Episode 5

1240 Words
Pagpasok pa lang ng lobby ng building. Nakarinig na ako ng bulong bulungan. Pero hindi iyon bulong kasi narinig ko naman. Alam mo yan yung girl na sinabihan ni Sir Henry na flirt kahapon. Naku totoo naman kung makapanlandi doon sa kaibigan ni Sir wagas. " Oh, talaga grabe siya oh. Di ba Secretary ni Sir Henry yan? My god manlalandi pa may anak na nga." Gusto ko sana e-confront pero hindi na lang. Kahit naman ipagtanggol ko pa ang sarili ko hindi din naman sila maniniwala. Ganoon naman ang tao kung ano ang nauna nilang nalaman iyon na ang paniniwalaan. Nilagpasan ko na lamang ang taong mapang husga. Hindi ko ikamamatay ang pasaring nila sa akin. Mas mabuti nang hindi ko na lang pagtuunan ng pansin. Ako lang din ang maapektuhan. Nang makarating na ako sa table inayos ko ang papeles na papipirmahan kay Sir Henry at pati na ang magiging schedule niya. Pumasok ako sa loob ng opisina ni Sir Henry. 9:00 a.m. pa ang dating ng boss ko. Marahas akong napa buntong hininga ng makita ko kung gaano kagulo ang loob ng office ng boss. Well palagi naman para ngang may dumaang bagyo sa sobrang gulo. Gabi na siguro umuwi iyon dahil nakita kong may kasama na namang babae dito sa opisina kagabi. Nanlaki ang mata ko nang may nakita ako sa sahig na condom. Napangiwi ako nang may laman iyon. My god napakadiwara naman ng lalaking iyon. Sana man lang itinapon na lang niya sa basurahan pagkatapos gamitin. Talagang dito talaga sa sahig itinapon?  Kumuha ako ng tissue para damputin ang condom. Nandidiri kong itinapon sa basurahan ang gamit na condom. Eww… Inayos ko na din ang gamit ni Sir na nagkalat sa lamesa at ang swivel chair niyang nasa isang sulok na. Napansin ko na parang may something na nasa ibabaw ng swivel chair.Pinakatitigan ko iyon nang maigi. Kinuha ko gamit ang ballpen na hawak ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang t-back pala iyon. Napatakip ako ng bibig at napahawak sa dibdib ko.   Sa ganoong eksena ako naabutan ni Sir Henry. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang sarili ko habang naka hang sa ere ang kamay kong hawak ang ballpen na may nakasabit na panty.  Napakunot ito ng noo. " What is that?" tanong nito. My god tatanungin niya kung ano ito hawak ko? Obvious naman di ba? Dapat alam niyang panty ng babae niya ito. Ibig sabihin umuwing walang panty ang babae niya? My gosh. NAPAAGA ang pasok ko sa office dahil kailangan kong magwork ng maaga. Madami akong pipirmahang papers ngayon. Lalo pa may i-lalaunch kami ngayong new product. Pagkapasok sa opisina nakita ko si Carmen. May hawak itong ballpen at may nakasabit doong panty! " Ah S-sir?" nautal na ito at hindi alam kung ano ang gagawin. " Throw that in the garbage" seryosong sabi ko. Napatitig ito sa akin. Nanatili lang itong nakatayo habang hawak ang ballpen na may nakasabit na panty. Pinitik ko ang daliri ko para pukawin ang atensiyon niya. Natulala na kasi siya. " S-sorry po S-sir." Itinapon niya ang panty sa thrash bin.  Bakit ba kasi iniwan pa ng babaeng iyon ang panty nito. It means umuwi ng walang suot na panty ang nakasex ko kagabi.  Umupo ako sa swivel chair. Napatingin ako sa lamesa ko na maayos nakasalansan ang papeles at lagayan ko ng ballpen.  Hindi ko na naayos kagabi dahil sa naging busy na din ako. Isa pa hindi ko gawaing ayusin ang opisina ko. Nandiyan naman si Carmen para linisin ang kalat ko. " Carmen!" tawag ko sa Secretary ko. " Sir ito na po ang coffee niyo." nilapag niya sa table ko ang tasa ng kape. Napansin kong nanginginig ang kamay nito. Ito ang gusto ko kay Carmen hindi ko na kailangan sabihin ipagtimpla niya ako ng kape. Alam niya kung ano ang kailangan ko. " Prepare the papers I'll need for today's meeting. Also, call the three assholes." Sabi ko.  Napatingin si Carmen sa akin na parang may something sa sinabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mata. Binigyan ko siya ng go na look. Biglang baling nito paharap sa akin na parang nag-aalalangan. " Sir, sino pong 3 assholes na tatawagin ko?" sabi nito.  Napatitig tuloy ako kay Carmen. Napaka-inosente ng mukha nito.  Oh, damnit!  Oo nga pala hindi pala dapat makausap ni Carmen ang tatlong ugok na iyon. " No, ako ng tatawag sa kanila. Prepare the things I need. You may go now." Sabi ko. Gusto ko sana matawa kay Sir Henry sa tinawag niyang 3 assholes na kaibigan niya. Pero parang nairita na naman sa akin. Inayos ko na ang papers na kailangan ni Sir Henry para sa meeting nito. Tumingin ako sa pambisig kong orasan.  May oras pa ako para i-check kung ayos na ang papers na gagamitin mamaya sa meeting.  Inilapag ko na ang proposals sa table. I turned on the air conditioning and arranged the chair.Naglagay ako ng water sa table. Nilagay ko ang laptop sa table at inayos ang projector na gagamitin ni Sir Henry. Inihanda ko na din ang USB na gagamitin para sa presentation niya mamaya. Pinagpuyatan kong gawin iyon. Madaling araw na nga ako nakatulog para lang matapos ko kaagad. Maaga pa akong nagising para ipaghanda ng almusal ang anak ko. Dahil maaga ang pasok nito. Kaya kulang ako sa tulog. Feeling ko pipikit na ang talukap ng mata ko.  Humikab ako.  Kanina pa ako hikab ng hikab. Madami ang taong pupunta dito sa conference room. 20 bottled water ang inihanda ko. Dahil sa busy sa kakaayos sa conference room, hindi ko namalayang malapit nang mag-start ang meeting.  Napatingin ako sa nagsidatingan. Ang mga Senior Executive ay narito na din. Ang huling dumating ay ang tatlong assholes na sinasabi ni, Sir Henry. Akmang aalis na ako, nakita ako ng tatlong asshole. Humarang sila sa daraanan ko. Napangiti ako ng alanganin sa tatlong asshole. " Oh, nice to see you again, beautiful lady," Sabi ni Sir Chris.  Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinagkan. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. " Hello, pretty babe." Sabi naman ni Sir Marko.  Nabigla ako ng higitin niya ako payakap sa kanya. Nanigas ang katawan ko nang magdikit ang katawan namin. Sabay halik sa buhok ko.       " Your smell's good, pretty babe," bulong niya sa akin.  Nag-init na ang pisngi ko dahil sa hiya at hindi na ako komportable. Ang bango ng hininga niya.  My god Carmen anong sinasabi mo diyan?  Napabaling ang atensyon ko sa isa pang asshole. " Hello, my darling." hindi ako nakahuma ng halikan niya ako sa pisngi.  Mukha ng kamatis sa sobrang pula ang psingi ko dahil sa pinaggagawa ng tatlong asshole sa akin.   " You three jerks! Are you done raping my secretary?" Inis na sabi ni Sir Henry sa tatlo.  Napatingin ang lahat ng tao na nasa loob ng conference room, dahil sa pagsigaw ni Sir Henry. Gusto kong lumubog sa kahihiyan. Napasulyap silang lahat sa akin. Tawa lang ang ginanti ng tatlong asshole. Nagsipuntahan na sa kani-kanilang upuan ang tatlo na para bang walang nangyari. Biglang sinulyapan ako ni Sir Henry. Matalim ang titig niya sa akin. Kaya natakot ako. Kung nakakasugat lang ang binigay na tingin niya sa akin. Baka nasugatan na ako. " Puwede ka ng lumabas. Stay at my office and don't go until I say so!" Galit na sabi nito.  Tumango na lamang ako at lumabas ng conference room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD