Napahalakhak ako matapos kong sabayan ang kantang pinapakinggan ko.
"It never bothered me anyway! Yeah!" I opened my car's window at sumigaw. "Let it go!"
I saw a delivery truck beside my car, nakabukas ang bintana niyon kaya kitang-kita ang pagwawala ko rito sa loob ng sasakyan ko.
"Hello, Miss Beautiful!" Isa sa sakay ng delivery truck ang pasigaw na bumati sa akin.
"Good Morning!" I greeted him back. Kumaway pa ako at nag-flying kiss.
Dire-diretso ang truck pahilaga samantalang kumaliwa naman ang sasakyan ko.
Today's the very first day of my last year in college. Simula na naman ng pakikibaka ko sa buhay-estudyante at hindi na ako makapaghintay na matapos ang taong ito kahit na kasisimula pa lang.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang excitement kahit na alam kong puro kalokohan at pagbubulakbol lang naman ang gagawin ko. Pero baka maiba rin ang ihip ng hangin dahil nasa huling taon na ako ng kolehiyo. Kailangang mag-ayos para sigurado akong makapagmamartsa ako sa graduation.
Marketing Management ang kurso ko. It's not my ideal course, naubusan kasi ako ng slot noong first year kaya rito ako bumagsak. Hindi ko na rin pinalitan pa dahil na rin sa sayang naman ang oras, hirap na hirap na nga akong maipasa ang unang taon ko, papalitan ko pa ba?
At sayang naman ang pera, lalo na at hindi ko naman pinupulot iyon. Nahihiya ako kay Tita Malou kung magsi-shift pa ako kaya ipinagpatuloy ko na lang. At ngayon nga, malapit na. Kaunti na lang at makakatapos na ako.
Muling nagpalit ang kanta sa cellphone ko at katulad kanina ay pasigaw na sinabayan ko iyon.
I saw the main gate of San Sebastian University. Umayos ako sa pagkakaupo at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papasok.
Tawang-tawa pa ako nang makitang ang sasakyang nauuna sa akin ay halos bumangga sa poste. Agad din naman iyong bumuwelo at humabol sa akin papasok ng eskwelahan.
I parked my car and got my things.
"Gabriella!"
I rolled my eyes. Nilingon ko ang may-ari ng boses. Ang lalaking may-ari ng pulang sportscar na muntik nang mabangga kanina.
"Oh, hi Harry!" I greeted the guy.
Agad na nawala ang supladong ekspresyon ni Harry, napalitan iyon ng masuyo at malambot na ekspresyon.
"Good morning, Gab!" he greeted me back. "How's your vacation?"
"Great as always!" I winked at him.
May sasabihin pa sana s'ya pero agad ko na s'yang iniwan doon at mabilis na naglakad sa hallway.
I saw familiar faces along the way, the same and new faces of guys, but all of them looked at me with so much adoration and amazement. And the girls of course, with their usual insecure and jealous look. Well, I can't blame them. Malaki ang tiwala ko sa ganda at itsura ko, hindi ko din kailangang manamit ng mamahalin at nagkikislapang mga damit para kunin ang atensyon ng madla.
Sapat na ang paglalakad ko para lingunin nila ako nang higit pa sa isang beses.
"Gabby, baby!" Alfonso, one of my classmate for sure, approached me.
"Hi, Alfon!" I smiled at him seductively.
Our barkada flew towards us.
"Gabby, balita ko single ka ngayon?" Chris asked me, umakbay pa ang lalaki kay Alfonso.
I shrugged my shoulder. "Yeah, Conrad and I broke up."
Naghiyawan sila na ikinatawa ko. I saw a group of high and mighty students walking on the other side of the hallway.
High and mighty dahil sila ang mga miyembro ng Noble Clan, ang bansag namin sa samahan ng mga estudyanteng matatalino, hinahangaan, mayayaman at mga pinagpipitagan na pinapangunahan ng perpektong si Ric Aldrin Ocampo.
Richie Ric, iyon ang isa sa mga nickname ko sa kanya.
"Gabby!"
Mabilis na nilingon ko ang may-ari ng boses. Agad na lumaki ang pagkakangiti ko nang makita ang dalawa kong matalik na kaibigan.
"Letti! Sab!"
Agad na nagyakap kaming tatlo. Nakipagbatian pa sila sa mga lalaking nakapaligid sa amin. Sa pagdating ng dalawa kong matalik na kaibigan ay lalong umingay ang grupo namin.
Natural na sa amin ang pagiging magulo at maingay lalo na at unang araw ng semester. Halos dalawang buwan din kaming hindi nagkita-kita at alam naming ilang buwan na lamang ang pagsasamahan namin.
Napataas ang kilay ko nang makitang napahinto na ang mga estudyante ng Noble Clan, nasa amin na ang atensyon nila at ng iba pang grupo ng mga estudyante.
I know what they're thinking. Lalo na ang mga mata nilang mapanghusga na ngayon ay tila maninila sa pagkakatingin sa amin.
We are their counterpart. Kung sila ang mga perpektong estudyante, kami naman ang mga tinamaan ng katamaran, nanggaling sa mga ordinaryong pamilya, well ako lang naman dahil puro anak-mayaman ang mga kaibigan ko. Kami rin iyong mga estudyanteng mahilig mag-cutting classes at suki ng Guidance Office.
"Gab, si Ric oh," Sab whispered. "Crush mo 'yan noong first year pa tayo, hindi ba?"
Matamis ang ngiting tiningnan ko ang lider ng mga matitinong estudyante.
"Hi, Ric baby! Long time no see!" I waved my hand. "Alam mo bang crush kita?"
Naghagikhikan sina Sab at Letti habang naghiyawan naman ang mga lalaki.
I saw how Ric, the perfect student shook his head. Napangiwi pa s'ya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Natatawang nakipag-high five ako sa dalawa kong bestfriend. Sabay-sabay na kaming dumiretso sa magiging classroom namin sa huling taon namin.
Katulad nang dati ay maingay ang naging pagpasok namin sa silid na sobrang tahimik. Gusto kong mapangiwi sa tanawing nakita sa loob.
My God! First day na first day pero nagbabasa sila ng aklat! Calculus ba 'yong nakikita kong hawak noong isa naming kaklaseng may mala-magnifying glass sa kapal na salamin? Ano pa nga bang aasahan ko sa mga ulirang estudyante?
"May assignment ba agad tayo?" nagtatakang tanong sa akin ni Letti. Katulad ko ay naalibadbaran din s'ya sa mga nakikita.
Nagkatinginan kami ni Sab at nagtawanan. Tila mga anghel na naistorbo naman ang itsura ng mga kaklase naming nadatnan namin sa silid.
"Silence, please," maikli pero maawtoridad na sabi ni Ric y Perfecto.
Tila may bombilyang lumabas sa ibabaw ng ulo ko. And a clever idea popped up.
Mabilis na lumapit ako sa lalaki. Kunot-noong napatingin sa akin ang gwapo at supladong ideal man ng lahi ni Eba nang maupo ako sa desk ng katabi n'yang upuan.
"May lighter ka ba, Mr. Ocampo?" I asked, sabay labas ng isang stick ng sigarilyo.
Mas dumami ang kunot ng noo n'ya. Mukha s'yang binatang tatandang mag-isa sa nakikita kong stress sa mukha n'ya.
"Smoking is strictly probihited here, Miss Castro," matigas na sabi n'ya. Maganda talaga ang diction n'ya, pang mayaman at pang matinong estudyante talaga.
Nagpalit ang pagtataas ng magkabila kong kilay.
"First day of school pa lang, walang rules-rules ngayon," I said as a matter of fact. Tama naman ako, hindi ganoon kahigpit ang eskwelahan namin kapag unang araw ng pasukan.
Mayroon namang batas tungkol sa mga bisyo at kalokohan ng mga estudyante pero madalas ay hindi iyon nasusunod dahil usong-uso ang pagtatakipan ng bawat estudyante. Karamihan din ng mga estudyanteng pasaway ay nabibilang sa mayayamang pamilya kaya deadma lang talaga ang iba.
"Kahit na, graduating na tayo. Dapat ay marunong ka nang sumunod sa mga rules and regulations ng eskwelahan," he said. "Look at you, you're wearing a crop top and a tattered jean? Hindi iyan ang nararapat na damit ng isang estudyante," dagdag pa n'ya.
Umismid lang ako at tiningnan ang itsura n'ya. Mula sa buhok n'yang may pomada pa yata ng lolo n'ya hanggang sa sapatos n'yang kulay brown na sobrang kintab na kahit alikabok ay mangingiming kumapit.
"Sa 'yo nga kapag hindi polo na stripe at plain, short and long sleeve, barong ang suot mo. Nagreklamo ba kami? Hindi naman ah, hindi ba guys?" Nilingon ko ang mga kaklase naming nanonood sa amin.
"Siyempre, hindi! Kalayaan sa pananamit!" Some of our classmates shouted in chorus. Ang iba pa nga ay nag-cheer sa akin. Ang iba naman ay nagpunit ng papel na hindi ko alam kung saan nila kinuha dahil pumapasok naman sila na walang dalang papel.
Natatawang itinaas ko ang kamay ko na ikinatahimik nila. Nang-aasar na nag-crossed leg ako at mapanuksong tinitigan si Ric.
He's still on his usual seryoso and suplado look.
"So, nasaan na nga ba tayo, Mr. Ocampo?"
Saglit na tiningnan n'ya ako at nailing. "I don't have any business with you, Miss Castro."
Suplado. Mabuti na lang talaga at gwapo!
"Graduating na tayo at lahat, masungit ka pa rin, paano ka magkaka-girlfriend n'yan?"
Ibinaba n'ya ang aklat na binabasa at tiningnan ako. "Miss Castro, first of all, wala akong pakialam sa opinyon mo. Ikalawa, that's my personal life and my problem, not yours. Lastly, can you please return to your seat and mind your own business?"
"Thirty-four words."
"What?" His forehead creased more.
"Iyon na ang pinakamahabang nasabi mo sa akin sa loob ng apat na taon," sagot ko. "Kahit paano ay may development na tayo!"
Nagsigawan muli ang mga kaklase namin habang inis na inis naman na tumingin sa kanila si Ric.
Nangalumbaba akong tinitigan s'ya.
Hinayaan n'ya lang ako pero pagkaraan nang ilang minuto ay nai-stress na tumayo s'ya at namaywang. Tumayo na rin ako at namaywang din.
"Ano bang problema mo, Miss Castro?"
"Wala. Masama bang titigan ka?"
"I don't like you or anyone staring at me," madiing sabi n'ya na nagpalabas ng malalim na biloy sa kaliwang pisngi.
I leaned closer. Mas tinitigan ko ang itim na itim na mga mata n'ya. "Gusto ko lang masigurong ikaw ang future ko."
Kinindatan ko pa ang natulalang model student.
Gusto kong matawa nang makitang speechless ang lalaki.
"So, goodluck!" I caressed his chin before I turned to my seat, three chairs apart from his.
Napuno muli ng sigawan ang buong silid. They're shouting my name like I won.
❤