Episode 6

716 Words
Carmen POV Nakailang ikot na ako dito sa office ni Sir Henry wala pa din siya. Panay ang silip ko sa labas para I-check kung tapos na ang meeting. Hindi ako makalabas dahil iyon ang bilin ng boss kong masungit.  Umupo ako sa sofa habang umiinom ng kape. Kailangan kong gising kahit na antok na antok na ako. Baka kasi antukin ako at makatulog pagalitan pa ako ng boss ko. Pero dahil sa puyat nga ako parang walang talab sa akin ang kape na iniinom ko. Tinampal tampal ang pisngi ko dahil kusa ng pumipikit ang talukap ng mata ko. Hindi dapat ako makatulog. Baka maabutan ako ng boss kong natutulog magalit na naman iyon sa akin. Tiningnan ko ang orasan. Alas singko na hindi pa tapos ang meeting. Dapat nga nandoon ako kasi ako Secretary at gumagawa doon. Nagpasya akong umidlip muna hindi ko na talaga kasi kaya. Inalis ko ang sapatos ko tsaka nahiga sa mahabang sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang antok. Inis na inis si Henry sa tatlo niyang kaibigan. Kung makalandi sa Secretary ko akala mo matitino. Kung hindi ko lang sila talaga kailangan  hindi ko sila iimbitahan sa meeting. But unfortunately, they’re one of the sponsors in the upcoming launching of my new product. Paalis na ako nang mapalingon ako. Nakasunod ang tatlong assholes sa akin. Kumunot ang noo ko na hinarap sila. " You can go home now. I don’t you need you here. The meeting is over. Bakit kailangan niyo pang sumunod sa office ko?" Tanong ko. " Ang sama mo bro pasalamat ka we helped you. Wala ka talagang utang na loob" natatawang sabi ni Marko. Napairap ako sa kanya. Hindi ko siya sinagot. Pumasok na ako sa opisina ko. Hinanap ng mata ko si Carmen. Ngunit wala akong nakita. I told her she stays here while I was in the meeting. Umuwi na ba iyon? Sumalubong ang kilay ko sa inis. Nang mapadako ang tingin ko sa sofa nawala ang pagsalubong ng kilay ko. Dahil nakita kong nakahiga si Carmen doon. Lumapit ako para mapagmasdan ang maamo nitong mukha. " Oh, the beautiful lady is sleeping" Sabi ni Chris. Lumapit ito sa kinalalagyan ni Carmen. Lumuhod pa para halikan ito.  Bigla kong itinulak. " f**k you asshole. Don't you ever touch her" Galit na sabi ko. Natatawa na tumayo si Chris. " Possessive mo naman" nakangisi pa ito. Gusto kong undayan ng suntok ito. Pinigilan ko ang sarili ko. Akmang lalapit din ang dalawa pang asshole kay Carmen pinagbantaan ko na. “Don't you dare touch my girl? I will kick your balls out of here!" Banta ko sa kanila. Natawa ang tatlo sa sinabi ko. Pang-asar pa naman ang tawa nila. " In love ka na talaga bro. See you. Mwah! mwah! tsup! tsup!" sabi ni Marko na parang bakla. Napangiwi ako sa inasal niya. Nagsi-alisan na din sila. Natahimik na din ang mundo ko ng nakaalis na ang tatlong asshole. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na lang ginising si Carmen. Nagpunta ako sa table ko para ituloy ang pinipirmahan ko kanina. Naimulat ni Carmen ang mata. Napangiwi nang makaramdam ako ng pangangalay sa braso ko. Siguro dahil sa pagkakahiga ko namanhid na ang braso ko. Bumangon na ako. Napasulyap ako sa table ni Sir Henry. Napalunok ako nang makita ko siyang busy sa pagpirma sa papeles. Kunot na kunot ang noo ng boss habang binabasa ang proposals. Diyos ko nakakahiya na naabutan niya akong nakatulog na. Baka nakanganga pa ako nakakahiya ang hitsura ko. Bigla akong napabangon ng makita ko si Sir Henry, nakaupo sa swivel at busy sa harapan ng laptop. Kunot na kunot ang noo niya. Bigla akong nilukuban ng hiya. Iniisip ko kung anong hitsura ko habang nakatulog. Nakanganga kaya ako o tumutulo ang laway ko? Bigla akong tumayo muntik na akong mahulog sa sofa. Buti nakahawak ako sa may sandalan. Napaangat ng ulo si Sir Henry nang mapansin niya ang pagtayo ko. Nahiya ako sa sa klase ng tingin na ipinukol niya sa akin. Pasimple kong sinuklay ng daliri ang gulo-gulo kong buhok. Ang bilis ng t***k ng puso ko hindi dahil sa kaba dahil sa kaguwapuhan niya. Ganoon ang epekto nito sa akin every time I looked at him.  to be continued.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD