Katulad ng dati ay pasigaw na sinasabayan ko ang kantang tumutugtog mula sa cellphone ko. Nakasarado naman ang bintana ng kotse ko kaya okay lang na magwala ako rito gamit ang may hindi kagandahan kong boses. 'Cause someday, someone's gonna love me Masakit ang istorya sa likod ng kantang iyon at hindi pa nakatulong ang punong-punong emosyon na boses ng singer. Kung broken-hearted siguro ako at ito ang pinakikinggan ko ay siguradong ngumangalngal na ako. Siguro nga ay sariling karanasan iyon ng singer. Nai-imagine ko pa lang ang posibleng kuwentong nasa likod ng kanta ay nasasaktan na ako ngayon. Ang kanta ay para sa mga taong sawi sa pag-ibig at umaasang magiging maayos rin sila. Na may makikilala silang taong deserving para sa pag-ibig nila. Iyon nga lang, hindi sigurado kung kailan a