Ric Aldrin Ocampo’s Point of View: Ilang beses pa akong napahinga nang malalim nang makita kung gaano kagulo at kaingay ang mga estudyanteng nasa loob ng auditorium. Hindi ko rin mapilit ang mga paa ko na pumasok dahil pakiramdam ko ay ang mga estudyanteng nasa loob ay iyong tinutukoy na ninety-nine point one percent na germs sa patalastas ng Safeguard. Ako iyong nawawalang point one percent at sa oras na itungtong ko ang mga paa ko sa loob ay makokompleto na ang one hundred percent na germs. Sa madaling salita, mahahawa na ako ng kaguluhan ng mga taong nasa loob ng auditorium. Kung tutuusin ay ka-edad ko lang ang karamihan sa kanila at sigurado rin akong mas matanda sa akin ang iba dahil-pare-pareho lang naman kaming nasa unang taon sa kolehiyo rito sa San Sebastian University. Unang