maganda na magkaroon pa tayo ng sama ng loob sa isa't isa nang dahil sa pagkakamali ko. Inaamin ko namang naging marupok ako. Pero sa maniwala ka't sa hindi minahal kita, Henry, higit sa kanino man. Pero dumating ako sa puntong hindi na ako masaya. Hindi ko na kaya pang manatili sa relasyo nating wala ng pagmamahal. Ayokong itali ang sarili ko nang dahil sa awa. Mas lalo lang akong magkakasala kung mananatili pa ako sa iyo, kahit hindi na ako masaya. Sana mapatawad mo ako." Tiningnan ko siya nang may pag-uuyam. Ang kapal rin ng mukha nang babaeng ito. Sa kabila ng ginawa niya sa akin parang balewala sa kanyia kung ano ang nararamdaman ko. May gana pa siyang sabihin ang salitang kapatawaran. Hindi niya ba alam ang pakiramdam na iniputan sa ulo? Ginago niya ako at hindi ko iyon matanggap. "Para sa ikakatahimik ng lahat? Sa palagay mo ba matatahimik ka sa ginawa mo sa akin? Wala ka bang konsensiya? Nagpapatawa ka ba? I tell you this hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin! Dadalhin ko hanggang dulo ang galit ko sa ginawa mo sa akin. Makakaalis ka na at huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Get out!" Pagpapaalis ko sa kaniya. Nanginginig ang aking mga kamay at halos mag-igting ang panga ko dahil sa galit na aking nararamdaman. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang braso at kinaladkad palabas ng pinto. Marahas ko siyang binitiwan at saka malakas na isinara ang pinto. Napatuwid ako sa aking pagkakaupo sa swivel chair nang bumalik ako sa realidad. Hindi ko maiwasang sariwain ang nakaraan. Ang masakit na nakaraan na ayaw ko ng balikan. Ngunit palagi pa ring bumabalik sa aking alaala. Naka-set na ang mga plano ko para sa kasal namin noon, pero nasayang lang ang lahat ng iyon nang dahil sa isang pagkakamali. Iba na ang tingin ko sa mga babae. Lahat sila ay manloloko. Napatingin ako sa pintong bumukas. Pumasok ang aking sekretarya. Sumeryoso ako kaagad ng tumingin siya sa akin. Ganito ako kapag sa ibang tao lalo na kapag sa babae. "Sir Henry, nandito na po ang list ng clients para sa bagong t-shirt brand na i-la-launch po ng company natin." Inilapag ni Carmen ang folder at kinuha ko iyon. Tiningnan ko ang list. madami pala. Napataas ang aking kilay nang mapansin ko ang pagtitig sa akin ng aking sekretarya na si Carmen. "What are you still doing here? Do you need anything? If there are none, you may leave." Masungit na wika ko. Naiirita ako sa babaeng tumititig sa akin. May allergy ako sa ganoong gesture ng mga babae. S-Sorry, sir, s-sige po," kandautal na turan niya. Natataranta pa nga siya dahil hindi niya alam kung lalabas o mag-stay pa sa loob ng opisina ko. ***** Hindi alam ni Carmen kung lalabas ba siya o mananatili sa loob ng opisina ng boss. Natulala na naman kasi siya sa kaguwapuhan ng kaniyang boss na si Henry Escobar. Gusto niyang batukan ang kaniyang sarili dahil halata na may crush siya sa kanya. “Hays, Carmen, bakit ba kasi hindi mo maiwasang matulala every time na nasa harapan ka ng boss mo? Mali iyon.” Kausap niya sa kaniyang sarili. Huminga muna siya nang malalim bago hinarap ang sangtambak na trabaho sa ibabaw ng kaniyang mesa. Nakakapanginig naman kasi ng tuhod ang boss ko na iyon sa tuwing kaharap ko siya. Kung hindi lang sana masungit ang boss niya ay mahalin ko na siya ng tuluyan. Nag-init ang pisngi ko sa aking naisip. Tinampal ko ang aking pisngi para pigilan ang namumuong paghanga sa boss niyang masungit. Alam naman niyang may allergy sa babae ang boss niyang iyon. Ayon sa mga nakakaalam ng buhay pag-ibig ni Sir Henry. Naloko daw ng babae ang boss ko kaya ganoon na lang kasungit sa mga babae. Kaya nga magmula ng magtrabaho ako sa