02

1497 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Na comatoes ako ng isang taon?" ulit ni Amarra matapos sabihin ni Pierre na isang taon siyang comatoes at nakaratay sa kama. Hindi makapaniwala si Amarra at nanginginig na hinawakan ng mahigpit ang newspaper matapos mabasa na ikakasal ulit si Harris. "Cosette Sandoval," ani ni Amarra na ngayon ay gusot ang mukhang makatingin sa litrato ng asawa at ang bago nitong mapapangasawa. "Isa ang babaeng iyan sa wife candidate ni Harris at iyan din ang babaeng kasama ni Harris sa isa sa mga scandal niya last 2015— 1 year pagkatapos niyo ikasal," ani ni Pierre bago kumuha ng stick ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon. "Wala silang nahanap na katawan mo— pinalabas nilang tumakbo ka at nagnakaw ng malaking halaga sa asawa mo kahit na ang totoo si Harris ang kumuha 'non. Binilhan niya ng kwintas si Cosette na nagkakahalaga ng 18 million," dagdag ni Pierre bago humihithit ng sigarilyo. Napaubo si Amarra matapos mapunta sa direksyon niya ang usok. "Sorry," ani ni Pierre na kinatingin ni Amarra. Pinatay ni Pierre ang sigarilyo niya at nilagay muli iyon sa lalagyan. "Bakit mo pinatay?" out of the blue na tanong ni Amarra na kinatingin ni Pierre. "Alin?" tanong ni Pierre. Nakapako ang tingin ni Amarra sa kaha ng sigarilyo na hawak ni Pierre. "Inuubo ka." "Pero wala ako sinabing patayin mo. Ayos lang ko," ani ni Amarra na umiwas ng tingin. Nagbago ang expression ni Pierre matapos makita ang reaksyon na iyon ni Amarra. Wala siyang idea kung anong klaseng buhay meron ang babae sa loob ng bahay ng mag Lorenz pero isa lang ang sigurado siya— takot ito sa kabaitan na pinakikita ng ibang tao sa kaniya, wala itong tiwala. Sa unang tingin pa lang at sa ilang metrong distansya niya sa babae. Nakikita niya kung gaano kataas ang pader na nasa pagitan nilang dalawa at nararamdaman niya na kung iisang hakbang pa siya dito. Natatakot si Pierre na mas maunang mag-collapsed ang babae kaysa sa pader na gusto niyang gibain sa pagitan nilang dalawa. Out of instinct— medyo umatras si Pierre at umayos ng upo. "Alam mo bang mas malaki ang chance na magkaroon ng lung cancer ang mga taong second hand smoker," out of the blue na sambit ni Pierre ma kinalingon ni Amarra. Tumingin si Pierre at ngumisi. "Kapag nagkaroon ka mg lung cancer— ako pa din ang magbabayad mas lalaki utang mo sa akin kaya kung unintentionally nakapagsigarilyo ako sa harap mo ipaalala mo sa akin," ani ni Pierre na may seryosong expression. Ilang segundo bago nag-sink in kay Amarra ang sinabi ng binata. Bigla itong tumawa at napatakip pa ito ng bibig habang nagso-sorry. Natawa ng mahina si Pierre matapos makita ang biglang pagtawa ni Amarra sa biro niya. "Okay, noted. Sorry," natatawa na sambit ni Amarra na may pagpunas pa sa gilid ng mata. Nasobrahan siya sa pagtawa perp bahagya siyang napatigil matapos makita na natatawa din si Pierre. "Gusto mo ba sumabay sa akin mag-dinner o gusto mo magpadala na lang ako ng pagkain dito?" tanong ni Pierre matapos kuhanin ang newspaper na hawak ng dalaga. "A-Ayos lang ba na s-sumabay ako sa iyo sa pagkain?" tanong ni Amarra na medyo hindi komportable. Isa pa din Lorenz ang lalaki at mukhang mayaman din ito. "Bakit naman hindi? Siguradong matutuwa si tanda kapag nakita ka sa ilabas at kasabay namin kumain." "Tanda?" ulit ni Amarra. Tumayo si Pierre at inabot ang kamay kay Amarra. "Papakilala kita sa kaniya." Walang pag-aalinlangan na hinawakan ni Amarra ang kamay ni Pierre at mg susubukan niya tumayo— biglang nanlambot ang mga tuhod niya ay babagsak siya nang saluhin siya ni Pierre. Nagulat si Amarra sa pagyakap ni Pierre sa katawan niya kaya naitulak niya ang lalaki. Napaupo siya sa kama at nanlalamig na hinawakan ang katawan. "I–I'm sorry," ani ni Amarra na may hindi maintindihan na expression. Natatakot itong nag-angat ng tingin at may pagmamakaawa ang mukha. Hindi umimik si Pierre sa halip ay lumuhod ito at kinuha ang mga tsinelas ng dalaga. "Naiintindihan kita. Hindi mo kailangan matakot— hindi ako si Harris," bulong ni Pierre matapos isuot ang tshinelas sa babae. Nagulat si Amarra dahil sa sinabi at ginawa nito. Bigla siyang na-guilty. Nag-angat ng tingin si Pierre habang nakaluhod. "Magkamukha lang kami ni Harris pero magkaiba kami ng pagkatao." "A-Alam ko," bulong ni Amarra bago yumuko at pinaglaruan ang mga daliri. "Hindi niya ako titingnan ng katulad mg pagtingin mo sa akin at hindi niya palaging hahawakan ang kamay ko," bulong ni Amarra bago tumingin ulit kay Pierre. "Hindi ka ba komportable kapag hinahawakan ang kamay mo? Kung may nagagawa akong hindi ka komportable— sabihin mo lang," ani ni Pierre. That's a cue tumulo ang luha ni Amarra at parang batang kinusot ang mga mata niya. Bukod kasi sa mommy niya si Pierre ang pangalawang tao na nagsabi sa kaniya. Pakiramdam ni Amarra unti-unti siyang nakahinga dahil doon. "Komportable naman ako hawak ang kamay mo kasi mainit," ani ng dalaga na humikbi natawa si Pierre dahil sa pag-aakalang iyon ang dahilan kung bakit ito umiiyak. "Fine, huwag ka ng umiyak. Hindi mo kailangan, umiyak," ani ni Pierre bago tumayo at inabot ang kamay sa babae. "Subukan mo ulit tumayo. This time dahan-dahan lang," ani ni Pierre. Hinawakan ni Amarra ulit ang nakalahad na kamay ni Pierre. Inalalayan siya mg binata at tumayo. Dahil sa ilang taon na pagkakatulog sobrang bigat mg katawan niya. Sa isip ng dalaga kung hindi siya hawak ng binata ay kanina pa siya natumba. "Ayos lang ba na lumabas ako ng ganito amg tyura ko?" tanong ni Amarra matapos siya pagbuksan ni Pierre ng pinto. Nakamahabang night gown lang kasi siya at wala pa siyang kahit konting suklay. Sobrang haba na din ang buhok niya— hindi siya sigurado kung anong tyura niya ngayon. "Kung hindi ka komportable ngayon sa suot mo pwede ako magpaakyat dito ng maid para tulungan ka magbihis," ani ni Pierre. Napayuko si Amarra. "I mean— komportable naman ako. Baka kasi may mga taong—" "I don't mind kahit ano pa ang suot mo at kung iniisip mo si tanda wala din iyon pakialam. Desente naman tingnan ang night gown mo— sigurado din na matutuwa siya kapag nakitang suot mo iyan since siya ang nag-design 'nan," ani ni Pierre na kinagulat ni Amarra. — "Oh my! Kyaah! Sabi na bagay na bagay sa iyo ang magagandang obra ko!" Nagulat si Amarra matapos may lumapit sa kaniyang matandang lalaki na nasa mid-60s. Inikutan siya nito na parang mamahaling item. "Perfect! Gosh! Kung hindi lang todo kontra itong lokong ito gagawin kitang model ora mismo!" ani ng matanda matapos pumilantik. "Tanda, may usapan tayo. Hindi mo pwede pilitin si Amarra sa mga bagay na ikaw lang ang may gusto. Pumayag ako sa night gown pero hindi ibig sabihin 'non pwede mo siyang gawing manika," bored na sambit ni Pierre matapos sila makarating sa dining area at ipaghila ng upuan si Amara. "Echosera ka talaga Fairy baby! Hindi ba pwedeng marunong lang ako mag-appreciate ng tunay na beauty. Look! Ang ganda-ganda niya at bagay na bagay sa kaniya ang mga gawa ko," ani ng lalaki. Napakamot sa pisngi si pisngi si Amarra dahil sa mga compliment ng matandang lalaki "Oh my! Stop glaring me! Fine! Fine, I'll stop na," ani ng matanda marapos umupo at irapan si Pierre na napabuga na lang ng hangin. Ang gaan ng atmosphere para kay Amarra lalo na at lagi din nakangiti ang lalaking kasama ni Pierre. "Anyway, I'm Devine Lorenz— biological mother ni Fairy baby at huwag mo ng itanong kung saan siya lumabas dahil hindi ko din alam," biro ng lalaki na kinasama ng mukha ng binata. "Unang-una David Lorenz ang pangalan mo tanda and stop calling me fairy hindi na ako bata," ani ni Pierre. Umapila naman agad anv matanda na kinatawa ng mahina ni Amarra. "Ay kaloka ang beauty niya! Lagi ka dapat naka-smile kaloka ang dimple." Nahihiya naman na napakamot sa pisngi ang dalaga at nahihiyang yumuko. "Hey my angel. Huwag mong itago ang mukha ko. Maganda ka naman talaga at huwag ka ng mahiya sa amin. Welcome na welcome ka dito," kumikinang ang matang sambit ng matanda bago nag-gesture sa mga katulong na maghanda ng makakain. "Welcome?" ulit ni Amarra bago tiningnan ang matanda ngumiti ang lalaki at humalumbaba. "Yes, nasabi na sa akin lahat ni Fairy baby at nasabi niya din na wala kang pamilya. Pwede ka dito mag-stay dito hanggang sa gusto mo. Pwede ka din mag-work sa akin bilang model siyempre choice mo iyon." "You can call me mother if you want," maliwanag ang ngiti n sambit ng matanda. Nahihiyang umiwas ng tingin si Amarra pero agad din ito tumingin sa matanda at yumuko. "M-Mother." "Oh my goodness! Narinig mo iyon fairy baby! Tinawag niya akong mother!" Napasapo sa noo si Pierre matapos makitang mag-act ng parang aatakihin sa puso ang tinuring niyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD