Chapter 01
3rd Person's POV
Nagising na lang si Amarra isang araw sa isang malaking kwarto. Sa paligid ng kama nakatayo ang hindi niya mabilang na doctor na agad siyang dinaluhan matapos magkamalay.
Hindi alam ni Amarra kung anong nangyayari at kung nasaan siyang lugar. Nang bumalik na lahat ng senses ng dalaga— napabangon ang babae at napasiksik sa headboard ng kama.
Tiningnan ang sarili at ang mga taong nasa paligid niya.
"Ms. Santos, may masakit ba sa iyo?" tanong ng doctor. Hindi nakasagot ang babae hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto.
Nakaramdam ng sobrang panlalamig ang babae matapos makita ang lalaki kasunod ang isa pang lalaki na naka-suit.
"How is she?" malalim ang boses na tanong ng binata. Napatakip ng sarilu si Amarra at halos isiksik ang katawan sa maliit na espasyo ng kama sa pag-aakalang ito ang asawa.
"H-Harris maniwala ka. Wala akong kasalanan— h-hindi ko kinuha ang kwintas ni mommy Veronica," puno ng takot at mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga.
Tinaas ng binata ang isang kamay. Lumabas lahat ng tao sa kwarto na naging dahilan para mas lalong manginig sa takot ang dalaga.
Nakapamulsahan na lumapit ang binata sa kama. Napapikit ang babae matapos makitang inangat ng lalaki ang kamay niya pero nagulat si Amarra nang yumuko ang binata at ingat ang mukha niya.
"Ms. Santos, mukhang hanggang ngayon ay disoriented ka pa din. Kamukha ko ba si Harris?" malamig na tanong ng lalaki. Hindi nakagalaw si Amarra lalo na ng magtama ang mata nilang dalawa.
Mula sa body build, features, kulay ng mata ay parehong-pareho ng sa asawa pero iba ang tingin ng lalaking kaharap ni Amarra sa kaniya.
"P-Pierre?" bulong ng dalaga. Ngumisi ang lalaki at umayos ng tayo. Nakatingala naman ang babae na parang hindi makapaniwala.
Sa apat na taon na pananatili niya sa bahay ng mga Lorenz marami siyang nalaman tungkol sa asawa at sa pamilya nito.
May kakambal ang asawa at base sa nakita niyang sa kaisa-isang litrato ni Pierre Lorenz kasama si Harris ay talagang magkamukha ang dalawa.
Ngunit kahit isang beses ay hindi niya ito nakita kahit 'nong kasal nila ni Harris at family reunion ng mga Lorenz. Ang tanging alam lang ni Amarra ay sa edad na 13 years old ay lumayas ito sa mga Lorenz at hindi na bumalik pa.
"A-Anong ginagawa ko dito?" bulong ni Amarra. Isang malaking tanong sa dalaga kung anong ginagawa ng isang Pierre Lorenz sa harap niya at kung bakit siya nasa lugar na iyon.
"Ano sa tingin mo? May naalala ka ba sa huling nangyari sa iyo sa family reunion?" balik na tanong ni Pierre na kinatigil ni Amarra.
Isa-isang pumasok sa isip niya ang ginawang pambubugbog sa kaniya ng asawa at pagpapahiya ng mother-in-law niya sa pamilyang Lorenz.
Napayakap sa sariling katawan si Amarra— hindi na namalayan ng dalaga na umiiyak na naman siya.
Pinagbintangan siya ng mother-in-law niya na ninakaw ang mamahalin nitong kwintas. Hindi naniwala ang sarili niyang asawa at sinabi nitong cheap ang wrist watch na binili niya gamit ang perang pinaghirapan niya ng ilang buwan.
Amarra Santos's POV
Kitang-kita ko sa sarili kong mga mata kung paano ako iniwan ni Harris at talikuran. Ginawa niyang impyerno ang buhay ko pero patuloy pa din ako nagpakatanga dahil asawa ko siya.
Flashback
"Harris! Maniwala ka hindi ko kinuha ang kwintas ng mama mo!" umiiyak na sambit ko matapos ako makatikim ng malakas na sampal sa asawa ko. Nakahiga ako ngayon sa sahig at hindi magawang makatayo matapos makaramdam ng hilo dahil sa sampal na iyon.
"Arghh!" daing ko nang hablutin ni Harris ang buhok ko at hilahin.
"Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo? Saan nanggaling ang binili mong cheap na regalo sa akin ha!" bulyaw ni Harris. Hindi na ako nakasagot dahil sa pagbitaw nito sa buhok ko.
Humampas ang ulo ko sa sahig— naririnig ko pa ang pagmura nito sa akin at ang sakit ng pagsipa nito sa hita ko hanggang sa unti-unti iyon humina.
Unti-unting nawala ang sakit at mula sa peripheral vision ko— may nakita akong pulang likido na ngayon ay kumakalat sa sahig.
"H-Harris," bulong ko matapos makita kong mapaupo si Harris sa sahig. Hanggang sa tumayo ito at tumakbo palabas ng kwarto.
End of the flashback
"Lahat ginawa ko— nagpakabuti akong asawa. Kahit hindi siya humihingi ng sorry, pinapatawad ko siya. Paulit-ulit ko siyang iniintindi— nagtitiis ako," bulong ko habang nakasubsob ang ulo ko sa mga tuhod.
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang lahat— anong gusto mong baguhin— anong gusto mong gawin, Amarra?" out of the blue na tanong ni Pierre.
"Baguhin?" bulong ko hanggang sa pumasok sa isip ko ang pamilyang Lorenz at ang pamilya ng mother side ko.
"Gusto ko maging malaya— gusto ko maging masaya at putulin ang ugnayan ko sa mga Lorenz lalong-lalo na kay Harris," sagot ko. Napatigil ako nang may ilabas na kahon si Pierre at iabot iyon sa akin.
Pamilyar sa akin ang lalagyan kaya kinuha ko iyon. Binuksan ko at nagulat ako matapos makita na iyon ang relo na binigay ko kay Harris ngunit sa pagkakatanda ko ay tinapon ito ni Harris pagkaabot na pagkaabot ko sa kaniya.
"Walang imposible sa gusto mo mangyari Amarra— dahil handa akong tulungan ka," ani ni Pierre na kinatingin ko.
"T-Tutulungan mo ako?" ulit ko. Bahagya akong napalayo matapos marinig iyon.
Last na narinig iyon ay binenta ako ng auntie ko sa mga Lorenz at sinira ni Harris ang buhay ko. Kung sa parehong bangin din naman ako mahuhulog ayoko na.
Umiling ako at niyakap ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko na takot sa idea na wala na ako dapat asahan at pagkatiwalaan.
"Look hindi free ito— lahat ng gusto mo gagawin kong posible pero may kapalit," ani ni Pierre na kinatingin ko. Tinaas nito ang hintuturo habang nakatingin sa akin.
"Kailangan mong ibalik sa akin lahat ng pabor na binigay ko sa iyo in future at gusto ko kalahati sa shares ng company ng mga Santos mapupunta sa akin," ani ni Pierre na kinatigil ko. Umayos ako ng upo matapos marinig iyon.
Alanganin siyang napakamot sa pisngi at umiwas ng tingin.
"Sobra ba ang ang kalahati? How about—"
"Deal!" ani ko na kinatingin ni Pierre ulit sa akin.
"Anong deal?" tanong ni Pierre matapos salubungin ang tingin ko.
"Ibabalik ko sa iyo lahat ng pabor na ibibigay mo sa akin at ibibigay ko sa iyo ang kalahati sa shares ng company ng mga Santos. Kapalit 'non gagawa ka ng paraan para maputol ang ugnayan ko sa mga Lorenz, mabawi ko lahat ng property ng pamilya ko at palalayain mo ako," sagot ko na kinangisi ni Pierre bago inabot ang kamay sa akin.
"Then it's a deal, Ms. Santos," ani ko ni Pierre. Inabot ko ang kamay ni Pierre— makapal iyon at magaspang malayo sa mga palad meron si Harris.
Ngunit kumpara sa paghawak ni Pierre sa kamay ko— mas puno iyon ng ingat at mainit. Hindi iyon katulad ng paghawak sa akin ni Harris na puno ng dahas.
Hindi na masamang makipag-deal kay Pierre dahil atleast may idea ako sa gusto nito mangyari at habol nito sa akin.