Pupungas-pungas na lumabas ako sa sasakyan ko. Muntik pa ngang maipit ng pinto ang binti ko dahil sa antok na nararamdaman. Kung hindi nga lang kailangan ay hindi na lang ako papasok ngayon at mas pipiliin kong matulog na lang sa bahay maghapon. I tilted my head for a few times, umaasang mabubuhay kahit paano ang dugo ko ngunit wala namang nangyari. Napatingala ako sa kalangitang bago pa lang sinisilayan ng init ng araw. Napakaaga pa at nang tingnan ko ang relo ko ay alas-siyete pa lang ng umaga. Sa loob ng apat na taon ay ito na rin ang pinakamaagang oras ng pagpasok ko at labag pa sa loob ko. Kagabi ay inabot na rin kami ng alas-diyes dahil nagkaroon pa ng meeting ang mga kandidato pagkatapos ng klase at after niyon ay inasikaso pa namin ang mga magiging booth namin para sa araw na it