kaniya ay hindi na niya ako gusto. Panay siyang nakasimangot kundi naman nakasinghal sa akin sa tuwing napatititig ako sa kaniya. Iniintindi ko na lang ang ugali niya dahil kailangan ko ang trabaho. Hindi naman kasi ako pumasok dito para magpa-cute lang sa kaniya araw-araw. Kahit na ba may crush ako sa kaniya, ayokong ipakita iyon. Pero mukhang hindi ko magagawa. Nawala ako sa aking iniisip nang tawagin ako ng ka-officemate kong babae. "Carmen, may naghahanap sa iyo sa lobby." Napakunot ang noo ko. Sino namam maghahanap sa akin? Hindi ko na naitanong sa kaniya kung sino dahil tumalikod na kaagad ang ka-officemate ko. Bumaba na lamang ako para tingnan ang naghahanap sa akin. Buti na lang dahil lunch break na. Pagkalabas ng elevator hinanap ng mga mata ko ang taong naghahanap sa akin kahit wala naman akong ideyaa kung sino nga ba iyon. Napalingon ako nang may tumawag sa akin. "Anak!" Lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang taong tumawag sa akin. Kumaway sa akin si Mama. Nang makalapit ako yumakap ako kaagad sa kaniya. I miss her so much. Ilang taon rin magmula nang magkita kami. “Ma!” napaiyak ako dahil sa kasiyahan. Hinaplos ni Mama ang aking likuran. Natawa si Mama. Para kasi akong batang paslit na iniwan ng nanay. “Ano ka ba, anak, bakit ka umiiyak? Pasensiya ka na kung hindi na ako nagpasabi sa iyo na luluwas ako dito sa maynila.” Hinaplos ni Mama ang pisngi ko. “Sana itinext niyo na lang ako para nasundo ko kayo sa terminal. Alam niyo naman ang number ko hindi ba? Hindi kita matawagan dahil palaging out of coverage area ang cellphone ninyo.”Wika ko. Malayo kasi ang lugar namin kaya walang signal. Wala kasing cell site roon. “Na-Nasira kasi ang cell phone ko anak kaya hindi na ako nakapag-text sa iyo. Pasensiya ka na hindi naman ako makabili ng bago, alam mo naman mahirap ang pera sa atin. At hindi ako makaluwas sa bayan. Alam ko naman kung saan ang opisina at bahay na tinitirhan mo.” Paliwanag niya. Pailalim kong tiningnan si Mama. Alam kong nagsisinungaling siya. Parang nahalata yata ni Mama na hindi ako kumbinsido sa paliwanag niya. “Ikaw talaga totoo ang sinabi ko. Walang kinalaman ang Papa rito.” Paniniguro ni Mama sa akin. Pero may duda pa rin ako sa paliwanag niya. Pinagtatakpan niya lang si Papa. Alam ko namang hindi papayag iyon na magkaroon kami ng communication ni Mama. Baka nga kinuha niya ang cell phone o baka sinira. Matigas ang loob ng aking ama dahil sa nagawa kong pagkakamali sa kaniya noon. Nunit matagal nang panahon na nangyari iyon. Bakit hindi niya pa rin ako mapatawad. "Namiss ko kayo anak. Kamusta na nga pala si Dylan?" tanong niya sa anak ko. Napangiti ako. “Ayos lang po siya, Ma. Nag-aaral na po siya sa prep at napakatalinong bata. Madalas nga kayong tanungin ni Dylan gusto na raw niyang makita ang lola niya.” Nakangiting kuwento ko. “Mabuti naman kung gayon. Miss ko na siya anak. Isang taon rin magmula ng makita ko kayong dalawa. Pagpasensiyahan mo na anak kung ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataong makabiyahe. Alam mo naman ang Papa mo kailangan alam niya ang bawat kilos ko, lalo pa’t tungkol sa iyo. Buti na lamang pinagtakpan ako ng kapatid ko na pupunta lamang kami ng Palawan para dumalo sa isang kasalan. Kung hindi namin gagawin iyon mahaba-habang pakiusapan na naman ang mangyayari. Mas mabuti nang magsinungaling kahit alam kong magagalit ang Papa mo sa ginawa ko. Hindi ko lang matiis na hindi ko kayo makita ni Dylan ng personal. Alam mo naman siguro anak." wika ni Mama. Napatango ako. Mahirap sa kaniya ang mawalay sa anak. Gusto ko ngang dito na muna si Mama sa poder ko. Pero iniisip ko rin si Papa, alam ko namang kokontra iyon. Well, hindi ko naman siya masisisi kahit sinong ama kung nagkamali ang anak hindi maiiwasan maghinanakit lalo pa at malaki ang expectation niya sa akin. “Ma, hindi mo na dapat ginawa iyon. Paano kung nalaman ni Papa na nagsinungaling kayo? Ayokong mag-away kayo ng dahil sa akin. Ayos lang naman po kung sa text muna ang communcation natin. Ma, alam kong napakahirap sa part ninyo ang situation natin. Dahil ikaw ang nasa gitna ng awayin namin ni Papa. Alam kong pagdating ng panahon mauunawaan niya rin ang ginawa ko.” Wika ko. Hinawakan ko ang kamay ni Mama. “Ako ang dapat na humingi ng tawad sa iyo. Nang dahil sa akin napopoot ang Papa mo. Pasensiya na anak daahil ako naman ang dapat sisihin dito. Hindi ako naging mabuting asawa at ina sa iyo. Dahil sa kahinaan ko nadamay ka. Kung may lakas loob lang talaga ako noon hindi mangyayari ito sa iyo, anak.” Malungkot na saad niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang mga kamay. Hinagkan ko iyon. “Ma, kalimutan na natin ang nakaraan. Hindi na natin maibabalik ang dati at hindi na rin natin mababago ang lahat. Ang mahalaga hindi nagalit sa iyo ng tuluyan si Papa. Okay lang kung sa aki niya ibunton ang galit niya. May kasalanan rin naman ako. Kaya dapat ko lang unawain si Papa. Natural lang iyon sa tatay na nadismaya sa ginawa ng anak. Umaasa ako na balang araw mapapatawad rin niya ang nagawa ko." Nangilid ang aking mga luha. Sa kabila ng galit ni Papa sa akin hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Mahal ko si Papa. Magmula nang sinabi kong buntis ako pinalayas ako ni Papa kaya napilitan akong lumuwas ng maynila. Sa Tita ko sa Quezon city ako tumuloy. Buti na lang mabuti ang aking Tita, pinag-aral nila ako. Sumunod si Mama sa aking ilang buwan ang nakaraan magmula ng palayasin ako ni Papa. Dahil sa pagtitiyaga ko sa pag-aaral habang nagtratrabaho nakatapos ako ng Secretarial. Ilang buwan rin ang nakalipas ay nakahanap ako ng trabaho. Tatlong taon na akong nagwo-work sa company as Secretary ni Sir Henry Escobar. Kahit napakasungit ng boss ko pinagtitiyagaan ko na lamang ang ugali niya. Ano naman magagawa ko kung ganoon siya. Kung mag-iinarte ako dahil sa ugali ng boss ko baka sa kangkungan ako pulutin. Mahirap pa naman humanap ng trabaho ngayon lalo pa at may anak akong binubuhay. Pinagtitiyagaan ko na lamang si Sir Henry kahit minsan gusto ko ng sumuko sa ugali niya. Ngunit nasanay na rin naman ako sa kanya, kaya ngayon dedma na lang. Tutal bayad naman ako kaya wala akong dapat ireklamo. Basta mahalaga may pera ako kada buwan at nabibili ko ang mga pangangailangan ni Dylan. Iyon naman ang mahalaga. "Halika na Ma kain na nga muna tayo mamaya na lang tayo magkuwentuhan. Masyado na tayong nagiging ma-drama.” Natatawang biro ko kay Mama. Napatawa rin si Mama sa biro ko. "Oo nga naman. Tamang-tama ang dating ko rito dahil tanghalian na. Saan ba ang canteen niyo rito?" tanong ni Mama. Napatingin ako kay Mama. Napansin kong malaki ang inihulog ng katawan niya. Hindi kagaya ng dati na medyo malaman pa siya. "Nasa second floor po. Malayo po kasi ang kainan dito sa labas. Doon ka pa sa ikatlong kanto at saka marami pong empleyado ang kumakain doon. Mas makakamura sana tayo kaso baka nagugutom na rin naman kayo," wika ko. "Ganoon ba? Ako na ang may sagot sa kakainin natin ngayon." suhestiyon ni Mama. "Ma, huwag na ako na lang. Tutal ngayon lang tayo nagkitang dalawa ako na ang sasagot ng tanghalian natin. " Inakbayan ko siya at saka hinagkan ang kaniyang pisngi. Mahal na mahal ko si Mama at ayokong nasasaktan at umiiyak. Kahit ano gagawin ko, basta't mapasaya lang siya. I smiled at her
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD