“Miss Gabriella, ito po ang booth namin,” sabi ng nakasalaming estudyanteng nakilala namin bilang Jerome. “Not bad,” komento ni Letti na kaagad naming sinang-ayunan ni Sab. Tinitingnan namin ngayon ang may kalawakang lugar sa gitnang bahagi ng malaking field na pinagtayuan ng Wedding Booth. Sa lugar pa lang ay halatang pinag-isipan na ang itatayong booth. Nasa pinakagitnang bahagi ng field ang booth kaya napaliligiran din iyon ng iba pang booth. Para iyong nasa gitna ng isang maunlad na lungsod kung saan ay sentro ng komersyo. Maayos ang market at siguradong mapapansin ng lahat ng customer. Hindi na nila kailangang i-market ang booth dahil mismong iyon na ang nag-market sa sarili n’ya. At kung hindi Wedding Booth ang napili nila ay siguradong mas maganda ang resulta. “Nice,” I compli