Minasahe ko ang balikat ko nang maramdaman ang pagod doon. Ilang beses din akong bumagsak sa tubig kanina kaya pagod na pagod ang katawan ko. Nag-stretch muna ako nang ilang beses bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Katatapos ko lang hugasan at isalansan ang mga pinamili naming pagkain sa refrigerator. Sapat lang ang binili namin para sa pananatili namin dito hanggang sa linggo ng tanghali. Nilingon ko ang hagdanan nang makarinig ng ilang yabag. Inaasahan kong bababa na mula roon si Ric pero hindi naman s'ya natuloy. Bumalik din s'ya sa itaas, may nakalimutan yata. Alas nueve na ng gabi at may isang oras na kaming nakabalik dito sa bahay ni Tita Malou. Pagkatapos naming mamili kanina ay kumain na rin kami sa labas. Gusto ko mang ipagluto ang lalaki ay pagod na talaga ako. Hindi na rin kam