Episode 7

749 Words
Napatingin ako nang may marinig akong ingit ng sofa. Nakita kong napatayo bigla si Carmen. Gusto kong mapatawa sa hitsura niya, sabog sabog ang buhok.   Pasimpleng sinuklay ang buhok gamit ang daliri nito. Although her hair is messy she looks hotter for me. Lalo pa siguro if she’s naked underneath me. Sumeryoso ako nang bumaling ang tingin niya sa'kin. " Sir, puwede na po ba akong umuwi?" tanong nito.  Napatingin ako sa pambisig na relo ko. It's 7:00 pm. " Okay, you can go home now." Sabi ko.  Pinagpatuloy ko  ang ginagawa ko. Pa simple kong sinulyapan si Carmen. Inayos ang na lukot na damit nakasuot siya ng skirt hanggang tuhod at puting long sleeve na may ruffles sa harapan.  Hindi maikakailang maganda manamit ang Secretary ko. She has a sexy body that would make any man drool. Kaya naiinis ako sa mga kaibigan ko kapag lumalapit kay Carmen. Hindi mo akalaing may anak na siya, dahil maganda ang pangangatawan niya.  Para ngang virgin pa siya.  Napailing ako sa naisip ko dahil sa pagkababaero alam ko nang kumilatis sa hindi na birhen at ang babaeng hindi pa nagagalaw ng lalaki. Tumingin ito sa akin ngumiti si Carmen. Tanging tango lang ang tugon ko sa kanya. Bakit ganoon tumingin si Sir Henry sa akin. Para akong kinikilatis base sa mga pinupukol niyang tingin. Nagpaalam ako para makauwi na. Isang tango lang ang tugon niya sa akin kahit nginitian ko pa. Sana hindi ako ma-traffic dahil siguradong hinihintay na ako ng anak ko. Narating ko ang bahay na wala naman masyadong traffic. Tuloy-tuloy naman ang daloy ng mga sasakyan. Papasok na sana ako sa bahay nang marinig ko ang pamilyar na boses na ilang taon ko nang hindi naririnig. Kinalma ko ang sarili ko ng magsimula akong kabahan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob. " Ma, nandito na po ako." Anunsiyo ko.  Napalingon sila sa akin. Napalunok ako ng magtama ang mata namin ni Papa. Naroon pa din ang galit sa mata niya nang tingnan niya ako. " Pa," mahinang wika ko.  Lalapitan ko sana siya upang magmano ngunit pinigilan niya ako gamit ang isang palad niya. Seryoso niya akong tiningnan. " Hindi ako nagpunta dito para makipag-ayos sa iyo at sa bastardo mong anak. Nandito ako para sunduin ang Mama mo. Ayokong magtagal siya dito kasama ka." may galit na sabi ni Papa. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. At mas lalo pa akong nasaktan sa sinabi niya sa anak ko. “Luis, huwag mo naman pagsalitaan ang anak mo ng ganyan. Ako ang kusang pumunta dito para dalawin sila.” Wika ni Mama kay Papa. “Totoo naman ang tinuran ko bakit parang aping-api siya. Wala siyang inisip kung hindi ang sarili niya lamang. Hindi niya tayo inisip noong ginawa niyang magpabuntis sa lalaki niya.” Galit na wika ni Papa.  Nag-init ang sulok ng mata ko. Bakit hindi pa niya  ako magawang mapatawad. Napakatagal nang panahon na nangyari iyon. Alam kong nasaktan ko siya dahil malaki ang expectation niya sa akin. Hindi ko natupad ang gusto niya para sa akin. " Pa, hanggang kailan mo ba ako kayang tiisin? Limang taon na po hindi niyo pa po ba ako napapatawad? Alam ko naman na malaki ang naging kasalanan ko. Pero Pa, huwag mo naman idamay ang walang kamalay-malay na bata. Kung galit kayo sa akin na lang, Pa. Masakit po sa akin ang mga sinabi niyo sa anak ko. Kung nagkamali man po ako hindi ko po iyon pinagsisihan. Hindi ko na maibabalik ang mga nagawa kong mali. " Tuluyang nang tumulo ang luha ko. Si Mama ay napaiyak na din. " Wala akong dapat ipaliwanag pa sa'yo. Sapat na sa akin ang ginawa mo noon para manatili ang galit ko. Dahil walang kapatawaran ang lahat ng 'yon." Galit na sabi ni Papa. "Halika ka na kailangan na natin umalis. Ayokong magtagal pa dito kasama ang babaeng iyan." Sabi nito kay Mama. Tahimik lang akong lumuluha habang nakatayo. Napatingin sa akin si Mama. Humihingi ng paumanhin ang kanyang mga tingin. Ngumiti ako sa kanya upang ipahiwatig na ayos lang ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Umupo ako sa sofa dahil nakaramdam ako ng panghihina. Ito ba ang kabayaran ng pagsasakripisyo ko para maging maayos ang pamilya namin? Akala ko magiging maayos kapag ginawa ko ang tama. Pero nagkamali ako dahil may nasaktan akong isang tao.  Napatingala ako.  Kung ito ang kapalit ng ginawa ko ay tatanggapin ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD