03

1579 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Pasensya ka na kay tanda ah? Makulit iyon pero sobrang bait," ani ni Pierre habang naglalakad sila ni Amarra sa garden at patungo sila ngayon sa isang green house. "Ayos lang— nakakatuwa nga siya tapos napaka-opstimistic," ani ni Amarra. Naging maingay kasi ang dining area ng gabing iyon dahil hindi nauubos ang kwento ng ama ni Pierre. Nalaman ni Amarra na isang sikat na designer ang ama ni Pierre at karamihan sa mga design na trending ngayon ay mga gawa ng ama ni Pierre. "Ganiyan din ang first impression ko sa kaniya pero habang mas nakikilala ko si tanda mas sumasakit ang ulo ko dahil napakakulit niya." Walang kahit na anong asar o pagkainis doon. Tiningnan ni Amarra si Pierre— halatang lagi itong irita sa kakulitan ng ama pero nakikita ng dalaga sa bawat galaw at expression nito nakikita niya kung paano din ni Pierre pahalagahan ang kaisa-isang tinuring niyang ama. "Pero nakikita kong mahalaga siya sa iyo at tinuturing mo talaga siyang pamilya," ani ni Amarra na kinatingin ni Pierre. Ngumiti ang binata bago binuksan ang gate sa green house. "Para sa akin siya lang ang pamilya ko." "Noong nag-aaral ako tinutukso ako ng mga kaklase ko dahil sa kaniya. Wala silang alam kung paano ako inaruga at tinaguyod mag-isa sa tanda kahit hindi niya naman ako tunay na anak." "Pareho kaming tinalikuran ng mga Lorenz at bago kami makarating sa ganitong antas ng buhay— kinailangan namin pareho magsakripisyo. Nagtrabaho ako para makapagtapos habang siya binibenta ang mga damit na ginawa niya ng ilang taon at hinanda sa murang halaga para makakain kami at makabili ng sariling bahay," ani ni Pierre na kinatigil ni Amarra. Hindi siya naka-react dahil sa idea na ganoon nakaranas ang binata sa kabila ng isa ito sa tagapagmana ng Lorenz. Tinaas ni Pierre ang kamay at nilingon si Amarra. "Iyonang reason kung bakit mainit ang kamay ko at magaspang," ani ni Pierre. Umiling si Amarra at tumingala para tingnan si Pierre. "I don't mind lalo na kung alam kong masipag ka— hanga ako sa iyo," ani ni Amarra na ngumiti. Tinaas ni Amarra ang kamay at dinikit iyon sa palad ni Pierre na parang nagulat. "Gagawin ko lahat para maibalik ang kabutihan na binigay mo sa akin simula ng iligtas mo ako," ani ni Amarra bago binaba ang kamay. "Tutulungan din kita ibalik ang title mo as a succesor ng mga Lorenz," dagdag ni Amarra na kinatigil ni Pierre. "What do you mean?" tanong ni Pierre. Umayos ng tayo si Amarra at umupo sa isa sa mga bench na nasa loob ng garden. "Isa sa reason kung bakit napilitan si Harris na pakasalan ako ay dahil sa posisyon ng dad ko sa mga Santos. Panganay siya at ang lolo mo ay pumipili ng succesor base sa capability at kapakinabangan ng pamilyang Lorenz." "Pumapangalawa ang nga Santos sa pinakamaimpluwensyang pamilya sa buong Asia. Malaki din ang pamilya namin kaya malaking advantage talaga both side kapag nag- marge ang dalawang pamilya." "Pinsan ko si Cosette at hindi na talaga ako nagulat sa nabasa ko sa newspaper dahil matapos ko mawala— ang posisyon ng pamilya ay mapupunta kay Cosette," dagdag ng dalaga. "Anong pinaplano mo?" tanong ni Pierre kay Amarra na kinatingin ng dalaga. "Kailangan natin mapapirma si Harris sa annulment papers," ani ni Amarra bago tumayo at sinalubong ang tingin ni Pierre. "Then kailangan natin mag-fix ng fake marriage para Sa ating dalawa at kung Hindi pwede dahil sa legal process kailangan natin ng contract na nagpapatunay na 3 years lang ang magiging kasal natin o kapag nag-decide tayo na tapusin iyon." "Kailangan mo ako para madurog ang mga Lorenz at kailangan kita para maibalik sa akin ang posisyon sa mga Santos. Hindi lang tayo makakaganti sa mga Lorenz— siguradong iiyak sila sa dugo once na masipa sila palabas sa sarili nilang mansyon," dagdag ng dalaga. Napangisi si Pierre at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Nakikita ni Pierre ang determinasyon ni Amaayusan mga mata at expression nito. Kung hanggang sa pagharap nila ulit kina Harris ay ganito pa din siya kadeterminado sa isip ni Harris walang magiging problema. Amarra Santos's POV Halos malaglag ang panga ko matapos ako dalhin ng daddy ni Pierre sa sinasabi nitong dressing room. Hindi ako makapaniwalang nandoon lahat ng damit na tanginv sa t.v at magazine ko lang nakikita. "Alam mo ba lahat ng damit fairy baby— ako lahat ang nag-design as in bago ko iyon ipasuot sa mga model ko sinisigurado ko g si fairy baby ang unang masusuot." Ngayon alam ko na kung bakit iba ang karisma ni Pierre. I mean gwapo si Pierre pero sobrang galing niya magdala ng damit parang lagi siyang rarampa. "Pero dalawa na ang babies ko naglagay na din ako ng mga dress at mga trend na designs ko sa dressing room na ito. Take note para lang sa inyo ito ni fairy baby," ani ng daddy ni Pierre. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa dami ng damit na nandoon. "Nasabi na din sa akin ni Pierre ang balak niyo. Sa totoo lang nag-aalala ako para sa inyong dalawa— hindi ko din ini-expect na papayag si Pierre na bumalik sa mga Lorenz," ani ni Mother Devine na kinatingin ko. Nakita ko siyang may pinipiling damit sa isa sa mga dress na nakasabit sa malaking closet. "Hindi magiging madali ang pagharap niyo sa kanila pero naniniwala akong makakaya niyo kung matututo kayong magtiwala sa isa't isa," ani ni Mother Devine bago ako nilingon. "May tamang panahon at process po diyan mother at isa pa wala pa kaming 2 days magkakilala ni Pierre pero tatandaan ko po iyan," ani ko na may ngiti sa labi. Kumuha si Mother Devine nang isang dress at pinakita sa akin. "Simulan na ba natin ang make over mo," medyo excited na sambit ni mother Devine. Tumango ako kaya agad niya ako hinila paupo para ayusan. Pumayag akong maging model ni mother Devine at gumawa ng pangalan sa entertainment industry. Isa iyon hakbang para magawa kong makabalik at yanigin ang buhay ni Harris. Kailangan kong magbago at maging better person hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na din sa mga taong binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Tiningnan ko si Pierre na nakatayo sa pinto at nakahilig sa sandalan 'non. Ngumisi ito matapos makitang inaayusan ako ng daddy niya. "Kailangan mo sigurong kumain ng mas marami. Para kang kawayan," komento ni Pierre na kina-pokerface ko. Agad naman umapila si mother Devine at sinabing maganda pa din ako. Wala talagang filter ang bibig ni Pierre at isa iyon sa mga ugaling napansin ko sa kaniya. "Hindi ako tataba kung puro soup lang ipapakain mo sa akin." "Kagigising mo lang at bilin iyon ng doctor," sagot ni Pierre bago umayos ng tayo at tumalikod. "Smoke lang ako," paalam ni Pierre bago nakapamulsahan na umalis. "Alam mo ba ikaw ang unang babae na tiningnan niya sa mata at hinawakan. Hanggang ngayon nagugulat pa din ako tuwing nakikita kong nakatingin siya sa iyo at sa idea na binuhat ka niya papunta dito kahit kasama niya ang secretary niya," out of the blue na sambit ni mother Devine na kinatingin ko sa salamin na nasa harap namin. "Allergy ba sa babae si Pierre?" may pagtatakha na tanong ko. Napatigil si mother Devine sandali bago pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ko. "Sabihin na natin na lahat ng nangyari na masama sa kaniya ay dahil sa babae. Lumayas siya sa bahay ng mga dahil sa step mother niya na lagi siyang inaabuso— si Veronica? Araw-araw niyang binubugbog si Pierre. Isama mo pa na ginawang pang momolestiya ng step sister niya na naging dahilan ng malaking trauma sa kaniya." "Mga wala silang puso at konsiderasyon sa fairy baby ko at kung nagkaroon lang talaga ako ng pagkakataon ginupitan ko ang mga hairlalu nila at inubos ko ang buhok nila sa katawan ng bongga," ani ni mother Devine. Mas naggitgit ako matapos marinig iyon. Sobra-sobra na talaga ang kasamaan nila. "Hayaan mo mother once na makabalik kami ni Pierre sa mansyon magkakaroon ka na ng pagkakataon. Pagbabayarin natin sila sa lahat ng ginawa nila." Ito ang una at huling pagkakataon na mababago ko ang buhay ko. Kapag umayon lahat sa plano. Pababagsakin namin ni Pierre ang Santos at Lorenz household. — "Interesting," bulong ni Pierre na may ngisi sa mga labi habang nakaupo sa swivel chair at may hawak na envelop. "Sino ang mag-aakalang ang Lorenz mismo ang humukay ng sarili nilang paglilibingan," natatawa na sambit na sambit ni Pierre habang nakatingin sa folder at humihithit ng sigarilyo. "Pierre! Nandiyan ka ba?" Nag-gesture si Pierre sa secretary na buksan ang pinto. Agad naman sumunod ang lalaki at binuksan iyon. Pinatay ni Pierre ang sigarilyo at nilagay sa drawer ang mga envelop. "Fairy baby! Kamusta ang make over ni my angel?" tanong ng matandang lalaki na pumapalakpak habang nakatingin kay Amarra. "Tao ang dinadamitan, tanda hindi kawayan," basag ni Pierre. Literal na napanganga ang matanda dahil sa asal ng binata. Nag-cross arm si Amarra bago tiningnan ng masama si Pierre. "Tataba din ako tandaan mo iyan grr," ani ni Amarra bago tumalikod. Lalakad ito palabas ng biglang magdilim ang paningin niya. Bago pa siya mapaupo sa sahig mabilis siyang nahawakan ni Pierre sa braso at ulo para alalayan ito. "My god! Are you okay my angel?" "Lance, tumawag ka ng doctor. Bilisan mo," ani ni Pierre matapos makitang namumutla ang babae.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD