Chapter 2- Nerds Do Flock Together

1588 Words
"So, dahil unang linggo pa lang ng pagbubukas ng klase at nasa huling taon na kayo sa kursong ito. Let's talk about how important this course is, as individual and to our society." Nakahalumbaba ako habang kinakagat ang kuko ng hinalalaki sa kanang kamay. "Sir!" Katulad ng inaasahan ay ang mga miyembro ng Noble clan ang mga nagsipagtaas ng kanilang mga kamay. Akala mo naman ay may nagtatawag for attendance at nagpapaunahan silang magsabi ng present. "Ric, go on." Mr. Rialondo pointed Mr. Nerd number one. Umayos ako sa pagkakaupo at interesadong nakinig sa isasagot ng lalaki. "Marketing Management is a program which deals with the nature, scope and role of marketing to make our economy grow and help people attain a decent standard of living. It's not just about a study about a certain product. With a complete knowledge for this profession..." Napatanga na lang ako sa mga sinabi n'ya. Umiling-iling ako para hindi na pumasok sa mga tainga ko ang iba pa n'yang sinasabi. "Good, so anyone?" Our professor pointed another nerd. Agad na tumayo ang isa pang nerd at nagpaliwanag ng kung ano-ano na hindi ko talaga maintindihan. Pagkatapos niyon ay isa pang estudyante ang tumayo at ipinaglaban ang pinaniniwalaan n'ya tungkol sa kurso namin. Ni-reject pa n'ya ang sinabi ng kapwa nerd n'ya at naghain ng mga ebidensyang hindi ko alam kung ano ang kinalaman sa kurso namin. Hindi naman nagpatalo ang nerd na kwinestyon ang paniniwala, sige rin s'ya sa paghahain ng mga facts n'ya. Hindi na ako magtataka kung magtalo-talo sila ngayon dito dahil sila lang naman ang nagkakaintindihan. Napatingin ako kay Letti nang pasimpleng sipain n'ya ang paa ko. Nasa kanan ko s'ya at katulad ko ay antok na antok ang itsura n'ya. She leaned closer. "Nasa kurso pa ba natin tayo? O talagang may debateng nagaganap?" Napahagikhik ako sa tanong n'ya. Hindi ko naman s'ya masisisi dahil ikatlong araw pa lang ng pasukan pero puro discussion na kami agad. Hindi ko nga alam kung may pumapasok ba sa isip ko pero malamang ay wala talaga. Umayos ako sa pagkakaupo at nakipaglaro na lang ng SOS sa babae. Ilang minuto pang puro pagtatalo at paniniwala sa kurso namin ang sinasabi ng mga kaklase ko habang nakaalalay sa kanila si Mr. Rialondo. Malapit na ring mapuno ang graphing paper na pinaglalaruan namin ni Letti. I felt a light tap on my shoulder. Isang nakatupi at maliit na papel ang nalingon ko. Mula iyon kay Sab. Early lunch. Iyon ang nabasa ko sa papel. Mabilis na itinaas ko ang kamay ko. "Yes, Miss Castro?" Agad naman akong pinansin ni Mr. Rialondo bagay na nakapagpalingon sa mga ulirang estudyanteng masusing nakikinig sa discussion s***h debate. "Can I go out, Sir?" Humawak ako sa puson ko. "Monthly period, Sir." Kitang-kita ko kung paano nalukot ang mukha ng mga mabubuting estudyante pero hindi ko na lang sila pinansin. Bahala sila diyan sa mga buhay nila, basta kakain ako. "Alright. Pumunta ka na rin sa clinic para mabigyan ka ng pain reliever," bilin pa sa akin ni Sir. I bowed at him then took my bag. Bago pa s'ya makapagtanong ay niyakap ko na ang bag sa may puson ko at tila kubang naglakad nang marahan. "Ay putspa!" bulalas ko. Tiningnan ko ang dahilan nang muntik kong pagkakapatid. Ang walanghiyang may-ari ng mga stripes na polo! "May problema ba, Miss Castro?" Mr. Rialondo asked. Inirapan ko na lang si Ric at humarap kay Sir. "Sa sobrang sakit ng puson ko Sir ay parang gusto ko nang magpa-footspa, nanginginig din kasi ang mga paa ko." Hindi na ako tinanong pa ng professor namin at inalalayan pa ako hanggang makalabas ng silid. Mabagal na naglakad ako hanggang sa makalampas sa isa pang classroom at agad na tumakbo nang mabilis pagkaliko sa pasilyo. Maya-maya pa'y nalingon ko na sina Sab na tumatakbo rin sa direksyon ko. Para kaming mga sira-ulong nagpapaunahan sa isa't-isa. Hanga na talaga ako sa galing nila sa pagpapalusot. Hindi ko inaasahang agad silang makakahabol sa akin. Mabilis na nakatalon ako sa sementadong harang na may hindi kataasan, iilang namumulaklak na halaman ang nandoon at nagsisilbing dibisyon sa field na tutunguhin namin ngayon. Hinintay ko muna ang dalawa na maabutan ako. "Ang bilis n'yo," komento ko nang maabutan nila ako. "Sinabi ko kasi kay Sir na nahihimatay ka kapag inaatake ka ng dysmenorrhea," ani Letti bago nakipag-unahan kay Sab na tumalon. Muntik pa nga n'yang masipa ang karatulang Don't jump/step on plants. Sabay-sabay kaming tumakbo patungo sa malawak at berdeng soccer field. Ni hindi na namin pinansin ang mga estudyanteng naglalaro. Ang iba ay kumaway nang makita ako, nag-flying kiss lang ako sa kanila habang sinasabayan sa pagtakbo ang dalawa kong kaibigan. Hinihingal pa kami nang makarating kami sa cafeteria. Agad na dumiretso kami sa pinakaunang lamesa sa unahan, inilagay namin doon ang mga bag namin at mabilis na kumuha ng tray. Dahil wala namang ibang estudyante rito kundi kami at ilang mga tumatambay, agad na nakakuha kami ng pagkain. Sinimulan na namin ang pagkain. Hindi naman kami mga gutom pero mas prefer kong kumain kaysa maupo sa classroom at makinig sa kahit kaninong lecture. "Nakita ko 'yon ah," sabi ni Letti sa pagitan ng pagsubo. Tumaas lang ang kilay ko habang pinapapak ang fried chicken na binuraot ko pa sa nagse-serve ng pagkain dito. "Pinatid ka ni Mr. Perfect kanina," si Letti na rin ang sumagot sa hidden question sa sinabi n'ya kanina, bahagya pang nanunukso ang boses n'ya. "Oo nga! Mukhang alam na ni Perfect Ric ang mga technique mo sa pagka-cutting ah," segunda naman ni Sab. Uminom muna ako ng tubig. "Ah, 'yong hayop na 'yon? Hayaan n'yo na 'yon, malaki na s'ya." Nagtawanan kami at nagpatuloy sa pagkain. "So, kailan ka magkwekwento sa amin? Hindi mo pa sinasabi sa amin ang nangyari kung bakit kayo naghiwalay ni Conrad? Bakit nga ba ha, Gabriella?" maya-maya ay tanong sa akin ni Sab. "That jerk is a cheater," agad na sabi ko. "I saw him with a girl, they're making out inside his car!" My two bestfriend's lips formed an O shape. "Yes, and he tried to talk to me and want to fix things but I refused," dagdag ko pa. "Aba at walanghiya talaga ang lalaking iyon! Pasalamat s'ya at hindi ko pa s'ya nakikita rito sa campus kundi tutuhudin ko s'ya!" Tumango na lang ako at natatawang pinakinggan ang pagra-rants ng dalawang babae. "Naku, hayaan mo na 'yang si Conrad. Boto sana ako sa kanya kasi s'ya na ang pinakamatagal mong naging jowa pero gago rin pala," si Letti. "Six months," itinaas ko pa ang kutsara ko bago isinandok sa hipong nasa bowl ni Letti. "See? Grabe, tapos sinayang lang n'ya? Very bad," Sab resumed her rants. "Kaya naman pala mga tila nanalo sa lotto ang lahi ni Adan dito sa eskwelahan, single ka na ulit. Akala ko talaga ay scam lang kasi hindi ko pa nakikita si Conrad." Kung saan-saan pa napunta ang pag-uusap namin kaya hindi na namin napansin pa ang oras. Ni hindi na rin namin inisip na bumalik para sa susunod na klase. "Ang guwapo lalo ni Mr. Perfect ngayon, hindi ba?" maya-maya ay sabi ni Sab. Kumunot ang noo ko. "Si Richie Ric?" Napahagalpak nang tawa ang dalawa sa narinig na bansag ko sa lalaki. "Crush mo 'yon tapos kung ano-ano ang itinatawag mo," naiiling na komento pa ni Letti. Lumabi lang ako at ininom ang coke na laman ng basong nasa harap ko. "Bakit hindi na lang si Ric ang jowain mo, Gab?" Agad ang pagsikdo ng dibdib ko. Tila umakyat ang coke sa ulo ko. Nasamid ako at ramdam ko ang pagsakit ng lalamunan ko. "Oh, okay ka lang?" Letti handed me a tissue. Kinalma ko ang sarili ko at wala sa sariling napatingin sa grupo ng mga estudyanteng nerd na papasok ng cafeteria. "Oh, speaking of the hot devil!" Sab whispered. Kinikilig pa ang bruha. Uminom ako ng tubig at inayos ang sarili ko. "Back to my brilliant idea, bakit hindi mo nga ligawan ang perpektong ideal man ng lahat ng kababaihan dito sa lupa?" pangungulit ni Sab. "Hello, I'm Gabriella Castro, my Sabina. Hindi ko linya ang mga nerd na pogi. Isa pa, alam mo namang nag-iinit ang bumbunan ng lalaking iyan sa akin. And he's too boring, baka ang date namin ay mapunta sa pagre-review ng marketing strategies." Natatawang umiling ang dalawa. Wala naman sa sariling nilingon ko si Richie Ric na kumukuha na ng pagkain n'ya. Nasalubong ko rin ang pares ng mga mata ng babaeng laging nakadikit sa kanya. Nakataas ang kilay sa akin ng babaeng akala mo ay bersyon ni Maria Clara. Nasisiguro ko ring mula sa kinatatayuan n'ya ay kitang-kita n'ya maging ang pawis ko sa kapal ng salaming suot n'ya. Inirapan pa ako ng Maria Clara'ng nerd bago muling dumikit kay Richie Ric at may sinabi. Napahawak ako sa leeg nang ma-stress sa fashion sense ng grupo ng Noble Clan. Ang sakit nila sa mata. "That's Krisanta Leydones, kababata at kapwa nerd ng crush mo." Nilinga ko si Letti, nakaturo s'ya kay Maria Clara. Muli akong tumingin sa grupo ng mga pinagpipitagang estudyante ng eskwelahan. This time, nagkasalubong na ang tingin namin ni Richie Ric. As usual, kunot na kunot ang noo n'ya at naa-amaze na talaga ako sa pagkakaplantsa ng polo n'ya na hindi nalulukot. Maging sa buhok n'yang dinilaan yata ng kabayo sa kislap at ayos. I smiled at him seductively then winked. Tila nabwibwisit na nagmadali s'yang naglakad papunta sa table ng mga kasama n'ya. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD